Nang matapos kaming kumain ay isa-isa na ring nagpaalam sa amin 'yung parents ko pati sina Ate Jasmin, Tita Alex, at 'yung kapatid ni Steve. Naiwan kaming walo sa bahay at pare-parehas kaming hindi makatayo sa kinauupuan namin.

Sobrang puno kasi 'yung mga tiyan namin. Sa dami ba naman ng nakahain. Bukod kasi sa mga pinamili ko ay may dinala pa 'yung parents namin kanina.

"Oh ano, magtititigan na lang ba tayo rito?" basag ni Althea sa katahimikan. Nandito pa rin kami sa kitchen at wala pa ring nagtatangkang tumayo sa amin.

"Mabigat 'yung tiyan ko," ani Jhela at sinegundahan naman ni Jules, "me too."

"Aray! Hindi ko na kaya, kanina pa ako tinatawagan ni Mother Earth!" sabi naman ni Keighla at biglang kumaripas ng takbo sa CR.

Si Julie naman ay yumukyok sa lamesa dahilan para masagi niya 'yung platong ginamit sa pagkain kanina.

"Hays, umalis na nga kayo. Gets ko naman, eh. Ako na maghuhugas ng lahat ng 'yan. Nahiya pa kayong sabihin," sabi ko sa kanila. Para naman silang nakarinig ng isang magandang balita kaya walang pagdadalawang isip na tumayo sila at isa-isa na nga silang nawala sa paningin ko.

Naiwan naman si Steve at Kevin na halata bang hindi sumama roon sa mga mababait naming kaibigan? Bahagya akong nakaramdam ng awkwardness lalo na nang makita ko ang paraan ng pagtingin ni Steve kay Kevin. Para bang nakikipagsukatan siya ng tingin dito at anytime ay hahamunin ito sa hindi ko malamang dahilan.

"Huwag mong simulan, Steve. Hindi ako nag-stay rito para kay Alisha."

Napataas naman ang kilay ko ng marinig 'yun mula kay Kevin. As if naman gusto kong mag-stay siya 'di ba?

"Then why are you still here?" tila nanghahamon pa ring tanong ni Steve. Ewan ko ba pero parang triggered na triggered naman ang isang 'to masyado.

"Bawal bang hintayin si Kei?"

Ah! Iyon naman pala! Hindi ko tuloy maiwasang kiligin para sa kanila. Mabuti na lang talaga at nag-stay si Kevin eh. Kahit paano nalaman kong kaya ko pa rin naman pa lang kiligin para sa kaibigan ko. Panigurado, kung narinig ni Keighla 'yung sinabi ni Kevin ay magtatatalon 'yun sa tuwa.

"Hay salamat, nakaraos din!" tila nabunutan ng tinik na pahayag ni Keighla. Hindi namin namalayang nakalabas na pala siya ng CR.

"Oh, my loves. Bakit nandito ka pa rin?" baling niya kay Kevin. Hindi naman sumagot ang huli ngunit sa halip ay tumayo ito at dinaanan lang ang kaibigan ko. Sinundan namin siya ng tingin only to find out na didiretso siya ng CR. Napailing na lang tuloy ako sa kawirduhan ni Kevin.

"Ano ba yan? Akala ko pa naman hinantay ako. Asa pa ako, eh. Ang feeler ko talaga," may panghihinayang na sabi niya.

Imbes na sabihin sa kaniyang mali ang iniisip niya ay hindi ko na lang isinatinig. Ayaw ko na lang pangunahan si Kevin na halata namang hindi pa rin makondisyon ang sarili sa mga posibilidad sa pagitan nila ng kaibigan ko.

Hindi na hinintay ni Keighla na lumabas si Kevin, matamlay siyang nagpaalam sa amin ni Steve at sa malamang ay dumiretso na sa kwarto ko. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na roon siya nag-stay.

"Nasaan siya?" tukoy ni Kevin kay Keighla pagkalabas niya sa CR. Nakibit-balikat naman ako at umalis na rin si Kevin nang hindi rin naman namin mabigay sa kaniya 'yung sagot sa tanong niya.

"Hay nako, mga tao talaga. Nasa harap mo na't lahat binabalewala pa," bigla namang litanya ni Steve at sinimulan nang pagpatu-patungin 'yung mga platong nasa mesa. Sininop niya 'yung mga kalat at isa-isang inilagay sa lababo 'yung mga hugasin. Syempre magkatulong kaming gumawa nun.

"Sus, makapagsalita ka naman parang ni minsan sa buhay mo hindi mo pinagdaanan 'yun ah."

"Ayun na nga, na-experience ko kaya ayaw ko nang makita pa sa ibang tao. Lalo na sa mga malalapit sa akin. Hindi kaya masaya sa pakiramdam na abot-kamay mo na nga pero hindi mo pa makuha," aniya at in-on na 'yung faucet. Malaya lang na dumaloy roon ang tubig at sinimulan na nga niyang banlawan ang mga hugasin. Iniaabot naman niya iyon sa akin para masabon ko.

"But at least you find your own way to make it this time," halos pabulong lang na sabi ko.

He turned off the faucet and lean his back to the kitchen sink. Bumuntong hininga muna siya bago humarap sa akin at inagaw ang sponge na hawak ko. Muli niyang binuksan ang gripo at inilapit doon ang kamay ko na hawak niya. Nang masigurong wala ng sabon ay mahigpit niya akong hinawakan at hinatak palapit sa kaniya. Yes, muli na naman akong nakakulong sa bisig niya. Naririnig ko 'yung magkasabay na pagrarambulan ng mga empleyado sa puso naming dalawa. Ang galing lang, kasi parang hindi nanggagaling sa dalawang tao 'yung tunog nun. Para siyang tempo na sinadya para pag-isahin.

"Sana pwede kong baguhin 'yung naging takbo ng oras noon ano? Kasi kung pwede, uutusan ko siyang ibalik 'yun para hindi ka nasaktan. Sorry talaga, Ali. Hindi ko alam na hahantong sa ganoon ang lahat. Hindi ko naman gusto na mag-suffer ka dahil lang sa nagpakain ako noon sa galit at selos ko," I can feel his tears flowing on my shoulders. Hindi ko na rin tuloy napigilan 'yung sarili ko na mapaiyak na rin.

"Please, don't feel so guilty. Hindi mo deserve na maramdaman 'yan kasi pareparehas lang naman tayong biktima ng pagkakataon," muling pakiusap niya sa akin. Alam kong alam niya 'yung guilt na bumabalot sa akin nitong mga nakalipas na araw. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit niya nasasabi ito ngayon.

"Tama ka, maaari ngang lahat tayo ay biktima ng pagkakataon but can't we at least make more memories this time? I mean, baka ito na nga 'yung tamang oras para makabawi naman tayo sa isa't-isa? Baka ito na 'yung chance para ituloy natin 'yung naudlot na kwentong dapat matagal na nating nasimulan."

Halos umabot ng kalahating minuto bago ma-absorb ni Steve 'yung gusto kong iparating sa kaniya. Hays, nakakainis naman 'tong isa na 'to.

"Y-you mean?" aniya at may kung anong pag-asa na nabuhay sa mga mata niya.

Tumango naman ako ng ubod tamis, "yes. Maybe this time, it's the right timing for us."

-

A/N: Short update for now. Anyway, I'd like to say thank you. Kasi nakaabot ka rito kahit pa ang tagal nang delay ng kwento na ito. I must admit, naisipan ko nang burahin ito noon pero may kung anong urge pa rin na ipagpatuloy ko. It took me not only a year but two or almost three to finally continue it, and congrats to myself 'cause finally I made it this time. Ngayon ko naiintindihan kung bakit ito 'yung title ng kwento, kasi lahat talaga ng bagay may sarili at tamang oras na nakalaan. Ito na marahil 'yung tamang oras para makita na rin ang ending ng story na ito. Ngayon ay super sure na talaga ako, matatapos ko na 'yung kwentong ito. Sana po ay patuloy n'yo pa ring basahin. Maraming salamat sa suporta. God bless! :)

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now