Twenty-three

64.9K 2.2K 309
                                    

Aeickel's P.O.V

"DAHAN-DAHAN NAMAN!" Bulyaw ni Nigel sa doktor na gumagamot ng balikat ko ngayon dito sa condo niya. Wala naman akong reaksyon kaya't nakapagtatakha na binubulyawan niya ang doktor.

"Ikaw ang kumalma," saka ko siya binigyan ng matalim na tingin dahil nanginginig na ang kamay ng doktor sa kakabulyaw niya mula pa kanina.

"Ayokong nasasaktan ka---"

"Baka nakakalimutan mong sa kakasunod mo sa akin kaya meron akong ganito ngayon?" Naipinid niya ang mga labi niya sa itinuran ko.

"Sorry," bagsak ang balikat na sagot niya.

Mabilis na tinapos ng doktor ang ginagawa niya sa balikat ko at ininom ko ang mga gamot na ibinigay niya habang si Nigel ay nakamasid lang sa amin.

Nakalabas na ang doktor ng condo at ako naman ay hinarap ang lalaking animo nakagalitan ng magulang.

"Hindi ko sinabing hindi kita mahal, huwag mo kong artehan," wika ko saka naupo sa tabi niya. "Mula ng mahalin mo 'ko, nawala ang Nigel na nakilala ko. Para kang naging bakla," diretsong sabi ko saka lumingon sa kanya at nakita kong nakatitig na rin pala siya sa akin.

"The day I started feeling something for you, I started to get afraid and scared. Natatakot akong mahalin ka, hindi dahil mas lalaki ka pa sa'kin," huminto siya at hinawakan ang pisngi ko. "Natatakot ako dahil alam kong hindi kita maaaring itali sa sa'kin. You're like a free bird, hindi ko maaaring ikulong dahil lalo lang masasaktan."

Ngayon ko lang narinig ang mga salitang ito sa kanya.

"You just have to stay where you are, kusa akong pupunta sa'yo at kusa akong babalik sa'yo. Don't be afraid of my circumstances, dahil papasukin ko lang naman ang isang sitwasyon kung alam kong makababalik ako," sagot ko sa kanya.

Inakbayan niya ako saka ako inilapit patungo sa kanya kaya ngayon ay nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. "I can't bear to lose you, parang hindi ko kakayanin. Bakla na kung bakla, pero kapag ikaw ang nawala parang titigil na ang buhay ko."

Iniangat ko ang ulo ko saka ko siya tinaliman ng tingin. "If something happens to me, I want you to fall inlove again---"

"Hindi na ako magmamahal kung hindi rin lang ikaw," saka niya pinitik ang noo ko.

Kumalas ako sa kanya at tumayo. "My profession is like an unfinished book, I don't have any idea what will come next. Kung ngayon daplis lang ng bala, paano sa susunod? I want you to learn standing on your own ground, 'yong hindi na dumedepende sa akin."

Ginulo niya ang buhok niya na animo naiinis sa mga sinasabi ko. "Stop. Ayoko ng makarinig ng kahit ano na para bang namamaalam ka!" Saka niya ako tinalikuran at tumungo ng kusina.

He doesn't get my point. I'm giving him possibilities.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Where stories live. Discover now