CHAPTER 5

47 10 0
                                    

Danny


Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na nanggagaling sa kusina, normal na senaryo nalang ito sa pang araw araw na pamamalagi ko rito kasama si Sam. Mabuti nga't wala ang Kuya niya dito dahil malamang makakarinig na naman ako ng mga bagay na ayokong marinig sa tanan ng buhay ko t'wing hating gabi.

"Sam!" tawag ko mula kwarto. "Oh!?" tipid ngunit pasigaw na sagot nito.

"Hindi ganyan ang pagsira ng gamit diyan sa kusina, sunungin mo nalang!" sigaw ko pabalik. He's trying to cook again, nagsawa na nga yata siya sa mga tinapay sa bakery ni Aling Pasing ang lagi niyang almusal. My room's door immediately opened after I shouted at iniluwa si Sam na pawis na pawis, nakasuot ng kulay asul na apron at hawak hawak parin ang isang sandok sa kanang kamay at takip ng kaldero naman sa kaliwang kamay.

"Nasunog kasi ung niluluto ko kaya napalakas ung kalabog sa kusina." he explained. Wala namang bago, bakit kasi hindi nalang niya tanggapin wala talaga siyang talent sa pagluluto.

"Gumagawa kana naman siguro ng lason sa kusina." sagot ko at dahan dahan akong bumangon at umupo sa kama. Grabe ang sakit ng buong katawan ko.

"Oo kasi balak na kita lasunin." wika nito sabay labas sa kwarto ko at bumalik sa pagluluto, hindi niya manlang isinara yung pintuan ng kwarto.

"Anong oras kana pala nakauwi kagabi?" rinig kong tanong nito mula sa kusina, nagkabaliktad naman ang sitwasyon namin ngayon dahil siya naman ang nagtatanong sa'kin kung anong oras na ako nakauwi.

"Pasado alas dose na siguro, ang layo ng byahe pag kotse ang gamit at maulan pa sobrang dulas nung kalsada." sagot ko habang inaayos ung unan at kumot ng aking higaan. "Kotse?" he confusedly asked.

"Oo." tipid kong sagot. "Nino?"

"Jiyan." I simply answered and grabbed my towel on the rack behind my door and hang it on my shoulder. Mas pipiliin ko nalang na maligo muna kaysa sa makita siyang nagluluto.

"Sinundo ka niya? Kagabi? Seryoso?" intrigang tanong niya, he even stop stirring the food he's cooking para intayin ang isasagot ko. "Inutusan mo daw siya na sunduin ako."

"Oo pero hindi ko naman aakalain na totohanin niya, ayaw na ayaw nga nun na inuutusan siya ta's halos hindi nga kayo nagpapansinan nun diba?" ani niya.

"Ikaw ah, hindi ka nagsasabi in good terms na pala kayo niyang ni Jiyan." pang aasar niya. "Lakas naman ng kamandag mo tol sinundo ka ni Javier oh."

"Oh tapos?"

"Anong oh tapos? Hindi makaramdam amputa."

"Oo na sinundo at pinagmaneho na ako nung tao, pinatulog pa nga ako sa byahe at ginising ako nung makarating na kami dito, okay na ba? Ano nalang special sa bagay na yun?" I answered.

"Makaligo na nga kasi maaga akong pupunta kay Kevin ngayon para ipaayos ung bike ko." pag-iiba ko na ng usapan. "Lalakarin mo?"

"Oo, ta's dadaan ako kina Mommy mamaya after ko magpunta sa bahay ni Kevin." I explained, medyo matagal tagal narin kasi akong hindi nakakauwi doon sa bahay namin.

"Ganun, sige pasabi nalang kay tita na kinakamusta ko siya."
bilin niya sa akin. "Siya nga pala, inaaya tayo nila Haven na magpunta sa bahay nila bukas dahil kaarawan ni Tita Marie."

Tita Marie? Sinong Tita Marie?

"Tita Marie?" tanong ko. "Tita Mangs, Marietta kasi totoong pangalan nun." ani niya.

"Tanungin ko muna sila David, baka kasi may meeting bukas sa opisina ni Mayor." sagot ko.

"Wala daw, sila David at Justin na nga ang sasagot ng ilang case ng beer." sagot niya habang hinuhugasan ung sunog na kawali. "Ano sasama ka ba?"

"Sama kana, ngayon lang naman ito tsaka susunduin tayo ni Justin gamit kotse niya." pangungunbinsi niya sa akin. "Sasama ako." I simply answered.

"Tapos ihahatid naman niya din tay— Weh? Sasama ka nga?"

"Oo nga sasama nga ako napakakulit naman." sagot ko sabay pasok sa banyo.

"Hoy! Sanchez walang bawian ah? Itatapon ko lego mo sa kwarto pag umayaw ka."

"Gawin mo lang, itatapon ko bangkay mo sa ilalim ng gagawing town plaza." sigaw ko din pabalik.

Pagkatapos ko maligo't magbihis, punanhik na ako sa labas ng apartment para kunin ung flat kong bike.

"Wala talaga yata akong choice kundi akayin ito papunta kina Kevin." bulong ko sa sarili, malapit lang naman yun dito siguro mga ilang metrong lakad lang naman.


"Danny!"

That voice.

"Dannyiel!" tawag niya ulit ngunit hindi talaga ako lumingon at mas binilisan ang lakad akay akay yung bisikleta ko. "Engr. Dannyiel!" napapikit mata nalang ako bago ako humarap sa kaniya nang nakangiti. Pilit na ngiti actually.

"Ano PO yun Haven?" tanong ko at sinadyang diinan ang salitang 'po'. I saw her frowned her eyebrows, and rolled his eyes.

"Ang panget mo naman kabonding, sinadya ko ngang lagyan ng Engr. ung sa'yo ta's ako Haven lang? Grabe the acidity."

"Audacity." pagtatama ko, what's wrong with people nowadays. Kahit si Sam naririnig ko siyang intentionally nagmamali mali ng grammars minsan. "Hindi mo talaga alam ung mga uso Sanchez, sarkasim kaya yun." she answered. Bahagya akong napatingin sa gilid niya and surprisingly hindi niya kasama ang kakambal niyang si Nami ngayon o kaya ang pinsang nilang si Cohen na kulang nalang itali niya sa bewang niya sa sobrang close nila.

"It's sarcasm Haven." pagtatama ko na naman at nagsimula nang maglakad ulit akay akay ang bike ko, sinusundan niya lang ako habang siya dahan dahan na nagpepedal nung bike niya para sabayan ako.

"Grabe talaga kausap mga matatalino, ang killjoy." ani niya sabay pedal ng mabagal. "Ay teka nga, punta ka pala  bukas ah? May handaan sa bahay."

"Oo, pupunta ako nabanggit na si Sam sa akin." simple kong sagot. "Totoo ba yan? Tagain pa kita?" hindi makapaniwalang tanong ni Haven dito. Ganun na ba talaga ako ka-killjoy para hindi nila paniwalaan ang mga pinagsasabi ko.

Every human fetish: Magtatanong tapos hindi naman maniniwala.

"Isn't that 'itaga man sa bato' diba?" tanong ko because I'm pretty sure hindi ganun yung word na yun, kung ano ano na namang pinagsasabi niya porket halos hindi ko naintindihan.

"Iniba na nila ngayon." she simply says. "Basta sabi mo yan ah! Mauna na ako Sanchez, bye!" dagdag niya tsaka ako iniwan doon na mag isa nang makita niya sila Cohen sa kabilang kalye.

Nang makarating ako kina Kevin naabutan ko siya sa labas na nagdidilig ng halaman nila, nasa likod niya si Tita Lourdes na mukhang kanina pa siya tinatalakan. Iniwan ko nalang ung bike doon sa garahe nila and Tita offered some meryenda pa sa'kin but tumanggi na ako. I wave goodbye to Tita and Kevin, itetext ko nalang siguro sa kanya kung anong problema nung bike dahil wala kaming oras mag-usap ngayon.

Perks of Dating MeWhere stories live. Discover now