42. Mag Ingat ka naman

40K 682 65
                                    

42.

Grabeng sermon ang natanggap ko kay Mommy pagdating ko sa bahay.  Grounded ako ng isang buwan at hindi ako pwedeng lumabas maliban sa school at bahay.  Sa tingin ko mas mabuti nga ang ganun. Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa sakit ng ulo pero nakapasok naman ako the next day.

“Tol! Musta ka na?” Bati agad ni Mike sa akin pagpasok ko sa school. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

“Okay na!” Ang laki ng ngisi ko sa pagtataka ni Mike. Siguro nanininibago lang sa akin kasi hindi na ako masyadong nagngingiti ngayon. Pero nangako na akong magmomove-on at tatanggapin na lang ang lahat.  At kasama sa pagbabago ko ang pag alis ng lungkot sa buhay ko.

“Doon nga muna tayo sa labas! Ang boring dito sa loob ng room.” Yaya ko kay Mike.  Sumunod naman siya at doon kami tumambay sa may corridor. Maya maya pa dumami na kaming tumatambay at well…nanonood ng mga dumadaan.

Masaya na akong nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Tingin ng tingin naman si Mike sa akin na parang nagtataka. Binatukan ko nga.

“Tigilan mo ako Mike!” Tumawa lang siya at kinamot ang ulo.

“Naninibago lang ako.”  Sabi pa niya.

“Bakit ka naninibago? Wala namang pagbabago sa akin. Ako pa din ang dating Heinz.” Komento ko na lang.

“Hi Chels…” Napatigil si Chelsea sa paglalakad kasama ang mga kaibigan niya. Kinindatan ko siya na nagpablush sa kanya. Pero agad din siyang nakarecover at inismiran ako tapos naglakad na palayo.  Tinukso ako ng mga kaklase ko na basted na daw ako na tinawanan ko lang. Mga loko to.

“Paksyet!” Biglang bulalas ni Mike. “Alam na alam ko ang ngiting yan. Parang awa mo na tol! Wag ako! Wag mo akong biktimahin.” Nagkatawanan kami.

“Ulol!” Babatukan ko na sana pero nakatakbo siya at hinabol ko naman pero pagliko na pagliko ko sa kabilang corridor, may nabangga ako.

“Mag ingat ka naman!” Narinig ko ang sabi ng kasama ng nabangga ko.

“Ay! Sorry! sorry!” Agad ko naman pinulot ang nahulog na notebook tapos binigay ko sa nabangga ko. Nagulat ako saglit kasi sa lahat ba naman ng pwedeng mabangga si Charm pa ang nabangga ko.  Pero agad naman akong nakarecover.

“Tol! Pasensiya na. Ahmmm… Charm pasensiya na.” Ngumiti ako sa kanya sabay abot ng notebook pero nakatulala lang siya sa akin. Ni hindi niya tinitingnan ang iniabot kong notebook niya. Sa mukha ko lang siya nakatingin. Napakamot ako ng ulo.

“ Charm!” Narinig kong tawag sa kanya ni Lucky.

“Ha?” Doon siya parang natigilan. Nakita ko ang biglang pamumula ang pisngi niya tapos umiwas siya ng tingin at tiningnan ang notebook na inaabot ko.

“Sorry sa pagkakabunggo sayo. Ito ang notebook mo.” Tumango lang siya at parang wala sa sariling kinuha  ang notebook.

“Charm, akala ko ba malelate ka na?” Napatingin siya kay Lucky at agad na lumapit dito.

“Okay lang.” Baling niya sa akin saglit.

“Tara na.” Tapos nauna ng naglakad papuntang classroom namin. Napabuntunghininga na lang ako at pinakawalan ang hangin sa lungs ko. Hay..buhay! Nakakagago lang! Haha!

Simula noon medyo nagpapansinan na kami ulit pero hindi nga lang katulad ng dati katulad nung highschool kami na nagkukulitan. Pero at least ngayon, wala ng masamang hangin tuwing nag uusap kami. Siyempre hindi ko sinasabing nakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya, meron pa din pero pinipilit kong itago sa pinakatagong bahagi ng isip ko.

Ayaw ko ng maulit yung sakit, yung depresyon, yung galit na naramdaman ko. ‘Ika nga ni Bob Ong..


‘Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.’

Tama nga naman. Desisyon ko kung gusto ko pang magpakamiserable at kung gusto ko pang malungkot. At napagdesisyunan  kong tama na. Wala naman akong mapapala kung itutuloy ko ang pagiging emo ko. Hindi ko na mababago ang katotohanan na hindi na kami at may fiancee na siya. Kahit maglupasay pa ako sa gitna ng daan at magpasagasa sa pison, hindi ko na yun mababago. Nakapagdecide na siya at panahon na rin para magdesisyon ako.Kahit masasaktan pa kami sa desisyon na yun. Tutal nasasaktan na rin naman ako, lubos lubusin ko na lang. Mawawala din naman to.  And besides, baka nga hindi kami talaga para sa isa’t isa ni Charm. Baka talagang may nakalaang ibang tao para sa amin kaya kahit anong pilit namin, eh hindi kaming nagiging masaya. And besides, sabi ulit ni Bob Ong..

‘Paano mo makikita yung taong para sa’yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa’yo.’

Parang yun kasi ang nangyayari sa akin eh. Pinipilit ko na maging kami ni Charm. Eh paano kung hindi kami talaga sa huli?

Kaya tatantanan ko na talaga itong nararamdaman ko para makita ko na ang nararapat para sa akin.  Dapat hanapin ko na siya, simula ngayon. 

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now