CHAPTER 7

32 10 0
                                    

Danny

"Naks! Nandito nga talaga si Sanchez!" salubong sa akin ni Cohen pagkababa ko palang ng kotse ni Justin. Sobrang crowded na ng place dahil nandito na ang mga kumare ni Tita Mangs. Idagdag mo pa ung ibang kaibigan nila Haven at ang mga nauna ng mga kaibigan kong pakalat kalat na lang dito sa paligid, saang sulok ka man tumingin makikita mo sila. Nauna na sila Sam dito kanina pa kaya for sure lasing na yung apat na 'yun.

"Birthday party ba talaga ito ni Mangs or reunion ng Grade 10 batch natin?" nakakalokong tanong ni Nami na kakagaling lang sa loob ng bahay nila, nasa likod niya naman si Haven na palinga-linga sa paligid, animo'y may hinahanap.

I'm pretty sure, she's looking for Jiyan.

Naupo nalang ako doon sa upuan na nasa gilid, hindi naman talaga ako sanay sa mga ganitong handaan kaya dito lang ako, pinagmasdan ko nalang ang mga kaibigan kong dali-daling kumuha ng bucket ng beer, si Sam naman kumukuha ng pamulutan nila at si Jaden, Kevin at Travis naman kumukuha muna ng kanya kanya nilang makakain. Tinawag nila ako at inaya pero agad naman akong umiling, busog pa naman kasi ako.

"Wala si Mavi?" tanong ni Nami kay David na kakarating lang, sinenyasan niya ito ng sandali at may kausap pa ito, kaya Nami sitted besides me and crossed her legs.

"Mukhang hindi masaya 'yun ah?" tanong ni Nami sa'kin, tinignan ko muna si David bago sagutin ang tanong niya. "I think so." sagot ko nalang at umayos ng upo.

"Mahiyain ka talaga? Tama pala talaga si Jiyan sa mga lagi niyang kwento tungkol sa'yo." saad niya sabay mahinang natawa.

Jiyan is telling stories? About me? Why? Binabackstab niya ba ako sa mga kaibigan niya.

"Sh-"

"Oh, sorry ngayon lang ako nakabalik kausap ko kasi si Mavi." David interrupted what I'm trying to ask.

"Nasa clinic?" she asked.

"Yeah, doon nalang muna daw magpapalipas ng gabi pero pupuntahan ko siya doon mamaya kaya I won't drink too much tonight." he explains, masaya naman kami nangkukwentuhang tatlo not until...

"Sanchez!?"

"OMG! Ikaw nga!?" gulat niyang tanong at naupo sa tabi ko.

Amoy alak na siya.

"Nakapagtataka't nandito ka." dagdag niya, sabay bunot nung sigarilyo niya sa bulsa. "Hoy! hoy! Ano!? Pang ilan na yan?" tanong ni Nami sa kaniya at kinindatan niya lang ito sabay ngiti. "Wag mo ako isumbong kay insan ah, kiss nalang kita mamaya." pakikiusap niya.

"Oh!? Jiyan you're here na pala, akala ko hindi ka talaga pupunta kasi pagdating namin wala ka pa." David said. "May dinaanan lang kaya nahuli ako." she simply answered and put the cigarette on her lips and lit it up.

"Nga pala, maiwan ko muna kayo diyan makikikain lang ako doon." paalam ni David, ang kapal naman talaga ng apog nito.

"Me too, mauna na ako Dan and hoy! Javier! Hithit pa sige hindi ka nakikinig ah wala kang makukuhang abuloy sa'kin pag namatay ka sa Lung Cancer."

"Oo na alis kana, ako na bahala dito." sagot niya, sabay turo sa'kin at naiwan na kaming dalawa doon, I just watched her smoking her cigs at mabuti nalang hindi niya inihaharap sa akin yung usok.

"Himala talaga't nandito ka, ano nakain mo?"

"Himala nga din at na-late ka." wika ko. I saw her eyes turned into my direction and give me a sweet smile.

What's wrong with her.

"How did you know na I'm late? Pagdating mo ba hinahanap mo na ako? Uy ikaw ah." pang-aasar niya.

"Kasi pwede mo namang isipin na baka nasa loob ako ng kwarto ni Haven diba? Bakit nasa utak mo agad late ako? Hinahanap mo nga ako noh?" pang aasar niya.

"No? Why would I? I got curious lang bakit hindi ka nauna ngayong gabi."

"Sabagay." tipid niyang sagot, tsaka siya ulit bumaling ng tingin sa dance floor. Later on, she turned her head again just to check on me. "Gutom?" she asked, umiling ako. "Tubig?" umiling padin ako. "Ano gusto mo?"

"Wala, just chill okay? If you're bored pwede naman na doon ka muna I'm okay here." sagot ko tsaka umayos ng upo, bakit kasi ang tagal nung alak.

"Tinatamad ako kaya dito nalang ako."

Nanahimik lang kaming dalawa doon sa gilid, pinagmamasdan ung mga tao na nagpaparty doon sa gitna, ung iba nasa gilid kumakain, umiinom naman ung iba. Inikot ko ang buong tingin ko hanggang sa mapabaling ako ng tingin kay Jiyan na abala sa panonood sa mga taong nasa gitna.

She has visible bruised in her right cheeks.

"Uy?" tawag ko sa kaniya, she didn't looked at me but she answered. "Sinuntok ako kanina..."

Hindi ko pa nga naitatanong ung gusto kong itanong.

"Nung lalaki sa Bar'ce, kasi dumaan muna ako doon bago ako pumunta dito kaya I'm late." dagdag niya. She's such a troublemaker talaga kung saan saang away nalang ang napapasukan, baka makakalimutan niyang pwede ding alagaan ang sarili paminsan minsan.

"Hoy! Ang seryoso niyo namang dalawa diyan? Tara inom!" aya samin ni Cohen, may dala siyang bucket at nasa likod niya si Justin.

"Pass, dumudugo pa labi ko." ani niya.

I looked at her face again, maliban sa gasgas sa mukha niya, dumugo din pala ang gilid ng kaniyang labi.

Sinong matinong lalaki ang kayang manakit ng babae ng ganiyan.

"Nagpang abot na naman siguro kayo nung kuya mong magaling." wika ni Haven na bigla nalang sumulpot sa likod ni Cohen, may dala siyang ice at iniabot kay Jiyan.

"He's not my brother." saad nito habang dinadampi ang ice sa mukha niya. "Step-kuya pala hahaha!" Haven said, they just both laughed together.

"Oh Dan? Ito oh, tagay na!" abot sakin ni Travis nung isang case ng beer. Kinuha ko naman ito at inilapag sa mesa, maya't maya nandyan na si Sam na may dalang bote ng beer sa magkabilang kamay. Lasing na itong dalawang ito.

"Angas ng pasa mo honeybunch, kiss ko gusto mo?" tanong niya, naupo dito sa upuan na nasa pagitan namin ni Jiyan. Halos bumagsak na ang ulo niya mesa dahil sa kalasingan.

"Lakas na tama mo Sam, tama kana." wika nito, Sam just rested his head on his bestfriend's shoulder instead of speaking again. "Mas malakas tama ko sa'yo baliw." ani niya Sam na ikinatawa ni Jiyan.

"Alam ko, ako na 'to e." bulong niya tsaka inalis ung ulo ni Sam sa balikat niya. "Doon ka matulog sa loob wag dito, sagabal ka e."

"Maya na tabi tayo." bulong niya, bahagya lang napangisi si Jiyan at ininom ung beer na nasa hawak niya.

"Ganyang aurahan impossible na hindi yan magshota." halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko nung bumulong si Cohen sa likuran ko.

Hindi ko pinansin si Cohen at pinagmasdan ko lang ang dalawang sweet na sweet sa harapan ko. Alam ko naman na hindi malabong maging sila but, why I am feeling something I couldn't understand.

Yung feeling na...

"Baka naman matunaw." bulong ni Haven at mahina akong siniko sa tagiliran. "Pinagsasabi mo?" tipid kong sagot at umiwas na ng tingin kina Jiyan at Sam, I just found myself chugging the beer I was holding. Huli kung sinipat ng tingin si Jiyan at ito ngayo'y nakatingin na sa gawi ko. A smile, no...a smirk plastered on her lips not breaking the eye contact between us.

Perks of Dating MeWhere stories live. Discover now