Nineteen

68.9K 2.5K 346
                                    

Aeickel's P.O.V

"BABAE KA!?" Halos magkapanabay na gulat na wika ni Iro at Aljin. Tumango lamang ako sa mga ito bilang sagot.

"Paanong nangyari 'yon!?" Turan ni Aljin na ininspeksyon pa ang kabuuan ko. "Sheeet! Mas gwapo ka pa sa'kin, brad! Paano nangyari 'to?"

"Ipinanganak akong babae, do I have to explain every detail?" Taas ang kilay na sagot ko dito.

"Yes-- I mean no, pero pakenengshet! Paano ka naging ganyan kaganda at kagwapo? HOW!?" Si Iro naman ang nag uusisa ngayon sa akin.

"I am the twin sister of Nigel's ex-girlfriend," doon na halos nalaglag ng tuluyan ang panga ng dalawa maliban kay Royze.

"Teka-- Puro ka revelation, hayaan mo naman akong makahinga," wika ni Aljin na hawak pa ang dibdib nito.

Tinignan ko ng masama si Royze. Siya ang nagdala sa akin dito sa dalawa niyang kaibigan upang mapaliwanagan. Unang una, ayoko sa lahat ang nagsasalita sa ibang tao. Pangalawa, hindi ko ko gusto na haharap sa tao para lang patunayan ang kung ano mang meron ako.

"I am also married to Nigel for almost three years now," doon na tuluyang nahulog si Iro sa inuupuan niya.

"Are you trying to prank us? Because if you do, it so fucking effective," wika naman ni Aljin.

"You can ask him if you want the real answer," saka ko itinuro si Royze na animo gustong matawa sa dalawang kaibigan niya.

"Totoo ba 'tol?" Talagang tinanong pa ni Iro habang nanlalambot itong sumusubok tumayo.

"I ain't no prankster, brother." Isinagot naman nitong isa sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng diskusyunan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal noon ang taong isang araw na buhat ng huli kong nakita. Ipinabantay ko siya kay Alistair.

"Nigeeeeel!" Saka pa payakap na dumulog sina Iro at Aljin sa kanya. "Si Aeickel 'tol, kung anu-anong pinagsasasabi sa amin! Sinusuportahan pa ni Royze!" Pagpapatuloy na wika ni Iro kaya't sinamaan ko ito ng tingin.

"Ano bang sinabi nilang dalawa sa inyo?" Tanong ni Nigel sa kanila habang inaalis ang pagkakayapos ng dalawa sa kanya.

Nang maialis na niya ay bigla niyang tinawid ang pagitan namin saka ako hinapit sa bewang upang mapalapit sa kanya.

"'Tol!"

"What did my wife tells you?" Gusto kong hawiin ang kamay niya na nasa bewang ko dahil hindi ko nagugustuhan ang rumaragasang boltahe ng kuryente sa pagkatao ko sa simpleng pagkakadikit lamang ng mga balat namin.

"SHIT! TOTOO NGA!" Mabaliw-baliw na pahayag ni Iro.

Kasalukuyang nagdadrama ang dalawa nang ilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko. "Why are you hiding from me?" Bulong niya sa akin.

Who wouldn't?

*****

"Damn it Nigel, mahal na nga yata kita."

Hindi ko namalayan na iyon ang mga salitang lumabas sa mga labi ko. Wala akong ideya na tila ako ay naging kontroladong makina.

"W--What did you just say?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Nothing is clear yet. Ako mismo sa sarili ko ay naguguluhan sa inaasal ko."

"Pero anong sinabi mo ngayon lang? Please repeat," wika niya na ikinailing ko naman.

My Short Tempered Husband (Freezell #5) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon