Chapter 39

50 11 0
                                    

Maaga kaming pumasok ni Althea ngayong araw. Halos dalawang araw rin kaming hindi pinatahimik ng isipin tungkol kay Alisha. Hindi rin natuloy ang gala namin noong weekend kahit anong pilit ni Ate Jasmin. Ayaw kong makipagkita kay Alisha ng hindi kasama si Althea. Baka hindi ko mapigilan ang galit ko at baka kung ano pang masabi ko sa rito.

"Steve, don't you dare stop me later. Huwag mong tangkain na ipagtanggol si Alisha, dahil sinasabi ko sa'yo! Babalatan ko talaga siya ng buhay!" banta sa akin ni Althea. Alas-sais palang ng umaga at sobrang aga talaga namin ngayon para sa first subject namin.

After 30 minutes ay dumating na rin si Alisha. Himala yata't maaga ang pagpasok niya? Para namang umatras lahat ng galit na inipon ko noong mga nakaraang araw nang makita ko siya. She's glowing at halata ang saya niya. I even saw that familiar gaze. Same gaze na ibinigay niya sa akin that night.

Bigla namang nawala ang tinging iyon at napalitan ng pagtataka. Nakatuon na ngayon ang tingin niya kay Althea na nagpupuyos na sa galit. Nanumbalik tuloy bigla ang galit ko sa kaniya.

"Alisha, bakit nagsinungaling ka sa akin?" mariing tanong ni Althea sa kaniya nang makalapit siya sa pwesto namin.

"Anong sinasabi mo?" kunot noong tanong niya kay Althea.

Napapalatak naman ito at tila nang-uuyam na tumawa, "my God, Alisha? Hanggang kailan ka magmamaang-maangan ha?" napalakas na ang boses nitong at halata ang pagpipigil nitong saktan si Alisha.

"T-teka! Hindi ko maintindihan, eh. Can you please be straight to the point? Anong aaminin ko sa iyo eh hindi ko nga malaman kung anong pinuputok ng butse mo!" napipikong sabi ni Alisha. Napalakas na rin ang boses niya at gumawi ang tingin niya sa akin. Tila naman humihingi siya sa akin ng tulong o paliwanag? Pero di ko siya pinagbigyan. Sa halip ay mas ipinakita ko pa ang galit ko.

"About Kevin! Ilang buwan ka na bang nagpapanggap na ako, ikaw? Akala ko ba, bakla 'yong taong tumubos sa akin noon sa jail booth? Bakit hindi mo sinabi sa akin ha? Dahil ba sa gwapo siya? Dahil ba sa mabait siya? At ano nga ulit iyong kinukwento mo sa akin last week? Masaya kang kasama siya at sobra kang nag-enjoy noong gumala kayo? O baka naman crush mo siya? Na-fall or what? In love? My gosh! Hindi ko pa malalaman na nagsinungaling ka kung hindi ko pa nakita ang facebook account niya at in-add ako? Nag-chat siya sa akin, Ali! Sinabi niyang nagpanggap kang ako, ikaw. And you know what? Para mo 'kong trinaydor lalo na nang malaman kong siya ang kakambal ni Jude!" tuloy tuloy naman na sabi ni Althea na mas lalong ikanapuyos ng galit na nararamdaman ko.

Damn! Bakit ba nasasaktan ako sa nakikita kong sakit na gumuguhit sa mga mata ni Alisha? Bakit ba parang nasasaktan siyang malaman na alam na ni Kevin ang lahat? Bakit ba parang kinukompirma ng mga mata niya na tama nga ang mga sinabi ni Althea? Bakit ba nakakaramdam ako ngayon ng matinding selos? Bakit si Kevin pa? Bakit ang lalaking iyon pa ang minahal niya? Nandito naman ako. Sobrang tagal ko nang nandito sa tabi niya at matagal ko na siyang iniingatan sa puso ko. Paano kung mangyari rin sa kaniya ang nangyari kay Althea?

Stop it, Steve! Pumili na siya. Pinili na niya si Kevin kaya wala ka na dapat pakialam sa kaniya! sabi ng isang bahagi ng isip ko.

At mas lalo akong nasaktan nang walang salitang lumabas siya sa classroom at isinarado ito pagkalakas-lakas.

Damn her! Ganoon ba kahirap para sa kaniya ang sabihin ang totoo? At hanggang ngayon? Kahit na huling huli na siya ay hindi man lang niya makompirma sa amin ang totoo? It's killing me. Gusto ko siyang sundan pero hindi ko magawang tumayo.

"B-bakit ganoon, Steve? B-bakit nagawa ni Alisha 'yon?" kausap sa akin ni Althea sa basag na boses. Mas lalo kong pinigilan ang sarili kong huwag umiyak. Alam kong sa aming dalawa, mas nahihirapan si Althea. Maswerte pa ako kung tutuusin dahil nakikita ko pa ang taong mahal ko.

Nagsimula na ang first subject namin at hindi pa rin bumabalik si Alisha. Sobra namang nagtataka sila Jhela kung bakit hindi siya pumasok sa maghapon? Panay rin ang tanong ng mga ito sa amin ni Althea kung alam daw ba namin ang dahilan kung bakit absent si Ali? First time daw nangyaring um-absent ito ng hindi nagsasabi sa kanila. Bago kami maghiwa-hiwalay ay tinext muna nila ito at tinawagan. Sinabi naman ni Alisha na masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok.

Damn you, Alisha! Pati sa iba nating kaibigan, nagsisinungaling ka!

Sobra akong nilamon sa galit nang ibalita sa amin ni Julie ang sinabi ni Alisha na dahilan kung bakit siya absent. Masama raw ang pakiramdam niya.

"She's lying!" galit na sabi ko.

"Bakit mo naman nasabing nagsisinungaling siya? Kilala natin si Ali. Never siyang nagsinungaling," pagtatanggol naman ni Julie rito.

"Really? How sure are you that Alisha never lied?" hindi napigilang sabi ni Althea.

Halata namang nakaramdam si Jhela sa inaakto namin ni Althea kaya sinabi niyang ipaliwanag namin kung bakit ganoon nalang kung mag-react kami? Kinwento nga namin ang lahat sa kanila. Maging ang pagsasama namin ni Althea sa isang bahay.

"Pero nagsinungaling rin kayo, Steve!" pilit na pagtatanggol ni Jhela kay Alisha matapos marinig lahat ng sinabi namin. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa school at halos dalawang oras na kaming nandito.

"Oo, alam naming nagsinungaling kami. Pero ayaw lang naming magkaroon ng issue. Alam naming hindi ganoon kadaling intindihin ang lahat at hindi namin alam kung paano ipagtatanggol ang sarili namin kasi hindi namin alam ang pinakadahilan at umabot kami sa ganoong set up. Last Friday lang namin nalaman ang lahat, noong kausapin kami ni Kevin at sapat naman sigurong dahilan iyon para kahit paano ay maintindihan ninyo ang side namin," giit naman ni Althea.

"Okay, sabihin na nating naiintindihan na namin ang side ninyo pero hindi ba masiyadong magiging unfair kay Alisha kung hindi naman natin papakinggan ang side niya? I'm sure, she has reason. Pwedeng sa mga oras na ito, nahihirapan din siya lalo pa at kanina lang rin niya nalamang alam na ni Kevin ang totoo. At kung tama man ang assumption ninyo na baka may feelings nga si Ali kay Kevin, hindi ba't mas tamang damayan natin siya kasi nasasaktan siya?" ani Jhela. Siya lang ang kanina pa salita ng salita habang tahimik lang na nakikinig ang kambal.

"Jhela," sa wakas ay nagsalita rin si Jules. Ito lang ang nakakapagpatiklop kay Jhela sa mga ganitong klase ng usapin.

"What?"

"Tama na, okay? Hayaan mong si Alisha ang mag-solve ng sarili niyang problema. Hayaan mong siya ang mag-reach out at magpaliwanag ng side niya. Kasi sa tagal nating nakilala siya, sigurado ako na magpapalipas lang iyon ng sama ng loob at haharapin din niya tayo. She badly need space now. At ibigay natin iyon sa kaniya," tugon ni Jules kay Jhela at kumalma naman ang huli sa sinabi nito. Na-realize marahil nitong tama nga ang sinabi ng kaibigan namin.

Sana nga! Sana nga ay harapin kami ni Alisha. I still want to hear her side.

Ewan ko ba, part of myself is still hoping that she'll approach us one of these days. I know her better than what they did. Alam kong pagdating sa mga ganitong bagay, duwag siya at kakailanganin pa niya ng isang taong magpapalakas ng loob niya. Pero sino ang gagawa niyon ngayon gayong ako mismo, hindi ko maatim na ibaba ang pride ko para sa kaniya?

Sana lang talaga, tama ang sinabi ni Jules. Sana nga at harapin kami ni Alisha at magpaliwanag ng side niya.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now