CHAPTER 23

32 12 4
                                    

Chapter 23

Three weeks na pa kami ni Tristan bukas .Nawawalan pa ako ng oras sakanya dahil sa mga trabaho ko .May mga raket din kase ako at pinagsasabay ko pa ang pagsusulat lo dahil may contract pa ako sa isang company books. Pumapatok pa rin naman lahat ng sinusulat ko.Natutuwa ako kapag nagbabasa ako ng iba't ibang feedbacks na binibigay nila.

Masaya na ako na natupad ko ang isang pangarap ko .Kahit hindi na ako makapagpatuloy mag -aral .

Agad naman ako tumakbo sa comfort room nang nararamadaman ko naman na nasusuka ako.Wala pa naman masyadong customer .Mabuti nalang .Ilang araw ko na talaga itong nararamdaman.Nagtataka na rin ako sa nangyayari sa akin.Lagi akong nahihilom,madali rin ako mapagod at kapag nakakaamoy ako ng pagkain na hindi ko gusto ang amoy nito madali akong mairita na mas lalong sumasakit ang ulo ko .

"Okay ka lang ba bakla ?"tanong ni Ivan na napahinto sa paghuhugas nya ng pinggan at napatingin sa akin .

"Oo okay lang ako nasusuka lang ako at nahihilo ng konti ," saad ko sakanya na tiningnan pang mabuti ang mukha na parang hindi kumbinsido sa sinasasabe ko .

"Hindi bakla namumutla ang ang mukha mo e baka kapag mas lalo mong pinilit ang sarili mo magtrabaho baka matumba ka nalang bigla ."

"May trabaho pa ako bakla ,okay lang talaga ako ."

"Paalam ka kaya kay sir." Umiling naman agad ako sakanya .Mainit ang ulo nun .Hindi talaga ako papayagan atsaka nakakatakot magpaalam doon parang lalapitan mo palang matatakot kana sa sobrang seryoso ng mukha nya .Kay gwapong lalaki napakasuplado naman .

"Huwag na bakla ,sige balik nalang ako sa labas ." Tumalikod na ako sakanya at hindi ko na sya hinintay magsalita sya .

Dumiretso agad ako sa counter na puno na ng mga order na ihahatid .Kinuha ko ang dalawang tray na ihahatid sa table 15 .Tinitiis ko nalang ang paghihilo ko dahil nararamdaman ko na naman .Sobrang nanghihilo talaga ako at itong hawak Kong tray na pagkain hindi ko naman nagugustuhan ang amoy nya .Mas lalong nadagdagan ang pagkahilo ko .

Muntik na akong matapilok sa hindi ko paglalakad ng maayos ,mabuti nalang naalalayan ako sa likod ni Ivan na nandito na naman pala at sinundan ako .

"Anong ginagawa mo rito baka mapagalitan kang bakla ka iniwan mo ang trabaho mo dahil sa akin ." Napapatingin ako kung lalabas ba si sir na makita sya rito sa labas na hindi naman dito ang trabaho nya ."

"Nagpaalam na ako sakanya bakla na pwedeng magpalit tayo dahil hindi ka okay .Nag - aalala kase ako sayo baka bigla ka nalang himatayin dito sa labas sa sobrang putla ng mukha mo ."

"Sure ka ba ?"

"Oo sure na na sure bakla." Kinuha naman nya sa akin ang tray at tinalikuran ako .

Pumasok nalang ako sa loob .Mabuti nalng nagmagandang loob sya sa akin dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit ng ulo ko .Ginawa ko naman ang trabaho nya na paghuhugas ng plato rito sa loob .Tatlo ang nakatoka rito na naghuhugas ng pinggan kaya hindi naman ako nahirapan nang inunawa nila ako sa nangyayari sa akin ngayon .Malapit naman ako sa lahat ng katrabaho ko rito dahil lahat sila friendly sa akin .

"Okay ka lang ba?Eris baka may nakain kang mali kaya ka nagkakaganyan ?"Naghugas ako ng mukha at lumapit sakanila .Bigla kase akong napatakbo sa banyo nang magsusuka na naman ako .Wala naman akong nasusuka pagdating ko doon para lang akong naduduwal.

"Hindi ko rin alam Jenny ." Si Tristan naman kasama ko lagi kumain sa labas kaya siguradong safe naman ang dinadalhan nya sa akin .

"Wala ka bang natatandaan ?" Umiling naman ako sakanya dahil wala talaga at hindi naman ako kumakain kung saan - saan .

 I fell Inlove with my co - writerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant