Written In The Stars

123 7 0
                                    







********************







Aurora Isabelle Alonzo







Hindi pa kami nag sisimulang kumilos problema na kaagad ang dumating saamin, para akong sinasaksak ng paulit-ulit ng makitang umiiyak sina Theo at Thea habang pinipilit na abutin ang ama nilang hindi naman sila nakikilala pa. Ni hindi ako tinitingnan ng mga anak ko sa mata dahil pakiramdam nila ay inilalayo ko lamang sila sa kaniya ngunit wala silang alam kung gaano ko inaasam na makita silang kasama ang ama nila.






Buong mag hapong umiyak ang mag kapatid at kapwa nag kulong sa kwarto nila, hindi nila binubuksan ang pintuan kahit na si Gabby ang kumakatok doon. Nadudurog ang puso ko habang pinakikinggan ang mga hikbi nila, walang tigil sa pag sigaw at pag tawag sa tatay nilang baka naka alis na. Ano namang alam ni Thor? Hindi niya naman kilala ang mga sarili niyang anak at ang mas masakit pa napag alaman kong may asawa pala siya dito base sa balitang galing kay ate Trinity na kaka uwi lang, sumama pala siya sa mga volunteers na nag bibigay ng libreng gupit at sakto namang nandoon si Thor at naikwento niya ito ng aksidente sa sarili niyang kapatid.





Mayroon siyang anak na lalaki dito, at kasama niya ang babae sa iisang bubong. Matagal na silang mag asawa, higit dalawang taon na at hindi ko magawang tanggapin ang bagay na iyon. Ako ang pinangakuan pero sa iba siya napunta? Bakit napaka daya ng tadhana!? Ang layo layo na ng narating ko! Lahat na ng bagay ginawa ko!! Ano pa bang kulang!? Ano pa bang dapat kong ibigay!?? Apat na taon na akong nag hihintay, tapos eto ang madadatnan ko? Masaya na siya kasama ng iba?







Ayokong tanggapin, hindi ko kaya at paniguradong hindi matatanggap ng mga anak niya kapag nakarating sa kanila ang balitang maaaring hindi na bumalik ang ama nila saamin. Nakakapang hina ng loob, at sobrang sakit ng naidudulot nito saakin, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil unti unti ng namamatay ang bagay na pinang hahawakan ko. Kung hindi na niya ako naalala ay maaaring nawala na rin ang pag mamahal na nararamdaman niya para saakin.






Parang biglang naging baliwala lahat ng pinag samahan namin dahil lang sa nalaman ko, ang istoryang isinulat at inukit sa bituin ay tila nabalutan ng mga maiitim na ulap kaya unti-unti na itong nag lalaho mula sa kalangitan. Mas doble pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil pati ang mga anak ko ay nadadamay na at pakiramdam nila na inilalayo ko lang pala sila sa tatay nila kahit hindi iyon ang totoo, araw araw kong hinihiling na sana makasama ko na si Thor para maging masaya na kami muli pero imposible na ata iyon ngayon dahil may bago na siyang pamilya.







Kasalukuyan naming kinakatok ni Gabby at ate Trinity ang pintuan ng kambal ngunit tanging pag iyak lamang nilang dalawa ang naririnig namin, ayaw nila itong buksan at paulit ulit nilang sinasabing ayaw na nila saakin. "Theo! Thea! Please open the door for mommy! I will explain! Just open this door!". Pag mamakaaaa ko sa kanila. Hindi sila sumasagot saakin at ipinag papatuloy lamang ang pag iyak, kahit naman mag paliwanag ako wala rin namang silbi iyon dahil walang alaala ang tatay nila.







"Theo? Thea? This is ninang Gabby, mommy is gone now. Can you guys open the door for me?". Malumanay na tanong ni Gabby sa kanilang dalawa. Nag punta muna ako sa gilid para makapag tago at hindi nila ako makita, hanggang dito sa pwesto ko ay rinig ang mga iyak nila kaya hindi ko maiwasang maluha ngunit hindi ako makapag ingay kaya tinakpan ko ang bibig ko.









Lumabas ang kambal at yumakap sa ninang nila, hindi na muna kami lumapit ni ate Trinity at sandaling lumabas papunta sa balkonahe at pinabayaang kausapin ni Gabby ang mga anak ko. Pag dating namin doon ay agad kong inilabas lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko ngayon, napaluhod ako sa sarili kong mga paa dahil sa sobrang pang hihina. Hindi ko inaasahang biglaan siyang mag papakita ng ganon nalang matapos ang apat na taon, sakit mula sa pinag sama-samang pangungulila, lungkot, pighati at pananabik ang nararamdaman ko ng paulit ulit at parang hindi ko na ito kakayanin pa.








Before The Lightning Strucks (KOV #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang