CHAPTER 7

52 23 4
                                    

CHAPTER 7

Kanina pa ako dito naghihintay sa labas ng school namin .Hinihintay ko ang pagsundo nya sa akin dahil iyan ang napag - usapan namin kahit gaano sya katagal hintayin ko sya .Umuwi na lahat ng kaklase ko halos ako lang ang natitirang nakatayo dito sa labas ng school namin .Giniginaw na din ako sa sobrang lamig .Sobra alas - dyes na magkakalahating oras na ako naghihintay dito ,wala akong dalang jacket kaya ginaw na ginaw ako sa sobrang lamig .

Umupo ako sa gilid ng kalsada habang naghihintay kay Tatay .Binuksan ko ang cellphone kong umaasang magtext syang nasa daan na sya .Wala nang dumadaan ,ako lang ang nakatayo sa gitna nang gabi dito sa labas ng school namin .Dati maaga naman dumadating si Tatay hindi ko lang alam anong nangyari sakanya ngayon .

Natanaw ko ang kotse na papalapit sa akin .Takot na takot akong gumilid nang pumara ito sa harapan ko .Nagulat ako nang lumabas dito mula si Tristan palapit sa akin .Teka paano nya nalaman na hindi pa ako nakakauwi .

"Anong ginagawa mo dito ?"tanong ko sakanya .

"Sinusundo ka ano pa ba ?"Naguguluhan naman akong tumingin sakanya e hindi ko naman sya tinext para sunduin .

"Hinihintay ko si papa ,"sagot ko sakanya dahil baka napadaan sya lang dito tapos nakita nya ako kaya sinusundo ako .

"Nadaanan ko ang papa mo nasiraan sya ,tinulungan ko pa sya hindi ko alam na sya ang papa mo hanggang sa sinabe nya na nag - aalala sya sa anak nya baka naghihintay na sakanya e lowbat pa naman daw sya kanina nya pa hindi matawagan .Nabanggit nya ang pangalan mo kaya sabe ko ikaw iyong tutor ng pamangkin ko ,ako nalang susundo sakanya para hindi sya mag - alala .Pumayag naman sya ."

"Ang haba ng paliwanag mo ,"reklamo ko sakanya na kinasimangot nya. Sumunod nalang ako sa kotse nya .Tahimik kami sa loob ng kotse walang nagsasalita napagod na siguro ito kakadaldal .Puro pang - aasar ito sa akin e. Patingin - tingin lang ako sa dinadaanan namin sarado na lahat ng tindahan .Wala na rin masyadong sasakyan madalang lang ang dumadaan .

Kamusta kaya si papa ?Hays sana nakauwi na sya .Nag - aalala ako sakanya kanina akala ko ano na ang nangyari sakanya kaya natagalan sya .Pumara kami ni Tristan sa Plaza mukhang may bibilhin pa sya kaya nagstay nalang ako habang nasa labas na sya .Kinatok nya ako sa bintana nagtataka naman akong tumingin sakanya ."Baket ?"tanong ko sakanya .

"Kakain muna tayo alam kong gutom kana ."

"Pero-"

"Sinabe ko na sa papa mo na papakainin muna kita bago ka iuwi ,"saad nya na napatango nalang ako at lumabas sa kotse nya .Marami palang nagtitinda dito ng ganitong oras .Medyo marami - rami rin ang tao .Sumunod ako sakanya umupo sya sa isang kainan na wala masyadong customer.

Umupo na rin ako sa upuan sa tabi nya,bale sa semento lang kami nakaupo sa gilid ng mga istatwa habang kumakain kami .Dito namin napagdesisyunan dalhin ang pagkain namin .Napansin nyang giniginaw ako habang kumakain kaya binigay nya ang suit nya sa akin.Tiningnan ko naman sya at ngumiti ako bilang nagpapasalamat . Pinagpatuloy ko ang pagkain ko dahil inaamin ko kanina pa ako nagugutom sa paghihintay ko.

"Kamusta ang school ?"tanong nya .

"Stressed unang linggo palang may terror na akong nakabangga mukhang ibabagsak ako kapag hindi ko masagot nang tama ,"saad mo nainis naman ako dahil sya namang kinatawa nya. Balik na naman sya sa pagiging baliw nya .

"Ano nga ang course mo ?"

"Journalism ."

"Uhmmm madami talagang terror dyan lalo na sa school natin mga mahilig mangbagsak ng estudyante ,minsan iyong kapag nalalamangan sila ng estudyante nila kaya mas lalo silang naiinis."

 I fell Inlove with my co - writerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon