Lovers

197 12 24
                                    





*****************



Aurora Isabelle Alonzo



Ngayon ang huling araw namin sa penthouse ni West, isang buong linggo kaming magka kasama sa iisang bubong at dahil sa parusang ipinataw ni ate Trinity sa kanilang lahat na mga lalaki ay sila ang kumilos at gumawa lahat ng gawaing bahay sa loob ng isang buong linggo at sa tuwing mag rereklamo sila ay latay ang inaabot nila.



Hindi pala napansin ni West ang nasira kong kama at nakita niya lamang iyon ng pabalik na kami sa mansyon. "Dawn? Bakit mo naman sinira ang pinaka mamahal kong kama?". Tanong niya saakin. Natawa ako sa kaniya. "Eh bakit niyo kase ako pinosasan sa paa? Hindi naman din ako makakatakas dahil naka sarado ang pintuan at hindi ako pamilyar sa lugar na to". Paliwanag ko sa kaniya. Bahagyang kumunot ang noo niya saakin habang ako naman abala lamang sa pag tawa dahil para siyang nalugi. "Si North nga ang may kasalanan non!". Pasigaw niyang wika saakin, binatukan siya ni Thor kaya napakamot siya. "Wag mong sigawan si Dawn". Seryosong wika ni Thor sa kaniya. Kahit sina Cece ay natawa rin kaya si West nakakunot ang noo saamin.



Lumapit saamin si ate Trinity na may dalang bamboo stick kaya nagtakbuhan silang lahat sa likuran. "Kumain muna tayong lahat bago tayo mag byahe, kami na ng mga babae ang mag luluto". Wika ni ate Trinity saaming lahat, they all sighed relieved at isa isang bumalik sa mga upuan nila. Nang maka balik sila ay saka sila hinampas ni ate Trinity isa isa. "Aray para saan iyon? Akala ko ba kayo na mag luluto!?". Pasigaw na tanong ni Thor sa ate niya, tinawanan lamang siya ng ate niya. "Huling palo na yan promise". She teased. Lahat sila naka hawak sa mga braso at binti nilang tinamaan ng mahiwagang patpat ni ate Trinity.



"Ang brutal talaga ni Trinity kaya hindi nagkaka boyfriend eh". Pabulong na wika ni North, huling humarap sa kanila si ate Trinity na lalakad na sana paalis. Yari ka ngayon Hilaga, ikamusta mo nalang kami kay bathala. "Anong sinabi mo North? Ulitin mo nga". She spoke in a creepy tone. "AHHHHHH REIDLY ITAGO MO KO KAY KAMATAYAN!! TULONG!". Hindi pa lubos na nakakalapit si ate Trinity sa kaniya ay nagsi sisigaw na siya na parang akala mo hinahabol talaga siya ng totoong kamatayan. Naka tago si Hilaga sa likod ni kuya Reidly habang ang kapwa niya mga kutong lupa ay halos maiyak at mapunit na ang mga labi sa kakatawa.



"Tumabi ka diyan Reidly kung ayaw mong ikaw ang latayan ko". Seryosong wika ni ate Trinity sa kaniya, tumayo ng maayos si kuya Reidly at tinitigan ang mga mata ni ate Trinity. Oh my god! I just saw her blushed! Namumula siya!!! Is she kinikilig o nagagalit? Or both? Bagay sila oh my god!



"Eh? Maganda kaya si Trinity, wag ka ngang ganiyan North ikaw nga walang girlfriend eh". Depensa ni kuya Reidly, lalong namula so ate Trinity at sa isang iglap ay parehas ng may latay ang mag pinsan. "Gago ka talaga North pati tuloy ako nilatayan ng babes ko". Pabulong na wika ni kuya Reidly. Tama ba ang narinig ko? Tinawang niyang babes si ate Trinity!? Holy shit! Kinikilig ako!



"Dawn tara na baka tayo naman ang latayan ni Trinity". Pag anyaya saakin ni Cece kaya sumunod na ako sa kanilang lahat kahit si Al ay sumunod saamin ng tahimik. Nang makarating kami sa kusina ay napansin kong namumula pa rin si ate Trinity, kumuha siya ng isang buong pitcher ay diretsong tumungga mula roon, bahagyang natawa si Psyche at Avi sa kaniya. "Luh si Trinity kinikilig kay Reidly". Natatawang wika ni Avi sa kaniya. Naibuga ni ate Trinity ang iniinom niyang tubig at inubo dahil sa sinabi niya.



"Si..nong? Kini....kilig? Ako?? Uma..sa ka!". She stuttered. Nagtawanan kami dahil sa reaksyon niya. She's scary but she's not a good liar, paniguradong buong buhay niya ay hindi pa siya nag sisinungaling kaya hindi siya makapag sinungaling ngayon.



Before The Lightning Strucks (KOV #1)Where stories live. Discover now