Chapter 27

258 10 2
                                    

Chapter 27

Pristine

Napabalikwas ako bigla dahil sa napanaginipan ko. Para akong hinabol ng kung ano dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Agad akong nilapitan ni Chase na nagulat ko yata. Nasa katabing couch ko kasi siya at nakaharap pa rin sa kanyang laptop.

"uy, ayos ka lang?" tanong niya na hindi mapakali kung lalapit ba saakin o magtatawag ng ibang kasama.

Nanunuyo ang lalamunan ko.

Pinilit kong pakalmahin ang tibok ng puso ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim ng ilang beses. Nakatulong naman iyon kahit na papaano. Sinenyasan ko si Chase na ayos lang ako.

Napanaginipan ko kung papaano ipabugbog ng grupo ni Zoren sit rake. Naroon ako pero wala naman akong magawa dahil hawak ako ng mga tauhan ni Zoren. Nakakakilabot ang tawa ng lalaking 'yon. Kahit gising na ako, nagpapauli-ulit ang boses niya sa utak ko.

"Nanaginip  ako ng masama, si Trake may nangyari raw sa kanya at kagagawan iyon ni Zoren. May balita na ba sa kanya? Tumawag na ba?"

Dire-diretso ang tanong ko kaya mas lalo tuloy nagpanik si Chase. Kung pwede ko nga lang sanang puntahan na lang si Trake para ako mismo ang makasiguro na ok lang siya ay gagawin ko na. Nasa sala kami ng bahay ni Trake, nakatulugan ko na ang paghihintay ng balita.

Sa katunayan nga niyan hindi pa ako nakakatawag sa bahay. Siguradong nag-aalala na saakin sina Uncle.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Chase bago tumingin saakin. Alam kong hindi lang ako ang nag-aalala kundi lahat kami. Ang tanging pinanghahawakan lang naming ay ang napagusapan ni Trake at Gino.

Paano naman kami mapapalagay sa ganoong kakarampot na impormasyon?

"Pristine panaginip lang 'yon walang mangyayaring masama doon. Hindi ka pa ba nasanay? Basta kailangan lang nating magtiwala sa kanya."

Natulala na lang ako sa kawalan, ramdam kong hinaplos ni Chase ang likod ko bago ito pumunta sa dating upuan. Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko. Iba kasi itong nararamdaman ko eh. Pakiramdam ko talaga may mangyayaring masama.

"Hindi ko kaya Chase. Hindi ko kayang maghintay na lang dito. Kayo na rin ang nagsabing hindi mapagkakatiwalaan si Zoren. At ngayon nanaginip pa ako, paano kung sign na iyon na dapat na tayong makialam? Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa mga otoridad?"

Naghyhysterical na ako. Idagdag pa na kung ano-anong pumapasok sa utak ko dahil sa panaginip.

I can't bare seeing Trake in a hospital again.

Iyon ngang nagpaopera siya pakiramdam ko ako ang inooperahan.

Nakakainis ka Trake! Bakit palagi niya na lang akong pinag-aalala? Dahil ba galit siya saakin dahil sa mga sinabi ko at dahil sa pagtataboy ko sa kanya?

Kung iyon man ang dahilan mas gugustuhin ko pang hindi niya ako pinapansin at galit siya kaysa nasa panganib ang buhay niya! Mas kakayanin ko ang ganoon kaysa ang ganito. Iyong bukod sa wala akong magawa ay pinanghihinaan pa ako ng loob.

"Saglit, huwag ka munang magpanik, ako ang natataranta sayo eh!" si Chase, umalis ito bigla at hindi ko alam kung saan ang punta.

Maya-maya lang may narinig akong yabag ng paa at mukhang nagmamadali si Chase rin iyon pero may dala na itong tubig.  Binigay niya saakin 'yon. Kahit nag-aalinlangan, tinaggap ko pa rin.

Pagkatapos kong maubos ang tubig kinuha ni Chase ang baso at siya na mismo ang naglapag sa lamesa.

Napakamot na lang ito ng ulo.

That Girl Pristine MadrigalWhere stories live. Discover now