I wonder kung sino ang ipapakilala niya sa akin.

Mula kung saan ay lumitaw ang isang napakagandang babae na nakasuot ng puting dress.

"Astreille?" gulat na banggit ni Froze mula sa likuran ko.

Ngumiti nang matamis ang babae sa harapan namin bago yakapin ang lalaki sa likuran ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng selos. She's so angelic, at hindi ko maramdaman na may tinatago siyang kulo.

Matapos niyang yakapin si Froze ay lumingon naman siya sa akin. "Hello, you are so beautiful."

Napangiti ako habang nakatingin sa malaperpekto niyang mukha.

"You too," sagot ko.

Nabigla ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. "Thank you for making Froze happy, Arrow. Thank you for coming back."

Mas lalo akong napanatag sa sinabi niya. Sa sinabi niyang 'yon, alam kong may alam din siya sa nakaraan namin ni Froze.

"Baby, this is Astreille. My brother's girlfriend," Froze said beside me.

Kumaway nang bahagya ang tinutukoy niyang Astreille kaya natatawang kumaway rin ako.

She's so cute!

"What are you doing here, Astreille? Are you with Xord?" tanong ni Froze na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin.

Even me, nagtataka ako kung bakit siya nandito. Siya ba ang ipapakilala sa akin ni lolo?

"I'm not with Xord right now, Froze, pero siya naman ang naghatid sa akin, susunduin na rin naman niya ako mamaya," nakangiting sagot ni Astreille.

Tulala habang nakangiti lamang ako habang pinagmamasdan siya. She's like an angel. Parang nakikita ko ang kakambal ko sa katauhan niya dahil sa mga kilos niya.

"Astreille is with someone, Arrow, and you knew her well," saad ni lolo sa tabi.

Nagtatakang lumingon ako sa babaeng nasa harapan ko.

"Who?" tanong ko.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya bago siya lumingon sa likuran ko.

Maging ako ay napalingon na rin sa sobrang pagtataka.

Pero hindi ko inaasahan ang taong bumungad sa akin pagkaharap ko.

Ramdam na ramdam ko kung paano lumakas ang tibok ng puso ko. Nanubig din ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit kong humakbang papalapit.

"M-Miyuki," naiiyak na banggit ko sa pangalan niya.

Maging siya ay napaiyak na rin bago takbuhin ang pagitan namin.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko na ang katawan niya sa akin. She's real, she's infront of you Arrow, she's alive.

"Where have you been, you bitch? Bakit hindi ka agad bumalik?" umiiyak na tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry, I'm sorry if I came back too late. I m-miss you, Arrow." Mas naiyak pa ako nang marinig ang boses niya.

"Thank you for coming back, Miyuki, thank you for staying alive," puno ng pag-aalalang saad ko.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya habang nakatingala sa kalangitan.

Sabrina, Saiko, Juana... You guys have nothing to worry anymore, magkasama na kaming dalawa. We're fine.

Salamat sa mga panahong pinasaya ninyo ako, pinrotektahan, kahit hindi ko nagawa ang bagay na 'yon para sa inyo.

Please be happy up there.

"Are you okay? May masakit ba sa 'yo? W-What? Tell me," sunod-sunod na tanong ko nang bumitaw ako sa yakap.

Pinunasan niya ang mga luha bago umiling.

"Astreille took care of me, kaya ayos lang ako, wala ka nang dapat ipag-alala, Arrow," nakangiting saad niya.

Lumingon ako kay Astreille na nanonood lang sa amin. Matamis ko siyang nginitian. I mouthed "thank you" and just answer me with a sweet smile.

Hinaplos ko ang buhok ni Miyuki. "How? P-Paano ka nakatakas sa mga hayop na 'yon?"

"Papauwi pa lang ako sa dorm noong makita ko kung paano nila patayin sila Sabrina. They tried to harm me, nasaksak nila ako nang ilang beses, but Juana did everything to save me. Nakatakbo pa ako palabas dahil may isang lalaki na humabol sa akin. Sakto naman na napadaan ang kotse ni Astreille, siya ang tumulong sa akin para makatakas sa mga lalaking 'yon." Lumapit siya nang bahagya sa akin bago bumulong. "She might look like an angel, but she's a baddass especially when she fought with that guy."

Natawa ako nang bahagya sa kakulitan niya.

"I'm glad that you're fine, Miyuki, I'm so glad," I whispered to her.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon