CHAPTER 4

74 29 6
                                    

CHAPTER 4

Kinaladkad ko agad si Keira pagkakita ko sakanya sa labas ng school .Nauna na palang lumabas mukhang naghanap nang makakain dahil punong - puno ang mukha nya ng pagkain .

Umuwi ako nadatnan ko si mama nanonood ng telebisyon.Kumain muna ako dahil parang tapos na silang lahat kumain .Pumunta ako sa kusina para maghanda sa kakainin ko ,maliit nalang ang natira sa kanin.Isang isda lang ang natira tamang - tama sa akin. Nilapag ko na lahat sa lamesa ang mga pagkakainan ko .

Tahimik lang akong kumakain habang natatanaw ko si papa at mama parang may pinag - uusapan na importante .Mamaya ko nalang siguro sasabihin sakanya .Pupunta nalang ako sa kwarto nila kapag wala na si papa.Aalis din naman yan dahil magtatrabaho pa yan .

Kahit Driver lang si papa hindi ko kinakahiya yan.Sya yung hindi ko kayang harapin kapag galit parang hindi ko masabayan ang mata nya kapag galit sya sobra ang takot na nanalaytaytay sa akin .Mas gusto ko pang magalit si mama kaysa sakanya . Kapag nag - aaway sila tumatahimik nalang ako pumupunta kami sa labas ng mga kapatid ko para hindi na sila madamay .

Nagtungo agad ako sa kwarto upang magsulat ako nang naisip kong idudugtong ko ulit sa story ko .Hanggang ngayon wala pa ring response sa book publishing ang manuscript ko .Walang rejection naghihintay lang ako okay lang kapag nireject nila may next time pa naman.Try and try until you succeed ika nga nila.

Pero inayos ko na talaga yun ,sobrang ganda nang pagkakaedit ko .Dapat kase ganun para mamangha sila .

Naglinis ako sa kwarto ,niligpit ko lahat nang kalat ko .Mga napunit kong papel kapag nagkakamali ako .Sinigurado kong malinis ang kwarto ko bago ako pumunta kay mama para pahinga nalang pagkatapos namin mag - usap .

Kumatok ako sa kwarto nya at agad rin akong pumasok .Nagliligpit sya nang pinaglabhan nya .Umupo ako sa gilid at kunwaring interesado sa ginagawa nya .

"Baket ?"tanong nya sa akin na parang alam talaga kung baket ako nandito dahil may sasabihin ako .

"Uhmmm ma mag - aaral po ulit ako next month na ang first semester namin ,"saad ko sakanya na napalingon naman sya .

"Diba napag-usapan na natin yan Eris na hindi namin kaya ng papa mo pagsabay - sabayin kayo at ikaw college kana masyadong mahal marami pa tayong gastusin sa bahay dadagdag ka pa ."

"Uhmmm magwoworking student po ako atsaka hindi po ako nakahindi kay Tita Milda binayaran nya po yung paunang Tuition fee ko para makapag - aral ako at hati nalang daw kami sa tuition fee tuwing buwan para hindi ako mahirapan."Tiningnan naman nya akong parang hindi makapaniwala sa sinabe ko pero tumango lang ako sakanya .Tumayo sya para ilagay sa cabinet ang mga damit .

"Nakakahiya na masyado dyan kay Milda ang dami na nating utang sakanila ,"parang disappointed nyang sabe sa akin at napayuko nalang ako .Kahit din man ako nahihiya rin pero wala akong magagawa kung humindi ako baka mas lalong ikakasama nang loob nya .

Ilang araw din lumipas iyong nakakahiyang pangyayaring naganap sa akin sa school.Mukhang mayaman ang lalaki base palang sa suot nya .Mukha naman syang gwapo at pilyo pero kasalanan ko din naman baket nanakaw ang first kiss ko .Kay Keevan dapat yun e tapos mawawala lang dahil sa katangahan ko .Lampa na nga ako ,tanga pa .Siguro magiging schoolmate ko pa iyon sobrang nakakahiya dahil hindi ko man lang sya tinulungan tumayo ,iniwan ko agad sya dun nang hindi nakakabangon mula sa pagkabagsak namin .

Mag - iisang linggo ko na rin pinagtitiisan ang batang pasaway na tinuturuan ko.Akala ko may panakot na ako sakanya pero balewala dahil binawian nya ako sa mga gamit nya tinatapon nya kung saan - saan para mahirapan akong maghanap .Minsan muntik na ako mabilaukan nang itapon nya ito sa mukha habang kumakain ako .Kung hindi lang amo ko pa rin sya ibabato ko sakanya pabalik ang mga tinatapon nya sa akin nang magkabukol sya at maramdaman nya ang ginagawa nya sa akin.

 I fell Inlove with my co - writerМесто, где живут истории. Откройте их для себя