Chapter 31

52 11 0
                                    

"Ali, I'm just wondering. Is Kevin part of your past?" tanong sa akin ni Keighla. Hindi nangyari 'yong inaasahan kong pagtili niya ng bongga whenever Kevin gave his amazing shot. Halata rito ang pagkabihasa sa basketball. Makailang ulit din itong nakapagbigay ng 3 points shot. At tuwing gagawi sa amin ang tingin nito, nginingitian lang kami ni Kevin. Nag-a-approve sign lang rin si Keighla rito.

"Bakit mo naman naisip 'yan?" tanong ko sa kaniya imbes na sagutin ng direkta ang tanong niya.

Keighla knew me so well, alam na alam niyang nahihirapan akong mag-open up pagdating sa mga ganitong bagay. Oo, maybe I'm weak pero hindi ko iyon pinapakita sa mga tao sa paligid ko. Kakaunti lang ang nakakaalam sa mga itinatago kong flaws --- like being coward, dependent to the point na hirap akong i-let go ang mga nakakasanayan ko na. At kapag may mga bagay akong nakakaharap na anumang problema, hindi na ako nag-aatubili pang ayusin iyon. Natatakot kasi akong hindi mag-suceed or worse, baka hindi umayon sa inaakala ko ang magiging outcome. Kaya nga ito, I always tried my very best to show them that I can do everything. Nag-aaral akong mabuti. Hindi ko sinusuway ang mga magulang ko. Hindi ko pinapakita sa mga tao sa paligid ko na umiiyak din ako --- tama na 'yong minsang may tao akong pinakitaan ng pag-iyak ko. Even Keighla and our group of friends? Hindi ko sila pinahintulutan na makita akong umiyak. Ayaw ko na 'yong pakiramdam na may sinasandalan ako kasi may maaalala at maaalala lang akong tao na minsang naging tagasalo ko. Tama na siguro iyon. At eye opener na rin sa akin iyon na hindi ko kailangan ang kahit na sino para lang damayan ako at punasan ang mga luhang maglalandas sa mukha ko. I have my family --- we're not broken. My parents love me so much, so do I. I have friends and I always make sure that I won't mess up this time. My performance in school was quite amazing. I was a consistent Dean's lister since my first semester as a college student. Ngayon nga ay hinahantay ko nalang ang official list for those who are running for laude. Ire-release na iyon next week and I'm very positive naman na makikita ko ang pangalan ko. I shouldn't ask for more.

"Ali, hindi man kita nakikitang umiiyak o mahina. Hindi mo ako madadaya. It's all written in your eyes. Madaling basahin ang mga mata mo. Everytime na binibigyan tayo ng napakahirap na project. Kapag pini-pressure tayo ng mga professors natin, kitang-kita sa iyo 'yong takot na baka hindi mo ma-meet ang expectation. Kita ko sa'yo na pinipilit mo lang maging matatag pero ang totoo? Nahihirapan ka rin. Oo, alam ko 'yong mga pinagdaanan mo noon. Na pakiramdam mo, na-betray ka nila or what? Pero alam mo ba, may isang bagay akong gustong sabihin sa'yo noon pa man. I hope you don't mind," kausap niya sa akin at tumingin sa akin na para bang humihingi ng permiso tungkol sa sinasabi niyang gustong sabihin sa akin.

Hindi pa man din ako nakakatango o sagot ay nagsalita na siya. Ano pa nga bang aasahan ko? Si Keighla ang kaharap ko, eh. Minsan nga ang sarap iwasan ng babaeng ito. Para bang napakabilis para sa kaniya ang basahin ang kahit na sino. Mas tama yatang pychology ang kinuha niyang course imbes na masscom.

"Sa tingin ko, hindi ka naman nila na-betray eh. Magulo lang ang isip nila no'ng time na 'yon. Ikaw na rin ang nagsabi, hindi ka na ulit nagpakita sa kanila after that day. Baka nga mamaya, same lang ang nararamdaman ninyo eh. Baka nga feeling nila, totoo 'yong mga hinala nila at na-guilty ka kaya hindi ka nagpakita pa. Pero isipin mo, kung nagpakita ka kaya ulit noon at ipinaliwanag mo sa kanila 'yong side mo? Tingin mo mangyayari 'yong naranasan mo? Tingin mo matatakot ka at magse-self pity katulad ng ginawa mo? I think no. Kasi sa tingin ko, papaniwalaan ka nila. Papakinggan ka nila. They're your friends eh. At mas mahalaga ang friendship na 'yon. Isa pa, hindi naman siguro ganoon magiging ka-big deal iyon though, pangit naman talagang matagal mong tinago 'yong totoo at nagpanggap ka pa. Baka masiyado lang silang nagdamdam pero for sure, hindi naman ganoon kasarado ang puso nila para patawarin ka," seryoso at sincere na sabi sa akin. Tuluyan nang nawala ang focus namin sa team nila Kevin na kasalukuyan pa ring naglalaro sa gitna ng gym.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now