Twenty-nine

66.6K 2K 345
                                    

Nigel's P.O.V

"AEICKEL!!" Sigaw ni Tungsten ang pumailanlang sa paligid at ako ay nananatiling tulala at hindi alam ang gagawin. Takot na takot ang pakiramdam ko.

"BRING THEM IN THE NEAREST HOSPITAL!!!" Isang boses na malakas ang nakapag palingon sa akin at nabungaran ko si Lola Cassandra na bakas ang galit at pangamba sa mukha.

Tila bumalik ako sa sarili ko at mabilis na dumulog sa asawa ko na ngayon ay wala ng malay at sa ina ko na nawalan na rin ng malay dahil sa tama ng bala.

Inalis ni Tungsten ang malaking chandelier at nang akmang bubuhatin ko na ang asawa ko ay may dalawang malalaking lalaki na ngayon ko lang nakita ang bumuhat sa kanya at sa ina ko.

Sinundan ko sila hanggang sa maisakay ng isang sasakyan.

Walang nagsasalita at ako naman ay umuusal lamang ng tahimik na panalangin. Hindi ko kakayanin kung mawawala sila sa akin.

"SHE'S BLEEDING!!" Sigaw na Tungsten na bumasag sa katahimikan kaya't napatingin ako kay Aeickel at nakita kong may dugong naglalandas sa pantalon niya.

"FASTER DYLAN!" Sigaw ni Lola Cassandra sa driver at sa loob lang ng halos tatlong minuto ay nasa ospital na kami at nasa loob na ng emergency room si Mommy at Aeickel.

Nakayukong nakasandal lang ako sa pader malapit sa emergency room kasama si Tungsten. "Bro, alam kong kakayanin 'yan ng Mommy mo at lalong lalo na si Aeickel. Hindi niya hahayaang mawala ang anak niyo," saka pa ako nito tinapik sa balikat.

"I can't bear to lose her again," pinipigilan ko sa paggaralgal ang boses ko. "Hindi ko kakayanin kung pati anak namin mawawala sa amin. Habang buhay kong sisisihin ang sarili na wala akong ginawa para sa kanilang mag-ina, same goes with my mom. She was shot in front of me and I couldn't move even an inch to protect her---"

"It is really your goddamn fault!" Saka ako nakatikim ng nakakabinging sampal sa taong kadarating lang.

"AVRIA!" Sigaw ni Lola rito.

"If I ever lose my sister, I swear I'm going to kill you!" Banta sa akin ni Leickel na siya rin na sumampal sa akin.

"Hurt me, deserve ko lahat ng sakit," mapait kong sagot sa kanya. "If we never met, if I wasn't meant to be killed by my own father, then she must be in her own pace doing what she likes. Definitely not tied with me and not in this fucking situation."

"Exactly! You should've have stayed away from my sister---"

"Avria kapag hindi ka tumigil ipapakaladkad kita paalis," matigas na banta ni Lola Cassandra sa kanya. "Hindi ka pinalaki na mapaghanap ng butas sa ibang tao. It's your sister's choice to be in love and to be married with that man you were blaming. It's you sister's choice to protect her mother-in-law. It's her choice and even if you cried yourself out and turn the universe upside down, it will be your sister who to blame. She analyzes the situation and took the choice she thought will best fit the scenario."

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Where stories live. Discover now