Nalaglag ang panga ni Mrs. Reyes matapos kong sabihin iyon. I didn't mean to slap her with my intelligence, ayaw ko lang na ipahiya niya ako sa harapan. Agad na nagpalakpakan ang mga kaklase ako at humiyaw-hiyaw pa. Pakiramdam ko tuloy ay alam nilang hindi ako nakikinig.

"Shut your useless mouths, Class A!" Saway niya sa mga classmates ko at hinarap ako gamit ang napapahiyang mukha niya. You know what, may mg teacher talaga minsan na naiinis kapag nahihigitan sila ng estudyante nila and unfortunately she is one of them.

Ang dami ko nang nai-encounter na ganoong klaseng teacher kaya natutuwa ako kapag may mga teacher pa rin na grabe 'yung pagmamalasakit sa mga estudyante nila at 'yung mga proud sa estudyante nila. The reason why hindi rin ako pala-recite na estudyante, hindi kasi ako kumportable sa mga teacher since elementary.

"ANG galing mo kanina, Claire. Nilampaso mo si Ma'am Reyes!" Natatawang sabi ni Harrymond. Nasa cafeteria kami ngayon kasama sina Beauty, Mara at Elaine. Pumalakpak pa ang bakla.

"Ahh, hindi naman. Sumagot lang ako," sabi ko at sumipsip sa binili kong milk tea. Walang pag-aalinlangan akong kinutusan ni Mara kaya sinamaan ko siya ng tingin. Muntik pa akong mabulunan.

"Naku pahumble pa si bessy namin! Kabahan ka na, Beauty. May papalit na sa pwesto mo!" Natatawang sabi ni Mara at nakitawa na rin si Elaine at Harrymond. Sarkastiko namang nakitawa rin si Beauty.

"Ha-ha! I actually don't mind." Umirap si Beauty at muli siyang seryosong kumain. I think may mas malalim siyang iniisip kumpara sa pinag-uusapan namin ngayon.

"Pero sis ang bongga ah? Ikaw ang gaganap na Maria Clara! Nakaka excite!" Pumalakpak pa si Elaine at humiyaw. "Pero mas naeexcite ako kay Mara siya 'yung gaganap na Sisa. Bagay na bagay sa bipolar na katulad niya."

Hinampas siya ni Mara ng notebook sa ulo. May dala-dala pa kasi itong notebook dahil mayroon siyang hindi pa natatapos na assignment. How iresponsable right? Kumokopya siya ngayon kay Beauty pero binabali-baligtad niya lang 'yung words para daw hindi halata.

"Mamatay ka na! Mas kaaabang-abang si Harrymond, siya 'yung gaganap na Padre Damaso." Malakas na humalakhak si Mara kaya napatawa rin kami samantalang nag-aalburoto na ang hitsura ni Harrymond.

Umirap si Harrymond. "Sa ganda kong 'to, gagawin lang akong rapist na si Damaso." Pekeng umiyak si Harrymond at niyakap-yakap pa ako. Siniko ko naman siya dahil pinagtitinginan kami ng ilang estudyante dito. "Anak ko 'to eh. Anak!"

Kinurot pa niya ang pisngi ko kaya tuluyan ko siyang natulak. Nagtawanan naman kami dahil sa nangyari. "Guys may iuupdate ako sa inyong news about kay Sir Lienzo!" Chismosang pagkakasabi ni Elaine.

Agad namang naagaw naming lahat ang atensyon niya. Apat kasi kami dito ang may gusto kay Sir kaya interested agad kami. Well, hindi ko na siya gusto ngayon pero gusto kong malaman ang iuupdate ni Sir Lienzo. Si Beauty naman ay walang paki at nagcecellphone lang.

"Broken daw si Sir! Hindi nga natin alam kung may lovelife ba siya o ano, tapos ngayon broken daw siya sabi ng ilang estudyante din dito," nakangiwing saad ni Elaine at tumatango-tango pa.

"Kanino mo naman nalaman, Aber? Baka kuwentong barbero lang 'yan. Sa gano'ng hitsura ni Sir, tingin mo ba ay meron pang mambabasted d'yan? Sige nga sabihin mo kung kanino mo nalaman?" Umirap si Mara kay Elaine.

May kinuha si Elaine sa kaniyang mini bag at liptint iyon. Iba't-ibang kulay iyon at ikinalat niya sa table namin. "Bili muna kayo! Fresh from South Korea, 150 lang." Tumawa pa siya.

Napairap naman ako pero sina Mara at Harrymond, nauto. Bumili sila, si Harrymond tatlo pa binili kasi sinabing galing sa "South Korea." Pinakita niya pa sa akin ang tinda niya pero umiling lang ako sa kaniya.

Carpe DiemDär berättelser lever. Upptäck nu