Chapter 25

318 17 4
                                    

Chapter 25

Trake

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang nakatingin sa kawalan. Mula sa pwesto ko tanaw na tanaw ko ang isang ordinaryong bahay. Lungga ni Zoren ang pinagmamasdan ko.

Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat, that I will get my revenge for what he's been doing.

Kilala ko si Zoren, gustong-gusto niyang pinaglalaruan ang mga tao sa paligid niya. He's cunning. Isa siya sa mga pinakakinatatakutan sa grupo namin.

Kasiyahan niya ang kamiserablehan ng mga tao.

Walang tigil sa pagtunog ang cellphone ko, ang gang siguro 'yon. Marahil natunugan na nila ang balak kong gawin. I ignore the call lalo na ng makitang si Pristine na ang tumatawag.

Ang pakla sa pakiramdam. Akala ko ba ayaw na? Bakit tumatawag? Ito na naman ang puso kong traydor tumitibok na naman ng malakas.

Ito ang desisyon ko. Mag-isa kong haharapin at tatapusin ang bagay na ito.

Alam kong mahirap para sa gang na kalabanin ang dating kaibigan namin. Kahit ako nahihirapan rin.

He's an old friend. Hindi naman aabot sa ganito kung wala na naman siyang balak gawin. At ngayon balak niya pa kaming idamay.

Sa malayo tanaw na tanaw ko kaagad ang mga nakaparadang kotse.

Matagal ko ng alam kung nasaan si Zoren. His hideout is easy to find, iyon ang mas nagpahirap dahil ang akala ng iba sa mas tago siya maglalagi.

Bakit nga ba magtatago kung lahat naman takot saiyo?

Hanggang ngayon galit pa rin ako at mas lalo lang iyong lumala. Nababalot ng pinaghalong galit at sakit ang puso ko. At isa lang ang gusto kong gawin. Iyong rin ang dahilan kung bakit ako naririto.

Sinong mag-aakala na tatamaan ako ng ganito katindi?

Bakit kasi kailangan siya pa ang pinaghigantihan ko.

Bakit palagi niya akong tinataboy.

Bakit hindi niya kayang ipaglaban iyong saamin?

Pero di bale kaya ko namang gawin ito ng mag-isa.

Dati gustong gusto kong makitang umiyak at masaktan ang anak ni Priscilla kasi baka sa ganoong paraan maibsan ang lungkot at pangungulila na nararamdaman ko.

I want to get even with her. Kasi kung hindi ako makakaganti sa kanya edi idadamay ko na lang ang anak niya. If only I knew that my plan would back fire. Imbis na maisakatuparan ko ang plano ako pa ang nabiktima ng sarili kong kagagawan.

Noon, pakiramdam ko my feelings were not valid lalo na ng dalhin ni Papa ang babaeng iyon sa bahay samantalang kamamatay pa lang ni Mama.

Nagsama siya ng ibang babae sa bahay ng hindi man lang iniisip ang mararamdaman ko.

Doon nagsimulang mamuo ang galit sa puso ko. Nagtayo ako ng malaking pader, even my gang mates never dared to cross it pero may isang hindi natinag.

She did not only cross the line she also destroy the wall that surrounds my heart unknowingly. She let me experience to feel again. Na ok lang maging mahina kahit na paminsan minsan.

I hurt her and that's the biggest mistake that I commit in my life. Pero naging susi rin iyon para matauhan ako. That I don't just like her. I love her. Kahit na dispalinghado ang puso ko, alam nito kung kanino titibok. Ganun rin kahit bago na ang puso ko.

It already recognizes its owner.

Bumaba na ako sa kotse. I wear my cap nicely.

Nag-igting ang panga ko ng makitang isa-isang lumabas ang mga tauhan ni Zoren. Inaasahan nila na dadarating ako. We are not speaking but I know that even Zoren expects my presence here. Naglakad ang mga lalaki kay't sumunod ako sa kanila.

That Girl Pristine MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon