Chapter 48

80 9 0
                                    

"Hoy," bati sa akin ni Keighla at itinulak ako. Ganiyan siya ka-harsh kung minsan sa akin. Mabuti na lang talaga at naging maagap ako dahil kung hindi, baka nasubsob na ako sa arm chair na kinauupuan ko.

Nandito kami ngayon sa classroom at nababagot na talaga ako. Bigayan kasi namin ng toga ngayon at halos tatlong oras na kami ritong nakatanga. Hindi man lang kasi kami in-inform na sabay-sabay pa lang idi-distribute ang mga toga sa lahat ng courses sa college namin. Kung alam ko lang, eh 'di sana, nagpa-late na lang ako.

"Hay nako, tulaley as ever pa rin, my dear?"

Sinamaan ko nang tingin si Keighla nang marinig ang tinawag niya sa akin.

"What?" aniyang nangingiti marahil sa reaksiyon ko.

"Huwag mo nga akong tawaging 'my dear'. Nakakadiri eh. Tunog my loves! Eww!"

"Grabe ka sa endearment ko kay my loves!" humalukipkip ang bruha na akala mo nagtatampo talaga. Kaunti na lang at maniniwala na sana ako sa acting niya kung hindi lang siya muling humarap sa akin at ngumisi. "Iniisip mo 'yong irog mo 'no?"

"Irog?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Nawiwirduhan ako sa kung anumang pinapatukuyan niya.

"Sino pa ba? Eh 'di si Steve," she smirked and winked at the same time.

Napasimangot naman ako nang marinig ang pangalang sinabi niya.

"Oh, bakit?" may kuryosidad na tanong niya nang makita ang itsura ko, "para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa niyan."

Humigit pa muna ako ng buntong hininga bago nagsalita.

"Naisip ko lang. Ang unfair ko sa kanila," mahinang sabi ko. Napayuko ako habang inaalala 'yung mga nangyari noong mga nakalipas na araw.

"Mabuti alam mo. Hindi ko alam kung nakapag-usap na tayo tungkol dito o ano, pero sana natuto ka na."

Ayan nagsisimula na naman siyang manermon. Nanay ko yata talaga 'to eh. Nagpi-feeling bagets lang.

"Pero alam mo, proud ako sa'yo Ali."

Napaangat naman ako ng ulo at sinalubong ang tingin niya. Nababasa ko roon 'yung sinseridad sa sinasabi niya. Hindi ko tuloy napigilan 'yung luha ko.

"Aray naman!" napapitlag ako nang biglang pitikin ng bruhang kaharap ko 'yung noo ko.

"Ang drama drama naman! Next week pa graduation uy! Kukuha pa lang tayo ng toga, chill."

Lakas talaga ng toyo niyang si Keighla. Pero okay na rin, alam ko naman that she's actually trying to lighten the mood.

Hindi naman na rin umabot ng isa pang oras ay nakuha na rin namin 'yung toga namin.

Nag-decide kaming maglakad muna sa buong campus. We are actually tracing every corner of the school as if we're reminiscing moments we had in here.

I remember the first day I went here as freshman. I was too scared, too vulnerable, and worried a lot of time. I am afraid of the thinking that I might encounter or experience same situation back then. Until our professor in technical writing grouped us for our prelim's group project.

"Okay, group two will be Alisha, Keighla, Mandy, Jessica, and Kino."

Automatic kaming napatayo as instructed by our prof. Kinuha na rin namin ang kaniya-kaniyang bag at pumwesto sa in-assign sa amin. Mas gusto kasi ni Ms. Coronel na magkakasama per group.

Agad akong pumwesto sa may pinakagilid malapit sa bintana. Napatingin naman ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin. It's Keighla.

"Hi," nakangiting bati niya sa akin. Tinanguan ko lang siya at ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana.

Maybe This Time (✔)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora