Chapter 59

43 10 0
                                    

Mabilis na lumipas 'yung panahon. Halos apat na buwan na rin simula nang mag-start kami sa trabaho. Gaya nga ng nabanggit ko na, sa isang kompanya kami nagtatrabaho ni Keighla. Parehas kaming media researcher na kung saan nakakatuwang kami ng producer to conceptualize content. I mean, tumutulong kami sa pag-organize ng mga programa na umiere sa station namin, pati na rin sa mga ideas at sa kung paano i-execute 'yung program. Basta mga ganung bagay.

Mabuti na lang at nakapasok kami dito. Ito kasi talaga 'yung isa rin sa mga na-look forward ko para paunti-unti ay magamay ko 'yung pasikot-sikot sa trabaho and at the same time ay makapag-gain din ng experience for my own growth. Isama pa na hindi ako nabo-bore dahil sa presence ng kaibigan kong loka-loka.

Si Steve naman, nagsimula na ring magturo sa isang private school. May mga pagkakataon na inaasar ko pa rin siya lalo na kapag magkikita kami at suot pa rin niya 'yung uniform niya. Minsan nga ay naabutan ko siya sa apartment na bugbog sa trabaho. Halos hindi ko siya makausap nung time na 'yun dahil sa mga paperworks na inuwi niya. Siguro iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit stressful ang pagiging isang guro, kasi kahit hindi na oras ng trabaho ay kakailanganin mo pa ring mag-uwi ng gawain at idagdag pang kailangan ding pag-aralan 'yung mga topics na ituturo sa klase. Even the execution of how to deliver the lesson must be planned. Isipin ko pa lang, na-stress na ako. Though halos similar lang din naman sa ginagawa ko sa trabaho pero at least kasi 'yung sa amin ay mas binabase na sa mga nangyayari mismo sa society. Mas madaling pakibagayan kasi hinahain na lang sa harap mo, unlike the theories, formulas, and the likes na minsan kahit hindi naman talaga interesting ay aaralin mo. And for me, that's quite stressful. Pero syempre, baka opinyon ko lang 'yun. Seeing Steve enjoys his profession melts my heart, though. Sabi pa nga niya sa akin minsan that teaching is a noble job. Agree naman ako doon.

"Ali, wala pa rin si Steve?" tanong sa akin ni Keighla. Napabuntong-hininga na lang ako at muling kinalikot 'yung ballpen na hawak ko. Kanina pa talaga dapat ako uuwi kaso nga wala pa si Steve. Nag-half day ako ngayon kasi nga birthday ng Daddy ko. Gusto ko namang umuwi ng Zambales para i-celebrate 'yun. Tutal wala namang pasok bukas dahil sa holiday. Pero anong oras na, wala pa rin si Steve. Hindi ko naman maiwasang mainis na sa inip kasi alam ko namang nakapag-file siya ng leave ngayong araw. Dumaan lang nga siya sa school kasi kukuhain daw niya 'yung flashdrive niya na naiwan sa faculty. Pero halos tatlong oras na ang nakakalipas ay wala pa rin siya.

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga dapat kasama si Steve na umuwi. Nagpumilit lang talaga siya dahil nga sa paniniwala niyang bukod sa akin ay dapat na ligawan pa rin niya ang parents ko. Yes, hanggang ngayon ay nasa ligawan stage pa rin kami. Aware naman kaming mahal namin 'yung isa't isa pero siguro naniniwala lang talaga kami na mas masarap 'yung kalalabasan ng binurong pagkain kung mas matagal. Kung baga sa prutas, mas masarap 'yung hinog kesa sa hilaw. At kahit na ganoon ang status namin ngayon, Steve never took advantage of me. That is what I admire most to him. He never failed to show his sincerity and willingness to win my whole-being. Iyon nga lang, may mga pagkakataon na nagtatalo pa rin kami kahit sa maliit na bagay. Minsan kasi bigla na lang maba-badtrip si Steve pero minsan naman kabaligtaran. Though madalang lang naman 'yung ganung side niya kaso kahit medyo matagal ko nang napapakitunguhan ang ganoon niyang tantrums ay hindi pa rin ako nasasanay.

"Wala pa rin eh," matamlay na sagot ko. Naiinip na talaga ako. Isa pa naman sa mga pinakaayaw ko ay 'yung pinaghihintay ako. Pakiramdam ko kasi nasasayang 'yung oras ko.

"Tuloy pa ba kayo?"

"Syempre, hindi pwedeng hindi. Minsan na nga lang ako makadalaw kela Daddy. Saka birthday niya, kaya mas lalong hindi pwede na wala ako." Sumandal ako at pinaikot-ikot pa 'yung swivel chair na kinauupuan ko.

Tumayo naman si Keighla inilapag 'yung cellphone niya sa table ko.

"Ano 'to?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Maybe This Time (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon