Chapter 22 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Napamaang si Jesica sa sinabi ni Vincent. Hindi niya akalain na susugod ito ng walang pakundangan para sitahin sila niToffer.

Si Toffer naman ay pigil ang tawa habang pinagmamasdan si Vincent.

“Sir, mag-start na po tayo.” Lapit muli ng wedding coordinator kay Vincent.

Muling tinapunan ni Vincent ng masamang tingin si Jesica bago tuluyang tumalikod.

“Napaka rude talaga ng taong yun.” tanging nasabini Jesica.

 

“Sis, kung siguro hindi lang kasal ni Emer ito baka nabugbog na ako. Mukhang pinagseselosan na naman ako. Pero sa totoo lang may dahilan naman siya para magalit sayo.”  Pagpaparinig ni Toffer.

Nakakunot ang noon a binalingan ito ni Jesica. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kaibigan. “Wala siyang karapatan na magalit sa akin. Kung meron mang dapat magalit dito ay ako yun.” Mahinang sabi niya pero may diin ang bawat salita.

 

“Pag-usapan natin mamaya yan. Gusto kong malaman kung paano na involve si Vincent sa buhay ninyo ni Venice. Kung gusto mo lang naman sabihin sa akin.” Kalmadong tugon ni Toffer.

Nanahimik na lamang si Jesica ayaw na niyang pahabain pa ang nagsisimulang pagtatalo nilang magkaibigan.

“Oh My God! Ang ganda ni Emer! Bagay sa kanya ang pagbubuntis niya.” Nakangiting sabi ni Toffer habang naglalakad ang bride papunta sa altar.  

Halos pare-pareho ang komento ng mga taong naroroon patungkol sa bride. Habang pinagmamasdan ni Jesica ang kaibigan na naglalakad ay may kahungkagan siyang nadama. Noon ay nangarap din siyang magkaroon ng ganito kagandang kasal pero sa katayuan niya ngayon ay unti-unti ng naglaho ang kanyang pangarap.

Hanggang sa matapos ang seremonya ay tahimik nanonood lamang si Jesica. Hinayaan na niyang si Toffer ang umasiste sa kanyang anak.

Nang matapos ang seremonya ay sabay sabay sila nina Toffer palabas ng simbahan ng biglang may humablot sa braso ni Jesica.

 

“We have to talk.” matigas na sabi ni Vincent.

Hinarap ni Toffer si Vincent. “Pare, pwede bang sa ibang araw na lang kayo mag-usap ni Jesica. It’s our friend’s wedding and we wanted to be part of her happiness.”

“Sa tingin ko wala kang pakialam sa gusto kong mangyari.” Baling ni Vincent dito.

 

“Mama?” makikita ang takot sa mga mata ni Venice ng tumingin sa ina.

Biglang nakaramdaman naman ng awa si Vincent ng mapagmasdan ang bata. “Sweetheart, I’ll just talk to your mom, is it okay?” mahinahong paliwanag nito kay Venice.

“Please don’t hurt my mom.” Pakiusap nit okay Vincent.

“Of course not! I love your mama.” Nakangiti nitong baling kay Jesica.

Samantalang si Jesica naman ay halos atakihin sa kaba habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

Hindi nila namalayan ang papalapit si Mia sa kanila. “Sweetheart, I was looking for you kanina pa.” maarte nitong sabi sabay pulupot sa braso ni Vincent.

 

“I’ve told you, sa reception na lang tayo magkita.” Parang naiinis ang boses ni Vincent ng balingan nito ang babae sa tabi niya.

Yun ang hinihintay na pagkakataon ni Jesica para makalayo sa presensiya ng binata kaya mabilis niyang kinarga ang anak at malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang kinapaparadahan ng sasakyan nila.

____________

A.N.

Sorry guys ang tagal ng Ud ko ngayon  sobrang busy lang po talaga..

Please don't forget to vote and leave your comments :) 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon