CHAPTER 1

122 48 17
                                    

CHAPTER 1

Nakatambay ako sa bahay ng kaibigan kong si Keira nasa loob lang ako ng kwarto nya habang nagsusulat sa susunod kong kabanata na isusulat ko.

Sanay naman ang Nanay nyang lagi akong nandito dahil bata palang kami magkaibigan na kami, malapit din ang mga magulang namin kaya sanay na sanay na sila sa presensya ko dito araw-araw.

Hindi ko gustong tumambay sa bahay dahil laging away lang nila Mama at Papa ang naririnig ko. Mga gastusin sa bahay na hindi mabawas-bawasan, mga kapatid kong nag-aaral na walang pang tuition fee.

Huminto ako sa pag-aaral dahil hindi na kaya nila Mama paaralin ako ng kolehiyo kaya tambay nalang ako ngayon, umaasa na matatanggap ang ipapasa kong manuscript na natapos ko. Hanggang ngayon naniniwala ako sa sarili ko na magiging tanyag na manunulat din ako darating ang panahon. Kilalanin na magaling at hahangaan ng nakararami.

"Nagsusulat kana naman?" tanong sa akin ni Keira na tumango nalang ako at umupo sya sa kama nya.

"Balang araw magiging tanyag na manunulat din ako tandaan mo yan," saad ko sakanya na nagkibit-balikat nalang sya na parang naririndi na ilang ulit ko na sinabi sa kanya.

"Support nalang kita sa gusto mo," sagot nya nalang na napangiti naman ako. Ito ang gusto ko sakanya sya lagi ang nakasuporta sa mga gusto ko naniniwala sya sa lahat na may mararating ako kahit hindi ako nakapagpatuloy ng college.

"Kakain na tayo nakaluto na si Mama, huwag ka nang umangal dahil hindi rin papayag si Mama na hindi ka kumain."

Niligpit ko nalang ang mga gamit ko para sumunod sakanila sa hapag nahihiya man ako pero gutom din naman ako. Nilagay ko sa cabinet nya ang panulat at notebook ko.

Lumabas agad ako pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko naabutan ko silang naglalagay na ng mga gamit si Tita sa hapag. Nag- iisang anak si Keira kaya spoiled na spoiled sya sa Mama at Papa nya habang ako lima kaming magkakapatid panganay pa ako. Si Papa isang driver lang kaya nagkukulang ang gastusin namin sa bahay kaya wala akong nagawa kundi huminto sa pag-aaral.

"Kain kana, hija." Tumango naman ako kay Tita at sinimulan ko na kumuha ng makakain. Masarap magluto si Tita ng kaldereta na paborito kong luto nya.

"Kamusta ang Mama mo, Eris?" tanong nya habang kumakain kami.

"Ayos naman po, nasa bahay lang para mag-alaga sa mga kapatid ko," sagot ko sakanya at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.

"Hindi kana ba talaga magtutuloy sa pag-aaral?" tanong nya muli na pilit naman akong ngumiti. Mabait si Tita kapag kailangan ko ng mababayaran sa school noon at wala akong maipambayad inaako nya ito.

"Hindi na po ata, hindi po kaya ni Papa na sya lang may trabaho sa amin na pagsabay-sabayin kaming lahat mag-aral," sagot ko.

"Pasensya kana nanghihinayang lang ako sayo, Eris."

"Okay lang po yun baka next year makapagpatuloy ako," sagot ko nalang para huwag na sya mag-alala sa akin dahil baka mamaya pag-aralin ako sobrang nakakahiya kahit gustong- gusto ko hindi ko aabusuhin ang kabaitan ni Tita.

Nag-ayos ako ng kaunti sa mukha ko at nagpalit na rin ako sa pinahiram ni Keira sa akin na damit dahil magpapasama sya sa Mall. May bibilhin lang daw syang mga gamit na kailangan nya sa school.

Tinignan ko ang mukha ko maayos naman pulbo at liptint lang okay na. Samantala sya halos maging clown na sa make-up nya buti nalang maganda sya. Hindi ako mahilig magmake-up kahit anong pilit nya.

Bumibili pala ng mga project habang ako palibot-libot ang tingin dito City Mall na ito. Nahiwalay ako sakanya nagtungo ako sa Book Store itext ko nalang sya mamaya.

 I fell Inlove with my co - writerWhere stories live. Discover now