CHAPTER 13

41 15 1
                                    

Pagkatapos namin gawin ang trabaho ,nauna rin ako sakanila dahil may trabaho pa ako .Atsaka naaasiwa na ako sa mga lambingan nila kaya sinabe ko sakanila na mauuna na ako dahil may trabaho pa ako ,totoo naman iyon dahil mahuhuli na ako sa pagtutor ko kay Gyro pero okay lang naman ,kase napapadalas ang late na pag - uwi nya .Napapagala na sya this paased few days kaya naghihintay talaga ako sa kwarto nya hanggang dumating sya .

Dumating ako sakanila sobra alas - dose dahil nagkuwentuhan pa kaming tatlo kanina.Syempre parang ako na distorbo ata sa paglalambingan nila kapag tahimik ako inaaproach nila ako .Tulad nga nang sabi ni Keevan pagdating nang gumagawa kami ng novel hindi naman sya nakakaistorbo .Tahimik lang sya sa tabi namin habang nagsusulat kami ng mga naiisip namin .May mga suggestions kase kaming pinapahayag para maging maganda ang resulta nito .

Pumasok agad ako sa bahay at nadatnan kong nagluluto si manang na parang may darating na bisita . Nadaanan ko naman si Tristan na nanonood ng NBA na nilampasan ko lang at nagtungo na ako sa kwarto ni Gyro para doon nalang sya hintayin.Nilinis ko ang kalat nyang sobrang gulo na naman na hindi na nakakayanan linisin nila manang dahil sa sobrang daming trabaho nila .

Sobrang pabaya kase ni Gyro sa mga gamit nya ,kung saan - saan nya nilalagay kaya ako na ang nag - aayos nito para sakanya kapag wala akong ginagawa .

Umupo ako sa tabi ng kama para magpahinga .Maya - maya bumukas ang kwarto na tumambad rito ang dalawang pasaway .Talagang sabay pa silang papasok .At itong Tristan na ito kahit wala namang ginagawa rito sumusunod pa .Wala naman syang gagawin dito kundi manggulo at mang - asar sa akin ng walang katapusan .

Nagpapahinga si Gyro at sinimulan ko nang buklatin ang mga books nya .Nandun na naman ang mga magulo nyang bag na parang basurahan.Naging busy lang ako ganito na naman ang bag nya .

Pinaliwanag ko sakanya ang mga dapat nyang gawin dahil nalalapit na rin ang exam nila na nabanggit nya sa akin .

Nasabe rin nya na umaangat sya sa klase ,natutuwa naman ako dahil gumana naman ang pagtuturo ko sakanya .Bukod sa nabawasan ko ang pagiging pasaway nya na huwag nyang dalhin sa school ay umaangat pa sya sa klase .

Tinaliman ko naman sya ng mata nang nakikita kong unti - unti nyang kinukuha ang Ipad nya .Nabiwatan naman nya ito ,nangungunsinti pa si Tristan imbes na tulungan nya ako pasakit ulo lang sya dito .

Kumuha ako ng meryenda namin pagkatapos kong ipaliwanag sakanya lahat ang kailangan gawin nya .Naabutan ko pa rin sila manang na aligaga sa pagluluto na parang may darating .

"Ano pong meron manang ?"tanong ko sakanya na binalingan naman nya ako ng tingin .

"Dadating si sir iha ."

"Iyong daddy po ni Gyro ?"pagpapakumpirma ko sakanya dahil minsan lang iyon umuwi .Ang madalas lang umuwi dito sa bahay ang ate nya na puro gala at gabi - gabi lang umuuwi .

"Oo iha sila ni ma'am dito daw sila kakain kaya naghahanda kami ,"saad nya na tumango nalang ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng cookies .Sanay naman sya sa mga gawain kong mga ganito kaya hindi na nya ako sinisita .

Maliit lang ang kinuha at kumuha na rin ako ng tatlong basong juice para sa aming tatlo .

Pumasok ako at nadatnan kong naglalaro si Tristan na nadidisctract si Gyro dahil sa lakas ng sounds effect nito .Sinaway ko naman ito pero hindi ako pinakinggan kaya sinapak ko ito na kinainis nya .

Maglalaro na nga lang hindi pa sa labas ,hindi iyong dito sya nag - iingay .Ang saket sa mata ng tunog nang nilalaro nya .

"Hindi ka ba nagsasawa manggulo ha ?"inis kong saad sakanya dahil akala ko tatahimik na sya pero umidlip lang ako nangangalabit na naman sya .

 I fell Inlove with my co - writerWhere stories live. Discover now