Chapter 10

528 30 6
                                    

Chapter 10

Pristine

"Kailangan ko ba talagang isuot 'yan?" singhal ko kay Gino habang pinagmamasdan ang damit na pinabili niya raw para isuot ko sa party ng Mama ni Jessica. Inilapit ko pa 'yon sa katawan ko para makumbinsi ang sarili na bagay naman saakin.

It was a Chanel black and silver cocktail dress, it is just above my knee. There's also a pair of heels in the corner and I bet it's also a designer brand based on its box.

Dahan-dahan kong ibinalik sa kahon ang damit ng may pag-iingat. Malay ko ba kung magkano ito, wala naman akong pambayad.

"Hindi ko talaga masusuot iyan Gino, sorry hindi ko matatanggap. Mayroon naman akong dress sa bahay."

Kinuha ko yung tote bag na dala ko. Doon ko nilagay ang damit na isusuot para sa party at pati na rin ang sapatos.

It's a simple black dress, walang kahit anong abubot, isinuot ko 'yon nung nag karoon ng event sa school at kailangan nakaformal ang mga officers. Kasya pa naman saakin ay hindi rin naman nagbago ang katawan ko.

Ipinakita ko iyon kay Gino, tinaasan niya ako ng kilay at tinawanan.

I felt insulted because of what he did. Ano bang mali sa dress na gusto kong isuot? Ito na yata ang pinakamaganda kong damit at nung isinuot ko ito, lahat sinasabi na ayos naman at bagay saakin.

"Kahit tawanan mo ako Gino ito ang isusuot ko." galit kong pahayag. Sinamaan ko pa siya ng tingin para malaman niyang hindi ako natutuwa sa kanya.

"Seriously, Pristine? I don't want to offend you but 'that' dress is inappropriate to the event that we will be attending. May theme iyon, if it doesn't have I will let you wear that."

"Ano bang theme? Bakit hindi mo kaagad sinabi, sana nakahanap ako ng pwedeng isuot!"

Gino is full of surprises, kapag talaga ngumingisi ang isang ito ay may ibig sabihin. He did not tell me so that I can't buy a dress for myself! At dahil wala naman akong kaalam-alam na may ganitong theme pa pala pag may party kaya hindi ako nagtanong. Napakatuso talaga!

Hindi na lang ako inis kundi iritado pa dahil naisahan niya ako.

Because of the clothes in front of me, I forgot to examine Gino's look for the event.

He looks dashing in his black suit, his white tie completes the look. His usual messy hair is in style. At syempre mawawala pa ba ang eyeliner niya and his black earring?

Pansamatala kong nakalimutan na bwisit ako sa kanya pero nung napansin niya na pinagmamasdan ko siya, a devilish smirk appears in his face.

"Gwapo ba?"

I blushed to his retort. Nakakainis, hindi ako makasagot. It sounds a joke but why am I thinking the other way around?

I give up arguing dahil wala na rin naman akong magagawa. The theme of the party is masquerade, the attendees are required to wear colors mixed with black, gold and silver only. Ok na sana ang dress ko kaya lang plain black, dapat ay may kahalong kulay.

"Tell me when you're finish, there's a make up artist that will come in this room."

The first time I saw the dress, I was in daze. Never did I imagine that one day, I'll be able to hold such dress. Parang sa fairytale lang kasi nangyayari and I'm a fairytale enthusiast. Wala naman sigurong masama.

That Girl Pristine MadrigalWhere stories live. Discover now