Chapter 19

80 17 0
                                    

"Jude is my twin brother, we're fraternal twins kaya hindi kami magkamukha," may pait na pakilala niya sa pangalang nakasulat sa lapidang nasa harap namin.

Yes, we're in the memorial park now. At hindi ko na-imagine na ito pala ang lugar na tinutukoy niya. Naisip ko tuloy, anong kaugnayan ni Althea sa magkapatid na Jude at Kevin? Bakit parang mahalaga na malaman ito ni Althea? Naguluhan tuloy akong lalo kasabay ng katakot takot na konsensiya.

"We are not the usual twins na halos lahat ng trip sa buhay ay pareho. We're exactly opposite. Siya, kayang kaya niyang sumuway sa parents namin. He has the guts to say whatever his opinion whether off limits or not. Lalo pa kapag pinaglalaban niya ang gusto niya. And I admire him for that," simula niya sa pagkukwento. "While me? I always agree to my parents though I am not really after the idea and not that much happy for it. I don't know, siguro kasi takot lang akong magalit sila," malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya matapos sabihin iyon.

"I don't see anything wrong about that. Naniniwala kasi ako na our parents know what's best for us. Don't act that way na para bang maling mali na sinusunod mo sila," sabi ko sa kaniya.

"I got your point, though. That is what I used to believe too," aniya na nagpakunot sa noo ko.

"Used? What do you mean?"

"When we're 15, my mom and dad told Jude to go to our rest house in Tagaytay. Sobrang baba kasi ng mga grades niya at panay ang cutting sa school. Doon muna daw siya for a year at nag-hire pa sila ng private tutor for him. Ayon kasi ang sa tingin nila na makakapagpatino kay Jude."

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Ramdam ko pa din ang bigat sa pagkukwento niya. Lalo pa at pilit niyang inaalala ang mga bagay na kailanman ay hindi na babalik ni madudugtungan pa.

"Walang ibang nagawa si Jude noon. Doon nga siya tumira, kasabay noon ang mas lalong paglayo ng loob niya sa amin. Lalo na sa a-akin. Sa bawat araw na ia-approach ko siya, umiiwas siya. I tried to reach out para mangamusta, but he refuses. Maalala lang niya ako kapag may pabor siya, mga pabor na ni minsan hindi ko napagbigyan," tuluyan ng nabasag ang boses niya sa huling sinabi. Para bang mali na naging parte siya sa buhay ng kapatid niya. Para bang kasalanan na naging magkapatid pa sila.

"Shh. Okay lang kung hindi mo na i-kwento. Just calm down. Isa pa, nangyari na eh," pang-aalo ko naman sa kaniya. Para siyang isang bata na binully at pinagkaisahan ng mga kaklase niya, na walang ibang magawa kundi tahimik nalang na umiyak at humagulgol.

"But..." he sobbed. "But because o-of t-that..." he continuously cried.

"Shh. Enough, okay?" aniya at iniharap ko siya sa akin. I gave him a huge smile and wiped his tears. "Sa tingin ko, hindi ka pa ready na i-kwento iyan sa akin. To tell you honestly, I don't have any idea kung bakit kinakailangan mo pang i-kwento iyan. I don't even remember your twin brother. But promise, if you're ready na. I am willing to lend my ears to you. But for now, let time heal your wounds first. Sa nakikita ko kasi sa iyo, parang sinisisi mo ang sarili mo. Don't be, okay? Everything happens for a reason, and that is what for you to find out," nakangiting sabi ko sa kaniya. Nagbabakasakaling muli na makabawas sa bigat na dinadala niya.

Isang malalim na buntong hininga muna ang ginawa niya bago nagsalita. Pinitik niya ang noo ko at ngumiti.

"Tama nga si Jude, makakalimutin ka!" nakangiti pa ding sabi niya.

"Ano?" nakakunot noong tanong ko naman.

"Hindi mo na talaga natatandaan ang kapatid ko?"

"T-teka, hindi ko maalala. Wait," aniko at nagkunwang may inaalala.

Ano ba naman ito? Bakit kasi pinanindigan ko pa ito!

"Huwag mo ng alalahanin. For now, I will take your advice. Siguro nga, hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang rason kung bakit hinanap kita kahit pa clueless ako sa itsura mo."

"Teka nga, Kevin. Baka kasi hindi talaga ako iyon!"

"Ikaw nga. Transferee ka di ba? Nag-aral ka dati sa St. John Academy sa Cavite. You love ice cream..." madami pa siyang sinabi pero hindi na nag-sink in sa utak ko. Paano? Nagtataka pa din akong napakadami niyang alam kay Althea pero ang itsura nito, hindi niya alam?

"Oo na. Naniniwala na akong ako nga 'yung tinutukoy mo," putol ko sa kaniya. "Hi, Jude! Bipolar pala ang kapatid mo ano? Kanina umiiyak iyak ngayon naman nangingiti at ang daldal. Magkapatid ba talaga kayo?" baling ko naman sa puntod. Isang malutong na halakhak naman ang pinakawalan ni Kevin. Binatukan ko tuloy siya ng wala sa oras.

"Aray!"

"Bakit ka ba tumatawa ha?" asik ko sa kaniya.

"Wala lang. Na-realize ko lang na tama nga ang sinabi ni Jude," aniya at nakakatunaw na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Naiilang tuloy ako. Para kasing pumapasok sa kaloob loobang parte ng sistema ko ang mga tingin niya. "May sayad ka," dugtong niya na nagpabalik sa ulirat ko. Agad siyang tumayo at mabilis na umiwas sa akin. Para kaming mga bata na naghabulan. At ang memorial park na ito, ang ginawa naming playground.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now