Blue Eyed Knight

257 18 30
                                    



*********



Thorin Odelle Alvarez


Naihatid ko na ng maayos si Dawn sa kanilang mansyon tulad ng bilin saakin ni Primo at Avi, and I can't believe that I just drive her home. Pwede na ako kunin ni- I mean hindi pala pwede.

Dumiretso na ako sa bar kung nasaan sina West kahit labag sa kalooban kong mag punta don.

Wala namang celebration ngayon pero dahil gustong mag bar ni Eros kase feeling niya daw ay nilalagnat siya kapag di siya nangbababae. Hayst Eros magbago ka na at gumaya ka sakin.

Nakarating ako sa bar at nag park kaagad. Pagpasok ko sa loob ng private room ay nandon sila at ang mga iba pa naming kaibigan.

"Thorin!! Kapatid! Dito!". Pag tawag saakin ni Jared na mukhang nag eenjoy.

Kumuha ako ng alak at nag simula na ring uminom, kaunti lamang ang iinumin ko dahil may pasok at hindi ako pupwedeng umuwing lasing.

Maraming nakapalibot na babae kay Eros habang si West naman ay mukhang wala nanaman sa wisyo at tahimik na nag iinom, si Jared naman kumakanta ang gago.

Tumabi na lamang ako kay West para magkasama kaming mag senti mode sa isang tabi. Kawawa naman ang hopeless romantic kong kaibigan.

"West? Problema mo?". Tanong ko sa kaniya sabay uminom ulit.

Napabuntong hininga ang kaibigan ko bago siya sumagot saakin "Si Psyche kase sa St. Valentine na rin papasok ulit, at ako ang magbabantay sa kaniya". Kumunot noo ko sa sinabi niya, akala ko malaki ang problema nito dahil biyernes santo ang itsura.

"Eh diba sa St. Valentine naman talaga nag aaral si Psyche? Ano naman problema kung babalik siya?". Kunot noo kong tanong.

"Tol, si North nga di ko binabantayan eh siya pa kaya?". Walang ganang tugon ni West sa sinabi ko.

"Isa pa, wala akong oras mag bantay sa pinsan kong maarte". Dagdag niya pa.

"Pabayaan mo nalang West, isa pa utos yon ni tito. As if naman mananalo ka sa kaniya diba?". Tinapik ko ang balikat niya at nagpa tuloy sa pag inom.

Maya maya pa ay naging ayos na rin si West at nakikisali na sa kulitan ni Jared, habang ako ay nanood lamang.

Biglang may kumatok saamin at binuksan ang pinto, mga waiter ng bar.

"Sir? Kasama niyo daw po ba si Ms. Alejandro?". Tanong nung waiter saamin.

Pasaway sayaw pa si Jared at sinagot ang waiter "Oo! Kaibigan namin yan!". Masayang tugon ng gago.

Pumasok na sa loob si Camilla at mukhang ako nanaman ang hanap niya.

"Thor! Babe! Nandito ka rin!". Akma niya akong hahalikan kaya umiwas ako at lumayo ng kaunti kaya nag taas siya ng kilay saakin.

"What's happening to you? You've been avoiding me! Hmp!". Maarte niyang wika.

Umiling ako sa sinabi niya at hindi na tama ang mga kinikilos niya nitong mga nakaraang buwan, hindi ko siya iniintindi dahil akala ko biro lamang iyon at hindi seryoso pero sumusobra na ang mga kilos at hindi na iyon maganda. Ipinagkakalat na niya na magkarelasyon kami, buti na lamang ay walang naniniwala sa kaniya.

"Thor! Answer me! Anong nangyayari!?". Dagdag niya pa at mukhang naiinis na siya.

"Stop shouting Camilla, stop acting like you're my girlfriend cause you're not so please stop this game of yours. It's not funny anymore". Kalmado kong wika.

Before The Lightning Strucks (KOV #1)Where stories live. Discover now