Chapter 32: Revelation

946 23 0
                                    

POV> HAVEN CLARISSE JANG

"Im--Immortal ka?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Si Ace? Immortal? At hindi lang basta basta immortal kundi isang... fallen angel.. isang demon.

"Oo. Haven." Bigla nalang din siyang nagbago ng anyo, lumabas ang tinatago niyang buntot at maliit na sungay. Balak niyang lumapit sa akin pero kaagad akong umatras.

"H'wag kang lalapit sa akin." Bakit?! Bakit hindi ko kaagad siya naramdaman dati pa. Tinignan ko siya na para bang binabasa ang pagkatao niya. Mas lalo ako nagulat na maging pamilyar ang pwersang nilalabas niya.

"Ikaw.. ikaw yung malakas na pwersang nararamdaman ko? All this time, hanap ako ng hanap pero ikaw lang pala yun? Ikaw yung sa school, yung sa resto.." Dahan dahan siyang tumango. Hindi ko alam ang plano niya. Alam kong mortal na magka-away ang dalawang lahi namin. Langit at Lupa.

"Bakit? Bakit mo 'to ginagawa?" Napakuyom ako ng kamao, dahil baka mamaya nahulog na ko sa patibong niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa lahi namin. Magagalit si Ama pagnalaman ito.

"Wala akong masamang gagawin sa'yo." Kinikilabutan ako sa boses niya. Ito kasi ang unang beses na makaharap ako ng isang tulad niya.

Ang isa ko pang pinagtataka, hindi siya nagulat ng makita akong ganito. Bakit Ace? "Kelan mo pa nalaman ang tunay kong pagkatao?"

"5 years ago." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Matagal na niyang alam pero bakit patuloy padin siyang lumalapit sa akin.

Kaya pala.. kaya pala ayaw niya sa malamig at gustong gusto nya sa dilim. Kaya din hindi nagbabago ang itsura niya, at sa tuwing nagdidikit kami ay may nararamdaman akong kakaiba. Pero hindi ko yun pinansin.. dahil mahal ko siya.

"Haven.." biglang naging normal ang boses niya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa nangyayari. Kahit anong gawin ko.. kailangan kong tigilan to.

Tumingin ako sa mga mata ni Ace. Kitang kita ko ang kulay na pula niyang mata. Parang apoy na kahit titigan mo lang ay mapapaso ka.

Kailangan na nating itigil to, Ace. Kinuasap ko siya gamit ang isip ko dahil pakiramdam ko ay hindi ko to kayang sabihin ng diretso.

Hindi! Hindi pwede, Haven. Mahal kita. Mahal mo ko. 'Di ba?

Isa isang bumagsak ang mga luha ko. "Labag to sa batas natin." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ba't sabi ko lalabagin ko ang kahit anong batas para sa ating dalawa. Kaya kong gawin yun!" Um-echo ang malaki't nakakatakot niyang boses. "Pero Ace, alam naman natin kung anong pwedeng mangyari sa pareho nating mundo kapag pinagpatuloy pa natin to."

"Alam ko. Pero hindi naman nila 'to malalaman--" kaagad ko siyang pinutol. "Ace, malalaman't malalaman nila ito, impossibleng hindi. At alam kong hindi ka lang basta basta sa lahi niyo. Anak ka ba niya?" Masyadong malakas ang pwersa ni Ace para sa isang ordinaryong demon. Kaya nasisigurado kong hindi siya basta basta.

Napaismid naman siya. "Kahit sino pala mahahalata na anak niya ako." Muli akong napapikit ng madiin. Grabe Haven, umibig ka sa isang anak ng napakalas na immortal. Ang nagiisang immortal na lumabag sa batas ng langit, sa batas ng Amang lumikha.

"Itigil na natin to, Ace. Wala rin itong patutunguhan." Naging mahinahon ako at kaagad namang bumalik ang mortal kong anyo at nagpatuloy ang oras.

"Haven. Wag mong gawin 'to. Kung kailangan kong ipaglaban to kay ama, gagawin ko. Wag mo lang akong layuan." Tumalikod ako at kaagad na nagunahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Ngayong mortal na ulit ako ay mas ramdam ko lahat ng sakit.

The Demon's AngelWhere stories live. Discover now