Odyssey

209 13 26
                                    






***************





Aurora Isabelle Alonzo




Tapos na ang masasayang araw namin sa penthouse ni West, naka balik na kami sa realidad kung saan dapat kaming mag seryoso lalo na't meron kaming pag subok na dapat harapin. Isang linggo na muli ang nakalipas at bumalik na kami sa kani kaniyang normal na gawain, nag sisimula na kami mag ensayo para sa darating na misyon namin.


Meron kaming anim na buwan na buwan para mag sanay, sa loob ng anim na buwan ay dapat kaming matuto at maging matatag dahil hindi biro at delekado ang gagawin namin. Walang kaalam alam sina Psyche, Al at Cece kaya ang palusot nina West at Jared ay ang walang kamatayang business trips, mabuti na lamang at hindi naman sila nag dududa kaya ganon lamang ang ipinapalusot nila.

Kasama ko sana si Thor sa pag sasanay ngunit hindi kami natatapos dahil puro siya landi at biro kaya pinag hiwalay kaming dalawa at isinama ako sa grupo ng mga babaeng kasama namin, si Abigail, Nikka at ate Trinity ang kasama kong mag sanay para makapag focus ako ng maayos.

"Remember, sindikato ang kalaban. Kapag nahuli ang isa sainyo ay paniguradong hindi maganda ang kakalabasan non kaya matuto kayong maging pusong bato dahil sarili niyo lang ang makakapag ligtas sainyo". Seryosong wika ni Vice commander code XIV. She still looked the same after three years, wala man lang siyang pinag bago at tila hindi man lang tumanda ng kahit isang taon. 


"Tuturuan ko kayo kung papaano mag distinguish ng ilusyon dahil ang sindikatong ito ay gumagamit rin ng mga ilusyon para sa pa sarili nilang pakay". Dagdag niya pa, kasalukuyan kaming nanood kung papaano ginagamit ang mga ilusyon. Mukhang totoo ang mga iyon kung titingnan sa malayo ngunit kapag nilapitan mo ay projector lamang pala iyon.


Ipinaliwanag rin saamin kung ano talaga ang misyon namin doon, dapat lang kaming mag imbistiga at hindi dapat kami naka engkwentro sa mga sindikato dahil paniguradong hindi maganda ang kalalabasan non. Alam ko na hindi biro ang pinasok kong mundo, ang tanggapin ang ganitong klase ng buhay ay para ko na ring inilagay ang isang paa ko sa hukay, na anu mang oras ay maaaring may mang yari saakin. Lahat kami ay may takot at kabang nararamdaman saaming mga dibdib ngunit kung hindi naman ito mapipigilan ay maaraming mas marami ang madadamay.



Nag sisimula ng kumilos ang mga sindikato at parami na ng parami ang mga taong dinudukot nila para gawing mga zombie, napag alaman rin namin na may inilalagay sila na parang maliit na device sa mga leeg ng tao kaya naman lalong hindi sila naka kapag isip ng tama. Kinocontrol ng device na iyon ang utak ng tao at iyon ang nagiging dahilan kung bakit sila lalong nawawala sa mga kanilang sarili, ganon ang nangyari kay manong Julio na sa ngayo'y hindi pa naman nag sisimulang mag hanap ng dugo at laman loob ng mga tao.



Sinusubukan gumawa nila dad at kuya Primo ng gamot para ligtas na matanggal ang epekto ng virus at ang maliit na chip sa leeg nila para muli silang maka balik sa mga dati nilang kalagayan ngunit mukhang matatagalan raw ang pag gawa non dahil hindi biro ang virus at ang lugar na pinag lalagyan ng maliit na device. Pupwedeng mag karoon ng masamang epekto kung magkakamali ng paraan sa pag tanggal ng chip device sa mga leeg nila, maaari silang ma paralyse o mamatay kung hindi matatanggal ng maayos.


Sa ngayon ay nasa isang libo pa lamang ang nawawala, mula sa iba't ibang bansa ang mga taong kinukuha nila. Dalawang daan ang nawawala sa China, isang daan sa Cambodia, singkwenta sa Pilipinas, at ang iba nama'y mula sa bansang America ngunit iba iba rin ang pinag mulan nila. Marami na ang taong nawawala at bumabalik sila ngunit mga zombie na at nag ka kalat ng virus sa iba't ibang panig ng mundo, halos pati ang Europe continent ay apektado na rin dahil meron silang halos limang daang kaso ng ZV95. Wala pang gamot ang virus na ito kaya naman paniguradong tataas pa ang kaso nito at maaraming mag karoon ng tinatawag na 'Zombie apocalypse' kung hindi maagapan. Kontrolado ang mga zombie na ito dahil sa mga device nila sa leeg, ang mga nahawaan ng sakit ay automation susunod sa mga kapwa nila kaya mas lalong delekado kung dadami pa ang maapektuhan.


Before The Lightning Strucks (KOV #1)Where stories live. Discover now