Chapter 32

154 8 4
                                    

Chapter 32

The prom preparation did not last long.

Mabilis naming nagawa ang lahat ng preparasyon na kailangan at wala namang nangyaring unexpected interventions. Lahat ay umaayon sa plano kaya naman kampante ako na magiging maayos ang prom namin.

Mamayang gabi na ang pinakahihintay na prom ng lahat. Pagkatapos kong dumaan sa venue para tignan kung maayos na ang lahat sa bahay naman ako dumeretso para mag-ayos. Sa totoo lang hindi naman ako mahilig sa mga ganito, hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng prom sa school pero hindi ako sumasali.

Ganito pala yung feeling, nakakakaba na nakakaexcite na ewan.

Mayron na akong narentahan na damit simple lang 'yon. Wala namang color coding sa prom kahit ano pwedeng isuot kaya pinili ko yung navy blue na may mga embroidered na bulaklak. Naisip nila Thomas na gawing masquerade ang prom ayaw ko sana kasi may masama akong naalala sa ideya pero ayoko namang maging killjoy.

Atsaka paano ako makakamove-on kung palagi akong bumabalik sa nakaraan.

Alas-kwatro ng dumating ako sa bahay, dali-dali na akong pumasok sa bahay wala rin kasi sina Uncle dahil may trabaho gusto nga nilang umabsent pero sabi ko kahit huwag na kasi wala namang espesyal sa gagawin ko.

Dadalo lang naman ako sa prom para suportahan ang mga kaklase ko at para na rin siguro makalimot pansamantala. MInsan lang naman ito mangyayari kaya bakit kailangan ko pang pigilan ang sarili ko? This is the start of prioritizing myself, kaylangan ko ng tigilan ang pagpaparusa sa sarili ko.

These past few days I realize that I'm cruel to myself. I'm depriving myself the things that I deserve to begin with. Masyado akong nabulag sa mga sakit na naranasan ko kaya. I thought making my life miserable will make me feel less pain but I'm wrong.

What happened to me made me realize that I also deserve to be chosen that no matter how sad my past is I shouldn't let that define my happiness.

Hindi ko man kayang patawarin ang mga taong nanankit saakin I know that I will get there but not now. Ang alam ko lang its easy to forgive but not to forget because the damage already left a scar.

Simpleng make-up lang ang inilagay ko, the usual lipstick, powder and eyeshadow dahil yun lang naman ang kaya kong gawin. Ok na rin pala na masquerade because I do not need to hide myself in the thick make-up.

My prom dress is simple as it is. It is actually a cocktail dress na umabot hanggang taas ng tuhod ko. Feeling ko ang ikli-ikli pero sabi nung nagpaparenta hindi naman daw. Nagmamadali na rin kasi ako dahil last minute na ako naghanap kaya kinuha ko na rin.

I paired it with an ankle strap high heels na black at nakita ko lang rin ito sa mall. Mura naman kaya go na rin.

Six pm pa naman ang start pero syempre dapat akong mauna for last minute checking. Medyo nagpapanik na ako mabuti na lang natapos agad akong mag-ayos at may thirty minutes pa bago 5 pm. Literal na talaga akong tumatakbo, hindi ako sanay mag heels pero nakasurvive ako at hindi natapilok.

Ilang minuto ang itinagal ng biyahe. I used that short period of time to compose myself. This is my first time kaya sobra akong kinakabahan kahit na may maskara naman akong isusuot.

Bakit ba ako kinakabahan ngayon? Parang kanina lang naman ok na ako pero habang papalapit ako sa venue lumalala ang kabog ng dibdib ko. Baka siguro normal lang.

Panay text sakin sina Thomas, naiinis ako kasi tinatanong nila kung anong suot ko. Baka raw kabugin ko lahat ng tao sa prom kasi first time kong aattend. Bwisit talaga kahit kailan ang mga loko-loko. Paniguradong kapag nakita nila ako, aasarin nila ako.

That Girl Pristine MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon