Untold Truth 2.2

154 11 25
                                    





Continuation of untold truth




***************




Aurora Isabelle Alonzo




Hindi ko inalis ang mga titig ko sa kaniya habang siya'y abala sa panood ng palubog na araw. The stars, the moon, the infinite galaxies but there is still no one quite as magical as you.




Staring at him makes me wonder if I deserve him, what did I do to deserve such perfect man? Since I fell in love with him I no longer have my heart in my chest, I have him.




Maya maya pa napansin kong pinanood pala kami ng mga nag plano nito. "I planned this for us but I couldn't accomplished it alone so I asked for their help, hindi talaga sila dinukot. Pinag mukha lang namin na ganon para may kasama ka". Natatawa pa siya habang nag papaliwanag saakin. I'm happy but at the same time I want to gauge his ocean eyes because of what he did.



"I appreciate this Thor but next time don't plan something ridiculous, that kidnapping part? I could've died back then! Paano kung totoong may bala yung baril na hawak nila?". I asked. He chuckled. "They're using a plastic gun Dawn, hindi totoong baril ang dala dala nila. That's a replica". He further explained. What the hell? Nag mukha akong tanga non!



Nang mag hapunan ay sina kuya Reidly at kuya Primo ang waiter namin, halos mapunit ang labi ko sa kakatawa ng makita ang reaksyon ni kuya Primo na tila gusto ng balatan Si Thor ng buhay. Mabuti na lamang at naawat siya ni kuya Reidly at umalis rin sila kaagad pag tapos ilapag ang pag kain namin.



Masaya kaming kumain ng hapunan habang sina ate Trinity ang bantay dahil hindi raw na inform si kuya Primo na eto pala talaga ang plano niya. May takot silang lahat kay ate Trinity kaya para silang mga tutang maamo dahil siya ang bantay namin ngayon.



On the other hand buong mag hapong hindi nag paramdam ang mga nagse senti mode at kapwa parehas nag kulong sa kani kanilang mga kwarto. Dinalahan na lamang nila ng pag kain sina Eros at Psyche dahil talagang desidedo silang hindi lumabas at kumain, gutom silang parehas kaya ilang minuto lamang ang lumipas ay wala ng pag kain at plato na lamang ang nasa labas.


Pag tapos naming mag hapunan ay nag usap usap muna kaming dalawa tungkol sa mga bagay bagay lalo na kung papaano nila plinano ang event na ito ng hindi ko man lang nahahalata. "I already thought about this while I was still confine in the hospital, I was asking Eros and West about this". Panimula niyang kwento saakin, nakikinig lamang ako sa kwento niya habang umiinom ng wine.



"West suggested this then North suddenly planned about the dramatic kidnapping and I though he wouldn't do it but he even asked Reidly to help him and unfortunately Reidly helped his cousin". He added. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya, ang bwesit na hilaga na iyon ang may pakana ng kidnap kidnap na iyan kaya makakatikim siya saakin ng mga ilang hampas pa gamit ang bamboo stick ni master Trinity.


Maya maya pa ay lumabas si Jared mula sa likuran ng pintuan ay may dala dalang violin, he's wearing a freaking waiter outfit like kuya Primo and kuya Reidly. He started playing the instrument and he's great at it! Wow! Hindi nga ako masyado marunong mag violin kahit nag take ako ng lessons para diyan.



Inilahad ni Thor ang palad niya saakin. "May I have this dance?". He asked. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya atsaka inabot ang palad ko, this feels nostalgic. I remember us being like this when I celebrated my debut, he's wearing the same tux he wore and I was still with my pink gown.



We danced under the moon, we danced like we've never danced before. I can do this forever, I wish to stay like this with him always. I wish to be so happy with him that one day, him and I will be nothing more, nothing else than a heart. Our heart. I fell in love with the starts and the moon and the guy with the most beautiful ocean eyes in the world.



Pag tapos naming mag sayaw ay sandali siyang umalis at may kinuha, ilang minuto lamang ang lumipas at bumalik siya na may dalang strawberry cheesecake. I remembered that we loved the same flavor, kaya he's probably happy too. "Humanda ka saakin Thor! Kaya pala pati ang paborito niyang cake tinanong mo!". Sigaw ni kuya Primo mula sa loob, sinamaan lamang siya ng tingin ni ate Trinity kaya kumaripas siya ng takbo paalis dahil sa takot na mahambalos ng bamboo stick.



"Happy 3rd month Dawn, I love you". He sweetly greeted. I smiled with a teary eyes. "Hap..py.. 3rd... Month Thor". I stuttered. Inilapag niya ang cake at lumapit saakin. "Don't cry Dawn, you deserve this because I love you". He softly utter. I tried to stop my tears and smiled at him. "Sorry, ayaw nilang tumigil minsan, I'm just happy that's all". I explained. Kumuha siya ng maliit na tissue at dahan dahang pinunasan ang luha ko para hindi kumalat ang mascara.



Kumuha lamang kami ng kakainin namin at binigyan rin sina kuya Primo dahil kanina pa sila nangungulit lalo na si hilaga. Nagulat kami ni Thor dahil nasa puno pala si kuya Reidly at abalang kinukuhanan kami ng mga litrato at he's great cause he did capture the most wonderful moments of our lives.



Hindi rin nag tagal at nakisali rin sila saamin mag celebrate ni Thor. We spend this whole evening under the brightest moon, they even forced Eros and Psyche to join us so we can all take a picture together, mabuti nalang hindi sila nakipag talo at sandaling nakisama saamin ngunit pag tapos non ay muli silang nag kulong sa kani kanilang kwarto.



Madaling araw na kaming napag pahinga ng araw na iyon, isang linggo kaming nanatili rito sa penthouse ni West. I was worried about our studies then they informed me that Psyche was the owner of St. Valentine so I have nothing to worry about dahil naka excuse kaming lahat. Isang buong linggo na puro lamang sila ang kasama ko, and I'd say we made another happy memories together, although the two aren't on good terms but still that didn't stop us from being happy. Paminsan ay nag uusap na rin sila ngunit malimit lamang at sandali kaya hindi namin sila pinapansin kapag sila ang mag kausap.



Ang pag sikat ng araw ay tanda at nag papaalala saamin na panibagong araw ang lalagpasan naming mag kasama at sabay naming panonoorin ang pag lubog nito.




The day I met Thor, I began to forget how to live a life without him and at the end of the day this is my wish: to love him with all my stars and dreams.








************** end of untold truth***************











Before The Lightning Strucks (KOV #1)Where stories live. Discover now