24. Alam Ko

55.4K 875 160
                                    

24.

“In this course you will learn blah blah blah and blah blah blah..” Hindi ako nakikinig sa prof. Takte naman kasi,  first day of class tapos magdidiscuss agad? Agad agad? Pwede namang kunin na lang ang attendance tapos dismiss na pero hindi eh. May plano talagang ubusin ang buong period.

“And since this is a prerequisite course…” Napatingin ako sa prof na natigil sa pagsasalita.

“Miss, do you need anything?” Napatingin naman ang iba naming kaklase sa kinakausap ni Sir. Ako wala akong gana. Bored na bored ako.

“Holy Shit!” Narinig ko pang sabi ni Mike. Ganun naman palagi yun eh, pag nakakita ng babae.

“Heinz!”   Kinalabit ako ni Mike.

“Ano?” Pasinghal kong tanong kay Mike. Nakatingin ako sa kanya pero siya nakatingin sa pinto kung saan nakatingin ang halos lahat.

“Uhhmmmmm..I believe this is my room Sir. Sorry, I’m late. I lost my way.” Parang naestatwa ako sa boses na narinig ko. Kaboses lang ba niya o siya talaga yan? Hindi ako makalingon. Natatakot akong lumingon sa hindi ko alam na dahilan. Na baka siya ang malingunan ko at kung hindi siya baka madisappoint ako.

“Are you a transferee?” Tanong pa ng prof.

“Yes Sir. “ Sabi niya.

“Very well, hand me your class card and you may sit in the vacant seat in front of Mr. Po.”  Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.

“Heinz!” Hindi pa ako tumingin kay Mike. Yumuyuko lang ako. Naririnig ko na may naglalakad palapit sa akin. Hindi ko na naririnig ang usapan sa paligid ko. Parang sobrang aware ako sa footsteps niya. At nung nakita ko na ang dalawang sneakers na nakatayo sa harap ng upuan sa harapan ko, unti unti akong tumingala.

She’s wearing a white and dark blue sneakers, a blue fitted jeans and a white shirt.  Tapos dumating sa mukha niya ang tingin ko. And my breathing hitched. Nakatingin siya sa akin at nakatingin din ako sa kanya.  Nakita ko ang nanlaki ang mga mata niya tapos bigla siyang namula. Hindi ko akalain na ngayon ulit kami  magkikita ni…

Charm.

Nanuyo ang lalamunan ko. Siya nga. Her pinkish lips, ang matangos niyang ilong, ang pinkish niyang niyang pisngi, pati ang chinita niyang mata. Siya nga, except that medyo pumayat siya. Pero hindi maipagkakaila, I am now looking at Charm Ming.

Parang naghabulan ang puso ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.  Ganun din siya sa akin. Tapos tumingin siya sa katabi ko na si Mike at tipid na ngumiti. Kay Mike may ngiti pero sa akin wala? At bakit ganun ang ngiti niya? Parang pilit, parang peke.

“You may now take your seat Miss Ming. “ Biglang sabi ng prof. Tumalikod siya sa amin at naupo na sa chair niya. Kumuha siya ng notebook sa bag niya at kinopya ang nakasulat sa board. Kelan pa siya natutong kumopya?

Maya maya may inabot na papel sa akin si Mike na may nakasulat.

‘Si Charm’ Huminga ako ng malalim pagkabasa ko nun at tumingin ulit sa babeng nasa harap ko.

‘Alam ko’ Tapos ibinalik na kay Mike ang papel.

Buong klase akong di mapakali. Nakatingin lang ako sa likuran niya pero ni minsan hindi siya lumilingon. Sa harap lang siya nakatingin. Mangati ngati na akong sipain ang upuan niya pero baka mahuli ako. Halos dalawang oras kung tiniis ang sitwasyon na yun. Pinagpraktisan ko pa kung paano siya lalapitan at kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.

Sasabihin ko bang ‘welcome back’? or mag he-hello lang ako.

Parang ito yung pakiramdam nung nagtapat ako sa kanya. Ang lakas ng kaba ko.

“Class dismissed.” Sabi ng prof sabay labas. Usually nauuna kami ni Mike sa paglabas kasi malayo ang building ng next subject namin pero hindi ngayon. Hindi pa din ako tumatayo kasi tinitingnan ko siya habang inaayos ang mga gamit niya at ipinapasok sa bag niya. 

Pagkatumayo na din siya kasabay ng mga ibang classmates namin tapos ni hindi lumingon sa pwesto namin ni Mike na naglakad.

Kumulo bigla ang dugo ko. Pagkatapos ng mahigit isang taon  ganun ganun na lang yun? Parang hindi kami kilala! Ayos ah!

Strangers?

Bullshit!

“Charm!”

Hindi ko napigilan ang sarili ko. At pagkasabi ko nun, bigla siyang tumigil pero hindi siya lumilingon sa amin. Her back stiffened.

Lumapit ako sa kanya, grab her arm at hinila siya palabas ng classroom. 

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon