CHAPTER 12

40 15 2
                                    

CHAPTER 12

Ilang araw na namin ginagawa ang collaboration namin ni Keevan pinagsasabay namin minsan sa trabaho namin kahit ang hectic ng schedule namin.Talalagang pinagkakasya namin ang oras para matapos ito .Nakakalahati na namin ang nauumpisahan namin na nireleased na namin sa wattpad na marami naman ang nagbasa nito kahit ongoing palang .

Natutuwa kami sa mga feedbacks nila kaya kahit sobrang pagod namin sabay lang namin binabasa ang feedbacks ng mga mambabasa napapawi na lahat ng pagod namin .

Bukod sa trabaho at klase ko at dumagdag pa yun sobrang stressful talaga sa akin .Aakalain mo yun sobrang puyat ko na sa gabi dahil sa pag - aaral babangon pa ako ng maaga para makipagkita sakanya para gawin ang trabaho namin .Minsan kapag hindi na namin nakakayanan magkita email nalang ang ginagawa namin na natatapos ng bawat isa .

Mabuti nalang hindi na asungot si Tristan talaga pinapatay ko ang cellphone ko kapag magkasama kami ni Keevan dahil todo pangungulit sya sa akin wala kaming natatapos dahil nabubuwesit ako sakanya .

Nandito kami ni Keevan sa Streets foods inaya ko syang kumain dito na agad naman syang napangiti dahil miss na rin nya raw kumain ng streets food .Akala ko maarte sya pero kumakain pala nang kahit ano .Hindi sya yung nandidiri sa mga ganitong pagkain kahit malayo na ang narating nya . Naalala ko tuloy nang kumain kami dito ni Tristan halos pandirian nya ako habang kumakain ako pero kinain din naman pala .

Ang daming nakatingin sakanya habang kumakain kami sa gilid nang plaza .Sumandal kami sa statue habang kumakain .Marami rin ang nagpapicture sa amin na mabilis akong nahihiya dahil naninibago palang ako sa ganito kahit alam kong marami na rin ang nakakilala sa akin, dahil kalat araw - araw sa social media ang picture namin na magkasama .Trabaho lang naman kaya kami nagkikita pero iba na ang meaning nito sa mga fans namin .

Maraming tumutukso sa social media na parang may something daw sa amin natatawa nalang ako at kinikilig .Hindi sya nagrereklamo sa mga tumutukso sa amin .Minsan kase may mga bagay na pinupuntahan kami para feel na feel namin ang pagsulat sa ginagawa naming novel at sa aming dalawa ako lang yung nagbibigay lahat ng motibo sa kabaitan na pinapakita nya dahil alam ko may Girlfriend syang naiwan sa lugar nila .

Mabuti nalang hindi nagrereklamo talaga ang Girlfriend nya sa dami ng sweet picture namin sa social media dahil minsan kapag may nagpapapicture na mga fans namin talagang pinagdidikit kami masyado at gusto pa nila nakaakbay sa akin si Keevan kaya ako hiyang - hiya na pinagbibigyan nya ang mga fans nya .Matibay talaga ang tiwala nila sa isa't isa na hindi kayang sirain ninuman.

Minsan nakokonsensya ako dahil oo inaamin ko sa sarili ko na nilalandi ko si Keevan pero balewala yun sakanya . Siguro ang nasa isip nya kaibigan din lahat ng ginagawa ko sakanya dahil alam kong may Girlfriend sya na sinabe nya sa akin.

"Ang sarap talaga nito ,"aniya na tumango naman ako bilang sang - ayon sakanya .

"Natutuwa ako na nagustuhan nila ang novel na ginagawa natin tuwing gabi nagbabasa ako ng mga feed backs at talagang napapawi lahat ng pagod ko ,"sambit ko sakanya habang iniinom nya ang softdrinks nya .Kitang - kita ko ang pagbaba at pagtaas ng adams apple nya .Hindi ko talaga maiwasan mapatagal ang titig ko sakanya tuwing nginingitian nya ako sa ilang araw namin na magkasama lagi hindi pa rin ako nasasanay sa mga titig nya sa akin .

"Ako rin naman nakaka - overwhelmed kapag free ako nagbabasa rin ako ng mga feedbacks nila tuwing pagtakapos kong magstudy sa subject ko ."

"Uhmmm kamusta naman pala ang school mo ?"tanong ko sakanya kase syempre new environment na sya ngayon panibagong pag - aadjust naman sakanya .

"Okay naman marami na akong nagiging kaibigan kase approachable sila sa akin ,nakakatuwa na hindi ko nafefeel dun na sikat ko ."

"Ayaw mo bang may nakakakilala sayo ?haahhaah .Yung dudumugin ka ?hahahaha ."

 I fell Inlove with my co - writerWhere stories live. Discover now