18. Pinipilit

60.3K 950 75
                                    

18.

“Charm!” Napatingin ako  sa sumigaw at nakita ko ang isa sa mga kaibigan ni Charm na tumatakbo at nakita ko ding hinahabol niya si Charm.

Nung makita ko yun, agad akong tumakbo para habulin din si Charm. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon niya sa mga narinig niya ang alam ko lang gusto ko siyang makausap. Miss na miss ko na siya.

Tumatakbo siya sa may corridor palabas ng school at siguro hindi niya masyadong tinitingnan ang tinatakbuhan niya kasi may nabangga siya.

“Charm!” Binilisan ko pa ang takbo ko para tulungan niya kasi natumba siya.

Pero nagulat ako nung medyo malapit na ako kasi tinulungan ng lalaki si Charm pero mas ikinagulat ko ng bigla na lang yumakap si Charm doon sa lalaki.

Nanikip bigla ang dibdib ko. Alam kong nagseselos ako.

Parang nagulat din ang lalaki sa ginawa ni Charm pero nakarecover din siya kaagad kasi inilayo niya ng kunti si Charm sa kanya at nag usap sila. Tapos hinaplos ng guy ang mukha ni Charm at siya na mismo ang yumakap sa kanya.

Takte! Gusto ko silang sugurin. Gusto ko silang paghiwalayin. Wala siyang karapatang yakapin ng ganyan si Charm.

Pero ikaw ba Sam may karapatan ka pa rin ba kay Charm? Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa pinagsamang inis at selos na nararamdaman ko.

“Charm!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na tawagin siya.

Lumingon silang dalawa sa akin. Ang lalaki nagtatanong ang mga mata pero si Charm tiningnan lang ako saglit tapos iniwas na ang tingin sa akin. Bakit ayaw niya akong tingnan?

Tumingin siya sa lalaki at may sinabi tapos tumango lang ang lalaki tapos inakbayan niya si Charm at pumunta sila sa isang kotse. Pinagbukas pa niya ng pinto si Charm tapos sumakay na din siya at umalis sila sa school.

Hindi ko alam kung bakit nagawa nilang makalabas kahit may klase pa, pero hindi sila pinigilan ng guard. At nasaksihan ko ang lahat ng yun at wala akong ginawa para pigilan sila. Masamang masama ang loob ko pero pinilit ko na bumalik sa klase. Lutang ako buong hapon at walang pumasok sa isip ko.

Patingin tingin din ako sa table niya sa pag aakalang babalik pa siya pero walang Charm na bumalik. Nung uwian na, kinuha ng isa niyang barkada ang mga gamit niya at umalis na ng room.

Charm, saan ka nagpunta?

♥ Charm ♥Where stories live. Discover now