34. Sumusobra ka na!

49.1K 898 131
                                    

34.

Pagkabitaw ko sa kamay niya, tumalikod na siya at naglakad palabas ng school. Hindi ko siya nagawang sundan. Natatakot akong sundan siya. Natatakot ako sa maaaring sabihin niya. Natatakot ako na makita ang expression na nakita ko kanina sa mukha niya. Natatakot akong ipamukha nya sa akin kung paano ko siya binigo. Natatakot akong manggaling sa kanya what a failure I am when it comes to her and to our relationship.

Umuwi ako sa bahay sa pagtataka ng parents ko. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Nag isip ako kung paano ko siya kakausapin, kung paano ko siya iaaproach. Tinext ko siya at tinawagan pero hindi siya nagrereply at hindi sinasagot ang mga tawag ko. Nung gumabi na, pumunta ako sa kanila pero patay lahat ng ilaw sa bahay nila at walang nagbubukas ng pinto. Naghintay ako ng apat na oras sa labas ng bahay nila. Nagbabakasakali na darating siya pero wala. Nanlulumo akong umuwi sa bahay namin.

Kinaumagahan, maaga akong  gumising para sunduin siya sa kanila pero sabi ng katulong nakaalis na daw siya. 6AM pa lang at 7:30 pa ang pasok niya. Iniiwasan ako ni Charm. Dumiretso ako sa school at hinanap siya. Pumunta ako sa cafeteria pero wla akong Charm na nakita. Nagpunta ako sa classrom nila pero wala pang tao sa room.

Pumunta din ako sa rooftop pero wala siya doon. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin.  Pabalik na sana ako ulit sa cafeteria nung makita kong may nagkukumpulang mga estudyante sa may likod ng gym. Sa may locker room. Lumapit ako para tingnan ang nangyayari. And I saw Chelsea na sinasabunutan si Charm habang nagsisigaw.

“Malandi ka! Mang aagaw ka. Kakalbuhin kita!.” Wala man lang nagtangkang awatin ang dalawa. Sumiksik ako para awatin sila lalo na at ni hindi lumalaban si Charm. Shit!

“Wag mo silang pakiaalaman.” Biglang may pumigil sa akin.  Napatingin ako at nagulat ako nang makita ko si Jake. Pinsan ni Chelsea.

“Sira ulo ka ba? Binubugbog ng pinsan mo si Charm.” Tiningnan ko siya ng masama pero hindi niya binibitawan ang braso ko.

“Kasalanan mo to. Wag kang makialam Heinz. Pag pinagtanggol mo si Charm mas lalo mong sasaktan si Chelsea. At sobra sobra na ang sakit na naramdaman niya dahil sayo. Hayaan mo siyang makaganti man lang.” Nag init ang ulo ko sa sinabi niya. So hahayaan niyang mabugbog si Charm para makaganti si Chelsea? Potang Ina niya!

Aalisin ko na sana ang kamay niya nung makita kong sinampal ni Chelsea si Charm pero ang ikinagulat naming lahat ay nung sinipa ni Charm si Chelsea kaya natumba ito. Hindi basta basta ang sipa na yun. It was a roundhouse kick at nasapol si  Chelsea sa mukha. Mabuti na lang at hindi todo ang impact dahil na rin siguro sa hindi tama ang porma ni Charm. Dahil pag nagkataon na nasa tamang porma siya, tulog na ngayon si Chelsea.

Minsan ko ng natikman ang sipa niyang yun nung tinuturuan ko siya at nagdilim talaga ang paningin ko. Sa panahon na yun parang nagsisi pa ako na tinuruan ko siya ng taekwondo. Sabi ko dati para self defence niya pero sa ginawa ko para ko siyang binigyan ng lisensiya para bugbugin ako.

Namumula ang mukha niya na nakatingin kay Chelsea. Nakatulala ang lahat ng nanonood pati na ako. Si Chelsea, dumudugo ang labi.

Tatakbo sana si Jake pero pinigilan ko.

“Wag kang makialam.” Ano siya? Sinuswerte? Hahayaan niyang mabugbog si Charm pero pag si Chelsea ang mabugbog tutulungan niya? Hindi ako makakpayag nun.  Subukan lang niyang hawakan man lang kahit ang buhok ni Charm at ng makita niya ang hinahanap niya.

“Walanghiya ka! Anong karapatan mong sabunutan at sampalin ako? Ikaw ang nagpapakain sa akin? Kahit dulo ng buhok ko wala kang karapatang hawakan, punyeta ka!” First time ko siyang narinig na nagmura ng ganyan na nagpapatunay na galit na galit siya.

“Hindi ako ipinanganak para lang saktan mo! Tandaan mo yan. At kung ang ikinukulo ng dugo mo ay si Samuel Heindrick, then iyong iyo na siya. Isaksak mo sa baga mo. Mga leche kayo!” Tapos pinulot niya ang bag niya at naglakad papunta sa pwesto namin.

“Tapos na ang show, pwede na kayong magsilayas.”   Sabi niya at tiningnan ang mga tao na hindi makatingin sa kanya. Parang natatakot pa sila kay Charm. 

“Baby..” Napako ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan kami tapos lumapit siya sa akin. Yayakapin ko na sana siya when..

Pak!

“Aaawwww!” Chorus ng mga tao. Langya!

Sinuntok niya ako at nasapol ako sa mukha. Natumba ako dahil sa impact ng suntok siya. Takte! Hindi ko nailagan yun. Ang bilis niya. Mas lalo kong pinagsisihan ang pagturo ko sa kanya. Sinasabi ko na nga ba’t kapahamakan ko ang ginawa ko. Langya!

“Sumusobra ka na! I hate you!”

Tapos nagmamadaling umalis. Ni hindi man lang ako tinulungang tumayo. 

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon