CHAPTER SEVENTY SEVEN - (The Acquitance Party)

Start from the beginning
                                    

"tch!umalis nalang kayo.... kakausapin ko lang sandali tong mga lalaking to"taboy ko sa Dean at senenyasan ko pa siyang umalis na.Nagtataka siya sa inasta ko at mukang aangal pa siya pero may binulong sakanya si Gaio tapos yun....umalis na yung dean.

"Hehehe" bungisngisan nila.

-_-*

"Sino yung nagpalista sa pangalan ko don?" mahinahon,kalmadong tanong ko sakanila...nakangiti pa ako ng malawak.

Tinuro nilang lahat si Gaio kaya nakatikim siya ng flying kick wala akong paki kahit na nakabestida ako pero dahil nakaheels ako hindi ko nabalanse ang sarili ko kaya hindi siya natamaan sa muka.

"Hoy!ang laswa mo! nakabestida ka tapos itataas mo yung paa mo?"sita sakin ni Klien.

-_-

"ano pang silbi ng short ko na to?" sarkastikang sabi ko pinakita ko yung laylayan ng short ko na nilislis ko lang kasi mas mahaba pa yung short na suot ko kaysa sa cocktail na suot ko.

"Kahit na" sulpot ni Justin.

Naaasar kong nilingon si Gaio dahil naririnig ko ang pag daing niya pero may tawa."Tangina mo ka!" asar na asar na duro ko Kay Gaio.

" Hindi naman ako yung nagpalista eh!ugh!ako Lang nakaisip na ipalista ka!Shit!Ang sakit mo sumipa!tapos hindi pa kita nakitaan."

Nakatikim uli siya ng sipa sakin dahil sa sinabi niya.Okay lang na magulo kami rito kasi madilim na bahagi to ng stage at hindi kami mapapansin...at dahil narin busy ang lahat sa pagsasayaw sa dance floor.

" Manyak ka!kaasar!" singhal ko at kinaltukan siya at binatukan at kinaltukan at binatukan at sinipa.Daing lang ng daing si Gaio pero tumatawa tawa siya nakakaasar.Yung mga kasamahan naman namin ay tumatawa tawa lang din habang pinapanood kami.

"Tama na yan oy!awatin niyo na!" Sabi ni Justin at naramdaman ko nalang na may nakahawak na sa magkabilang braso ko at inilalayo ako sa talinpadas na Gaio na yan!

Okay na sana eh!ginawa ko na lahat para makaganti.Kaso nababanas ako lalo kasi tumatawa siya!

Malalim ang paghinga ko.

"Sabihin niyo....Sino ang naglista ng pangalan ko don" madiinang sabi ko.Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila Owen at Shadow sakin pero hindi ako makakalas."Bitaw na." Sabi ko nalang at yun binitiwan nga nila ako.

Huminga uli ako ng malalim at inayos yung sarili.

"Uulitin ko..Sino yung naglista ng pangalan ko sa list ng magpeperform ngayon?"madiinang sabi ko.Pag nalaman ko kung sino yun ipapasagasa ko siya sa ten wheeler truck tapos itatapon ko yung bangkay niya sa ilog.Hahaha.

Biro lang....Bahala na kung anong magawa ko!

"me?" napatingin ako sa nagsalitang babae.Si Dana na nakangiti ng cute sakin habang nakataas ang kamay.

-_-7

Bakit siya pa.....Hindi ako nananakit ng babae eh!Ang ganda pa niya.

"Kainis!!" sigaw ko nalang dahil wala na akong magagawa.

"Hahahaha!" tawanan na nilang lahat.Alam kasi nila na hindi ako basta basta pumapatol sa babae.Lalo na at maganda at higit sa all si Dana naman kasi eh!kilala ko!kagrupo ko!

"So?ano?Hindi ka magpeperform?" tanong bigla ni Chad na sumulpot kung saan na nakapagpatigil sa pag tawa ng iba naming kasamahan at napatingin sakin,hinihintay ang sagot ko.

Wicked Angel (Part One)Where stories live. Discover now