33. Nilandi ko?

49K 861 86
                                    

33.

“Grabe super landi talaga niya.” Narinig ko ang sabi ng mga babae na nag uusap sa library. Ano ba! Library ito tapos ginawang tsismisan.

“Oo nga! Akalain mo yun, alam niyang may girlfriend na yung guy tapos pinatulan pa niya. Kung hindi pa malandi ang tawag dun, ewan ko na lang.” Sagot naman ng isa pa. Narecognize ko na ang mga babae. Sila ang mga kabarkada ni Cheska. Hindi ko alam ba’t di nila kasama si Cheska gayung palagi naman silang magkasama.

“At ito pa ha, hindi man lang inisip na may nasasaktan siyang ibang tao. Ang kapal ng mukha di ba? Akala mo kung sinong anghel dahil maamo ang mukha pero demonyita pala sa loob. Nakakagigil.” Pinagtitinginan sa sila ng ibang estudyante pati ng staff ng library pero mukhang wala silang pakialam.

“Teka girls, sino ba ang pinag uusapan niyo? Di ata ako nakakarelate.” Sagot naman ng isa pa na mukhang sinasakyan lang mga kasamahan niya. Tsk! Tsk! Mga babae talaga. Makaalis na nga lang. Pati tuloy ako nagmumukhang tsismoso.

“Sino pa, eh di si Charm. Charm Ming.” Napatigil ako sa paghakbang at napatingin sa grupo ng mga kaibigan ni Chelsea. What the fuck!   Susugurin ko na sana ang mga kaibigan ni Chelsea nung biglang may humawak sa balikat ko.

“Hayaan mo na Heinz. Hanapin mo na lang si Charm.” Napatingin ako bigla kay Mike. Narinig din ba niya ang lahat? Anong klaseng tsismis ang nagkalat sa buong campus? I nodded at Mike at nagmamadaling lumabas ng library.

Ano ang magiging reaction niya pag nalaman niya ang balita?

Napansin ko na ang makahulugang tingin sa akin ng mga estudyante. So maybe kalat na kalat na sa buong campus ang tsismis. Shit! Nasaan ka Charm?

Kinuha ko ang cellphone ko and dialled her number pero nagriring lang at walang sumasagot. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan.

Nakahinga lang ako ng maluwag nung makita ko siyang papasok sa cafeteria. Sumunod ako sa kanya. Tatawagin ko na sana siya nung makita kong nakasalubong niya sina Chelsea at ang dalawa nitong kaibigan. Nagkatinginan sila at nakita kong yumuko g ulo si Charm.

“Well, well, well. Andito pala si Charm. Ang malandi at ang mang aagaw na si Charm.” Sabi ni Chelsea na halos dinig sa buong cafeteria. Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Charm. 

“At may mukha pa talaga siyang iharap sa buong campus Chels. Kapal huh!” Sabi naman ng isa pang friend ni Chelsea.

“Excuse me Chelsea. Anong pinagsasabi mo?” Tumingin na ng diretso si Charm kay Chelsea. Nanininingkit ang singkit na mga mata at namumula ang buong mukha. Alam na alam ko ang expression na yan.

“At nagmamaang maangan ang malandi. Hahaha.” Sabi pa ni Chelsea. “Gusto mo pang ikalat ko sa buong campus na inagaw mo ang boyfriend ko? Nilandi mo at inagaw mo. Ang kapal ng mukha mo. Akala mo kung sino kang mahinhin at mabait. Nasa loob pala ang sungay mo!” Pulang pula na din ang mukha ni Chelsea. At mga lahat ng tao sa cafeteria tumitingin na sa kanila.

Lalong naningkit ang mga mata ni Charm. Gusto kong pigilan sila pero alam kong sa mga ganitong pagkakataon ayaw na ayaw ni Charm na pinapakialaman.

“Si Samuel Heindrick ba ang pinag uusapan natin dito Chelsea?” Taas noong sabi pa niya. Hindi ko alam but I felt sa sense of pride dahil sa ginawa niya. At hindi ko rin alam kung bakit nanonood lang ako. Siguro dahil gusto kong makita ang magiging reaction niya.

“Sino pa ba? Unless may ibang lalaki kang nilalandi which is hindi na nakakapagtaka.”

“Talaga? Nilandi ko? Inagaw ko?” Charm said full of sarcasm. “Sa pagkakaalam ko kasi, unang araw ko pa lang sa school na to, hinabol na ako ni Sam. Sa loob ng isang taon, wala na akong ginawa kundi iwasan si Sam. And as far as I can remember, bago ako pumuntang China hindi kami nagbreak ni Sam.  And now, nagtataka ako, sino ngayon sa  atin ang nanlandi at nang agaw?”

“So, pinanghahawakan mo ang mga panahon na ni hindi ka nagparamdam sa kanya and you expect na kayo pa din after all those times? Kapal naman talaga ng mukha mo.” Chelsea hissed at Charm.

“Of course dahil wala kaming formal break up. Hindi naman kasi ako katulad mo na nakikipaghiwalay na sayo ang tao, ayaw mo pa din. Wala ka man lang bang self respect na okay na sayo na napipilitan ang isang tao sayo dahil sa awa?”

“Sinungaling ka! Hindi nakipagbreak si Heinz sa akin.” Sumigaw na si Chelsea.

“Bakit hindi natin itanong yan kay Sam?” Napatingin si Charm sa akin. Pati si Chelsea at ang lahat ng tao sa cafeteria. Napatingin ako kay Charm at yung tingin niya parang gusto nya akong patayin. Umiwas ako ng tingin. Si Chelsea naman, umiiyak na.

“Heinz!” Lumapit si Chelsea sa akin at kumapit sa braso ko. Inalis ko ang pagkakapit niya sa akin.

“Chels, hindi mo dapat ginawa to. I’m sorry kung nasaktan man kita pero sinabi ko na sayo ang lahat. Hindi ako nilandi o inagaw ni Charm. Ayaw nga niyang makipagbalikan sa akin hangga’t hindi ko naayos ang sitwasyon natin. But you refused to break up with me. I’m really sorry if nasaktan kita pero kung hindi ko sasabihin sayo mas lalo ka lang masasaktan dahil mahal ko si Charm. I’ve lost her once and I can’t afford losing her again. Hindi ko dapat sinasabi to sa harap ng madaming tao but you leave me no choice.  Ayaw kong inieskandalo niyo si Charm at pinagbibintangan ng mga bagay na hindi naman niya ginawa. I’m sorry.” Alam kong masakit ang mga sinabi ko kay Chelsea. Alam ko ding sobra siyang napahiya pero wala na akong magagawa.

Umiiyak na si Chelsea at hindi ako makatingin sa kanya o kahit sa ibang tao. Siguro sa tingin ng lahat isa akong manloloko at walang kwentang lalaki pero wala akong pakialam. Nagpapakatotoo ako ngayon lalo na sa babaeng mahal ko at wala akong pakialam a magiging reputasyon ko sa school basta maipakita ko kay Charm kung gaano siya kaimportante sa akin.

Napatingin ako sa kinatatayuan niya and I saw her turn her back at naglakad palayo sa scene, palabas sa cafeteria.

“Charm!” Tawag ko sa kanya at nagmamadaling hinabol siya. Hindi ko alam kung hindi ba niya talaga ako narinig o nagbibingi bingihan lang siya. Naabutan ko siya sa labas. Agad kong hinawakan ang braso niya.

“Charm!” Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa din niya ako tiningnan.

“I’m sorry.” Alam kong kahit ang tapang niya kanina, alam kong nasasaktan siya at ako na naman ang dahilan.

Napatingin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. When I saw her bigla kong nabitawan ang braso niya. Her face is serious. She is not even crying pero hindi ko maipagkakamali ang nakikita ko sa mga mata niya. Napalunok ako.

Disappointment.

I have disappointed her. Binigo ko siya.

And that’s the feeling I’ve dreaded na maramdaman niya towards me. 

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon