Chapter 50

48 9 0
                                    

Nagtatakang lumingon ako kay Steve nang ma-realize kong iba 'yung direction na pinupuntahan namin. Padiretso kasi kami ngayon sa express way at nang lingunin ko naman ang mga kasama namin sa sasakyan ay parang hindi naman nila alintana 'yung biyaheng tinatahak namin, ayan nga at tulog na tulog pa 'yung kambal.

"Ali, what's wrong?" tanong naman sa akin ni Steve. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali.

"I should be the one asking you that, what's wrong? Bakit nakapila na tayo sa toll gate ng express way?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Napatapik naman ito sa noo nito bago sinagot ang tanong ko.

"Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sa 'yo. Doon tayo magsi-celebrate sa apartment ng barkada. Naka-"

"A-ano?!" nagpa-panic na tanong ko. Jusko, tama ba 'yung dinig ko? Sa Maynila kami magsi-celebrate? Napatingin tuloy ako sa suot kong wristwatch.

My goodness, alas-sais na ng gabi. Anong oras pa kami makakarating ng Maynila nito?

"Sorry, Ali. Nakaligtaan ko talagang sabihin," hinging-paumanhin muli ni Steve.

"Anong nangyayari?" singit naman ni Althea mula sa likuran.

"Lagot ako sa parents ko!" mas nagpa-panic na ako. Nakapagsinungaling na naman tuloy ako, pero partly totoo pa rin naman. Kasi kahit aware akong hindi na masyadong mahigpit ang parents ko ay tiyak na papagalitan pa rin nila ako kapag nalaman nila kung saan ako dadalhin ng mga kasama ko. Ano ba naman 'to? Kaka-graduate ko lang, as in! Tapos diretso kaagad ng Maynila? Ni hindi man lang ako nakapagpalit.

"Bakit ka naman malalagot sa parents mo?" kunot-noong tanong ni Althea. Halatang naguguluhan siya sa inaakto ko ngayon.

"Thea, parang hindi n'yo naman kilala magulang ko. Kahit naman young adult na ako't lahat, ganoon pa rin sila kahigpit. Kulang na nga lang ikadena nila ako."

"Talaga ba? Pero bakit nung nagpa-"

Hindi ko na naintindihan pa 'yung mga sumunod na sinabi ni Althea kasi napako na 'yung tingin ko roon sa katapat naming SUV.

Mommy!

Hala, tama ba 'tong nakikita ko? Sasakyan ng parents ko 'yun ah. Mas lalo akong nawindang nang kumaway pa si Mommy sa gawi namin.

Kaagad ko namang sinagot 'yung tawag nang tumunog ang cellphone ko. It's my mom.

"Anak! Okay ka lang ba?" may pag-aalalang tanong sa akin ni Mommy.

"Mi, ano 'to? Alam n'yong sa Maynila tayo didiretso?" sa halip na sagutin siya ay tinanong ko lang siya. Nakakaloka naman, mabuti pa parents ko alam. Samantalang ako, no idea.

Pasalamat ka na lang alam ng parents mo! Gagang 'to. Kaysa naman no idea sila, mas lalong lagot ka. Pangangaral naman ng isang bahagi ng isip ko.

Narinig ko namang tumawa si Mommy sa kabilang linya. Nakakainis, parang pinagti-trip-an pa ako.

"Sorry, anak. Hindi ko pala nabanggit sa'yo 'yung plano nila Steve. Ilang linggo na rin kasi nila kaming inaawitan ng Daddy mo. Kaya napapayag na rin kami. Mukhang safe ka naman sa kanila," hinging paumanhin niya pa.

"Ano? Ilang linggo na? Ibig sabihin po matagal n'yo nang alam? Hindi n'yo man lang po ako sinabihan," may pagtatampong sagot ko. Napanguso pa ako na akala mo naman ay nasa harap ko lang ang kausap ko.

Bigla naman akong napatingin sa katabi ko nang marinig ko ang mahina niyang tawa.

Itinaas niya ang kamay niya nang makita niyang tinignan ko siya, para bang sinasabi niya na huwag ko siyang intindihin.

Hay nako, Steve! Paanong hindi kita iintindihin? Eh sakop na sakop mo na nga buong puso't isip ko! Tsk, ang korni. Maharot na hiyaw na naman ng kung saang bahagi ng isip ko. Kaloka na talaga ang mga happenings.

"We're sorry, 'nak. Nawala na rin sa isip namin saka akala ko talaga aware ka na kanina since sa kanila ka na nga sumama. Well anyway, hindi na pala kami makakasama ng Daddy mo," sabi naman niya sa kabilang linya.

"Hala, bakit naman po?"

"Big girl ka na, baby. Gagawa na kami ni Daddy mo ng bagong baby!"

"Mommy!" biglang sigaw ko. Itong nanay ko kasi parang ewan, bigla-biglang manggugulat.

Natawa naman ako nang mahagip ko mula sa salamin 'yung biglang pagbalikwas ni Julie at Jules. Halos magkasabay pa silang napa-straight ng upo. Halatang naalimpungatan at nagulat sa sigaw ko.

"Ano nangyari? May sunog ba?!" palinga-lingang tanong ni Jules, dilat na dilat ang mga mata.

"Hala! Nabangga ba tayo? Kaya pa ba natin makarating ng Maynila?!" segunda naman ni Julie na nagpa-panic na rin. Langya naman 'tong dalawa na 'to. Kambal talaga eh, lakas ng connection sa isa't-isa. Iisa lang ata napapanaginipan nitong mga 'to.

Napa-peace sign na lang ako sa kanila nang lingunin ko sila.

"Sorry, napalakas boses ko. Sige na matulog na ulit kayo," sabi ko at nag-peace sign ulit.

"Mommy, para kang ewan. Tanda-tanda mo na," halos pabulong nang sagot ko sa kabilang linya. Muntanga kasi 'tong nanay ko. Akala yata kakatapos lang nilang ikasal ni Daddy.

"Hay nako, Ali. Makamatanda ka riyan, mas mukha pa nga akong bata sa'yo. Kaya ka pa naming sundan, aba!"

"Seryoso ka riyan, Mi? Kasi kung oo, sige suportahan taka."

"Hon, narinig mo 'yun? Pumayag na baby girl natin." Narinig kong kausap ni Mommy kay Daddy. Masisiraan talaga ako ng bait sa naririnig ko.

"Oh, siya. Sige po. Ibababa ko na. Malo-lowbat na rin po ako," paalam ko kay Mommy.

"Okay, anak. Enjoy ka lang ha? Huwag mo na kami masyado intindihin at kung maisipan mong umuwi, doon na sa dating bahay natin sa Maynila. Nakahanda na roon 'yung mga gamit mo. Kaya huwag mo na masyado intindihin. There's no need for you to worry na rin, from now on we are allowing you to do whatever you want. Be an independent one, we'll support you 'nak. By the way, congrats anak! Proud na proud talaga kami sa iyo," mahabang litanya ng nanay ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangilid ang luha.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Steve maya-maya matapos kong ibaba ang tawag mula sa kabilang linya.

Tumango naman ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Hindi ko alam pero ang saya lang talaga ng pakiramdam ko. Una, proud sa akin ang magulang ko at batid kong sinusuportahan nila ako. Pangalawa, unti-unti nang naaayos 'yung relasyon naming magkakaibigan. Siguro nga ito na rin 'yung oras para mabawi namin 'yung mga nasayang na panahon noong nahiwalay ako sa kanila. At higit sa lahat ng nagpapasaya sa akin ay 'yung katotohanang malaya ko nang nakakasama at makakasama si Steve. Sobrang saya ko talaga at ngayon ko masasabi na, mahal talaga ako ni Lord.

Thank you, G! Sa pagpapaubra ng lahat.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now