Lights 2.2

396 24 30
                                    





***************




Isaac Alonzo





Nang makarating kami sa mall ay agad akong nag madali na pumunta sa parking kung saan nandon si Dra. Nora na nag hahantay saamin.

"Sya na ba ang anak mo?". Bungad na tanong niya saakin.

Tumango lamang ako at sumakay na. Tinted na kotse ang aming ginamit dahil baka may makakita saamin ng anak ko. At kapag nalaman ni Adrianna ang ginawa ko sa malamang ay magagalit iyon saakin, hindi ko man siya masisi pero alam kong mali na hindi ako nag paalam sa kaniya. Ngunit kung di ako gagawa ng paraan ay hindi aayos ang lagay ni Dawn.

Ako ang kausap ng mga doctor ni Dawn at dahil kapwa ko doctor ako ang mas higit na makakaintindi sa kaniya, at alam kong permanente ang sakit ng anak ko. Hindi ko kakayaning habang buhay siyang magiging ganon kaya ginawa ko ang alam kong baka maka tulong sa kaniya.

Nakarating kami sa parking na laboratoryo, ay agad kaming bumaba sa sasakyan at dumiretso sa loob. Ang aking anak naman ay gising at mukhang alam na hindi mall ang pinuntahan namin.

"Da..da.. Whe..re a..re we..?". Putol putol nitong tanong saakin.

"Nasa hospital tayo anak para maging maayos ka na". Ngumiti ako sa kanya.

Pag akyat namin ay nandon na sina Dr. Pablo At Dr. Manuel, nakahanda na rin lahat ng aming gagamitin. Ngunit natigil sila ng makita ako at ang suot ko, mga naka kunot noo at tila nagtataka dahil saaking suot.

"Bakit naman ganyan ang suot mo Isaac? Para kang binata". Natatawang wika ni Dr. Pablo.

"Mukhang hindi ka nag asawa Isaac, mukha ka pa ring binara". Pagbibiro naman ni Dr. Manuel saakin.

"Mag simula na tayo ng maaga para hindi tayo abutan ng hapon o gabi, baka mag duda sa iyo si Adrianna". Pag putol naman saamin ni Dra. Nora kaya natahimik kami at natigil sa pag tawa.

Ang proyektong ito ay tinawag naming "Project X" dahil siya ang unang pasyente na may ganitong sakit, at sa kaniya rin unang susubukan ang mga gamot. Buong puso akong nag dasal sa panginoon para sa anak ko, hiniling ko na sana umepekto ng maayos ang gamot na ginawa naming lahat.

Kung hindi ay tiyak na hinding hindi na ako mapapatawad ni Adrianna at hindi ko rin mapapatawad ang aking sarili.

Pinabihisan ko si Dawn kay Dra. Nora para masimulan na ang aming gagawin, pagtapos ay hiniga na siya sa isang hospital bed, nag ayos na rin sina Dr. Manuel at Pablo.

"Operation project X, begins". Seryosong sabi ni Dr. Manuel.

Tumango kaming lahat at nag simula na. Nasa monitor at computer si Dra. Nora para imonitor ang buong katawan ni Dawn. Samantalang naka stand by naman si Dr. Pablo at malapit sa kaniya ang gamot pang pa wala ng bisa kung sakaling hindi maganda ang epekto, kami naman ni Dr. Manuel ay nandito at sinisimulan na ang pag turok ng serum kay Dawn.

Dalawang klase ng serum iyon, ang una ay para sa mga virus na dala ng autoimmune at ang isa nama'y para bumalik sa dati ang mga white blood cells at hindi na atakihin ang sariling sistema nito.

Hindi namin pinatulog si Dawn para makita kung may epekto ba ito sa kanya o wala.

Nang matapos kaming iturok ang gamot kay Dawn. Wala naman syang reaksyon kaya naman tinanong ko sya.

"Ayos ka lang ba anak?". Pag aalala kong tanong.

Masaya itong tumango saakin at mukhang epektibo ang gamot sa kanya.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Where stories live. Discover now