Chapter 16

81 17 0
                                    

"Ali, okay ka lang ba?" ani Steve na siyang nagpabalik sa balintataw ko. Nilingon ko siya. "Kanina pa kami nag-uusap dito at nagtatawanan pero parang mas malala pa kay Julie 'yung sumapi sa'yo. Sobrang seryoso mo eh," dugtong pa niya.

"Aray!" biglang sigaw ko. Paano? Naramdaman kong may sumipa sa akin mula sa ilalim ng lamesa. Nanlalaking mga mata ang itinuon nila sa akin.

"Ay, sorry. It supposed to be Steve, not you. Hindi ko sadya," hinging paumanhin naman ni Julie.

"Me? Bakit ako?" singit naman ni Steve.

"Ginawa mo akong example kanina! Ano akala mo sa akin? Sinasaniban ng kung ano kaya ganito ako?" asik naman ni Julie kay Steve.

Heto na naman sila, parang aso't pusa. Sa halip na makisawsaw pa ako sa kanila ay dinampot ko nalang 'yung yum burger na in-order ko kanina. Napapikit pa ako sa unang kagat.

Ang sarap talaga! Best burger ever that I've tasted! puri ng isip ko sa pinakapaborito kong burger.

Naramdaman ko namang tila natapos ng magbangayan ang mga kasama ko. Kasabay ng pagkadilat ng mga mata ko ay ang malakas nilang tawanan. As in silang lima, nakatingin sa akin habang tumatawa.

"Ang cute mo, Ali. Sana pala kinuhanan ka namin ng picture or video kanina," ani Althea. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o may halong sarcasm. Paano? They laughed again after she said that.

"Nah. As if I care," sabi ko at kumagat ulit ng burger.

"Uy, mangkukulam," sabi ng isang pamilyar na boses. Napalunok ako bigla at nakaramdam ako ng bara sa lalamunan dahilan para mapaubo ako.

"Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong naman ni Steve at tinapik tapik ang likod ko. May nag-abot naman sa akin ng tubig.

"Here, drink it. This can help. Nabigla ata kita," rinig kong sabi ng boses na iyon. Wahh! Paano ba ito? Hindi ko alam ang gagawin ko. Natutulirong inabot ko ang baso at ininom iyon.

"Ano bang ginagawa mo dito?" asik ko pagkatapos uminom. Halata namang nabigla si Kevin sa ginawa ko.

"Ali, instead of saying thank you aambahan mo pa ng ganiyan si Kuya," sabad ni Althea at tumingin kay Kevin.

"Kevin. Kevin is my name," kausap nito kay Althea. Kinakabahan ako. Feeling ko anytime mabubuko ako sa pagsisinungaling na nagawa ko noong nakaraan.

"Okay, sorry. Ano ba kasing ginagawa mo?" singit ko. Mahirap na.

"Itatanong ko sana kung pwede ba akong magpasama sa iyo mamaya after ninyo kumain? May gusto kasi talaga akong ipakita sa'yo, dati pa."

Nakokonsensiyang nilingon ko si Althea. Na halata sa mukha ang pagkabigla at pagtataka. Gayundin ng iba pa naming mga kasama.

"Only her?" nakakunot noong tanong naman ni Steve. Walang emosyon na mababasa sa mga mata niya. Tango lang ang naging tugon ni Kevin.

"Ah. Eh kasi, h-hindi ko alam na ganito p-pala. B-baka gabihin t-tayo eh. Papagalitan ako," nauutal na sabi ko naman. This time, nagsasabi ako ng totoo.

"How about tomorrow?" anito na bakas sa mukha ang panghihinayang.

"Ahm, I don't know eh. I am not sure."

"Ganoon ba? Can I have your number?"

"Ha?"

"Para ma-text kita at malaman ko ang availability mo."

"Ah. Wait," kinuha ko sa bag ang sticky note na lagi kong dala. Sinulat ko doon ang number ko, baka sakaling pagkatapos nito ay umalis na si Kevin. "Here."

"Thank you!" nakangiting sabi nito. Kinuha nito ang cellphone nito at halatang tinype nito ang number ko. "Just want to make sure kung number mo nga. Sorry," nakangiting sabi nito.

🎶Lunes ng tayo'y nagkakilala. Martes ng tayo'y muling nagkita.🎶

Shems! Narinig ko na naman ang ringtone na iyon. Dali dali kong hinanap sa bag ang cellphone ko. Nang makita ay in-end call ko na. Pinagpapawisang tumingin ako sa kanila pagkatapos. Sabay sabay silang nagtawanan, maging ako ay nakitawa na din.

Alas-tres ng hapon kami nag-decide na umuwi. Katakot takot na pang-aasar naman mula kay Althea, Jhela at Julie ang inabot ko matapos umalis ni Kevin kanina. Oo, nakakatuwang isipin na parang may isang taong nagpapakita ng interes sa akin pero hindi ko naman deserved iyon. Una, hindi ako si Althea. Pangalawa, nagsinungaling ako hindi lang sa kaniya pati na din sa mga kaibigan ko.

Pansin ko naman ang pananahimik ni Steve simula ng umalis si Kevin. Hanggang ngayon na naglalakad na kami papuntang MRT ay ganoon pa din ang awra niya.

"Steve?" tawag pansin ko sa kaniya. Isang patay na emosyon ang tinging ibinigay niya sa akin. "Okay ka lang?" may pag-aalalang tanong ko. Tango lang ang itinugon niya sa akin at tumingin ulit sa kawalan.

"Eh, di ka okay eh," sabi ko at humawak sa t-shirt niya.

"Tss. Okay nga sabi ako," may irita sa boses na tugon niya.

"Ows?"

"Bahala ka nga," aniya at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa t-shirt niya. Nagpatiuna na siya sa paglakad.

"Steve, nagmamadali ka ba?" tanong naman ni Jhela sa kaniya.

"Magkita nalang tayo sa taas! Ako na bibili ng ticket natin. Bayaran niyo nalang," anito at itinaas ang isang kamay.

"Sige!" sagot naman ni Jhela.

Sinundan ko ng tingin ang paglakad ni Steve. Hindi pa din ako naniniwalang okay lang si Steve. Alam ko, may mali. Ramdam ko.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now