Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko sa mga narinig ko sa kanya.

      

"I'm sorry for calling your tests as shitty. I'm sorry for misundertanding your motives. I'm sorry for the misinterpretation, Lola." Napayuko ako dahil alam kong may kasalanan ako. All this while I thought she's doing it for fun, that she's doing it just because she wanted to see us suffer, but no, inihahanda lamang niya kami sa mas mabibigat pang hamon. Ang ginagawa niya lamang ay patatagin kami.

       

Nabasag ang katahimikan namin nang biglang bumukas ang silid at iniluwa noon si Nigel na pawis na pawis at animo sumuong ng iba't ibang klase ng pagsubok sa daan.

         

"Passed," wika ni Lola sa kanya. "You may now take my Lavria. Take care of her, give her the best, and be the best version of yourself for your family."

        

"P--Passed?" Hindi niya makapaniwalang saad.

        

Lumapit siya sa akin at iniabot ang maliit na papel. "Hindi mo ako iiwan, hindi ba? You gave me this address kaya't dito ako pumunta."

      

Ngumiti ako sa kanya at tumango saka ko binasa ang note.

     

Hi, Nigel. I'm lEaving you now, 1 can no longer toLerate your laPse2. It's My fau1t, I'm donE. - Aei

      

"Paano mo dinecode 'to?"

     

"Help me. 121 east, 159 street," nakangisi niyang pahayag sa akin at doon ko napagtanto ang sinasabi niya. "Alam kong hindi mo kami iiwan ng mga anak mo," saka niya ako mabilis na siniil ng halik sa harap mismo ni Lola.

      

"You two, go back to your wedding ceremony!"

        

   

   

    

   

 

"SINONG nagsabi sa'yong pumayag ako sa honeymoon na ito!?" Tumaas ang boses ko dahil iniwan namin ang triplets kina Mama at Papa tapos ito siya ngayon at kinaladkad ako sa isang lugar na hindi ko alam sa kanya kung saan.

         

"Wife, please. Just this once, let me be the boss."

      

"You've always been the boss, Mr. Ricafort. You've always been the dominator, and you've always been the...."

      

Hindi ko magawang ituloy ang nais kong sabihin dahil napangisi siya sa akin. "What wife? Ituloy mo," mapang asar niyang wika na ikinapula ng mukha ko.

       

"S--Shut you mouth," banta ko sa kanya ngunit nautal naman ako.

      

"Let me eat my favorite, kusa ng tatahimik ang labi ko sa pagsasalita---"

     

Binato ko siya ng unan sa tabi ko. "H--Hindi ka ba titigil!?" Naiinis na 'ko dahil kahit ayoko ay tuloy ang pagka utal mg mga salita ko.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Where stories live. Discover now