Wishing Well

110 7 1
                                    










*********************









Aurora Isabelle Alonzo







Isang linggo na ang nakakalipas mula ng mapag usapan namin ni Polaris ang tungkol sa natuklasan niya ang kinaroroonan ni Thorin, tatlong bayan lamang ang pagitan namin mula dito sa bayan ng San Nicolas. Gumamit siya ng ibang pangalan at ibang identification card kaya siya nakalusot sa mga pinag babantay ko, walang nakaka kilala sa kaniya kung saan siya nanatili at iyon ang dahilan kung bakit mas mahirap siyang hanapin.







Binigyan ako ni Polaris ng isa pang linggong palugid, pag tapos ng pitong araw ay dapat nakapag pasya na ako kung pupuntahan ko siya roon o mag hahantay na lamang kami na bumalik siya. Si Gabby ang pamilyar sa lugar na iyon kaya naman nauna siyang mag punta sa nasabing lugar at napag alamang walang alala si Thor katulad ni Eros ng bumalik siya, may isa pa siyang bagay na hindi sinabi saakin at kung babalakin ko raw na puntahan siya ay dapat handa ako sa malalaman ko.








Hindi ko alam kung ano ang bagay na iyon pero siguradong hindi raw ako maniniwala at pinayuhan niya rin akong pigilan ang galit at inis na mararamdaman ko sa sandaling makaharap ko ang problemang tinutukoy niya, mukhang seryoso ang bagay na paalala niya saakin kaya ngayon pa lamang ay nag sasanay na akong maging kalmado upang ng sagayon ay hindi na ako mahihirapang kontrolin ang sarili ko.








Higit sa isang daang beses ko pinag isipan ang sinabi ni Polaris saakin, mula sa pag gising hanggang sa pag tulog iniisip ko ang bagay na iyon. Kapag pumayag akong mag punta roon ay kaylangan kong isama sina Theo at Thea saakin, hindi sila papayag na maiiwan dito sa mansyon habang wala ako sa tabi nila at sigurado ako sa bagay na iyon at kung hindi naman ay mukhang mag hahantay kami hanggang sa maka alala siya ulit pero ang totoong tanong kung ano ba ang kalagayan niya.








Kung short term memory lost lang iyon ay maaari pa siyang maka alala katulad ni Eros at kung long term naman ay matatagalan bago pa siya bumalik sa dati, nakita siya ni Gabby  na nangingisda at nag hahardinero sa kapit bahay nila. Hindi ko akalaing matututo siyang mag trabaho ng ganong klaseng gawain, I mean hindi ko naman minamaliit ang ganong klase ng hanap buhay pero hindi ako makapaniwalang si Thor ay nangingisda at nag hahardinero sa katabing bahay nila. 







Isa lang naman siyang taga pag mana ng sikat na casino at high end bars, isama ang paliparan ng ama niya. Kaya hindi ko lubos maisip na gagawin niya ang mga ganong bagay, mas marangya ang buhay ni Thor kasama ng mga tunay niyang pamilya pati kasama ko pero papaano siyang napadpad sa mga ganong klase ng buhay? Sinong nakakuha sa kaniya? pati sino ang nag uwi sa kaniya sa Pilipinas? kung nagawa niyang makapag palit ng pangalan, paniguradong may alam ang nag balik sa kaniya. 









Ngayon na ang huling araw ng palugid ni Polaris saakin, dapat kinabukasan kapag punta niya ay may desisyon na ako tungkol sa sinabi niya at hanggang ngayon nag dadalawang isip pa rin ako pero siguro pipiliin ko na makita siya ngayon dahil nag babakasali akong makatulong na maka alala siya kapag nakita niya ako at isa pa gusto na rin siyang makita nina Theo at Thea. Hindi ako sigurado sa magiging reaksyon ko pero sana kayanin ko, paniguradong lalayo siya saakin dahil hindi niya ako kilala sa ngayon at kinakatakot kong itaboy niya ang mga sarili niyang anak na nakilala lamang siya gamit ang mga litratong kinuha namin noon. 








"Dawn, ngayon ang huling araw ng palugid ni Polaris sayo. Nakapag desisyon ka na ba?". Tanong ni ate Trinity saakin. Kasalukuyan kaming nasa Cielo, kakatapos lang namin subukan ang AI na robot na magiging kapalit ko habang wala ako sa kumpanya. Technically speaking, ako pa rin naman ang mag tatrabaho kaya lang hindi kasama ang pisikal kong katawan kung hindi ang utak ko lamang at isang robot ang papalit saakin kung sakaling papayag na ako sa isang sekretong misyon na hindi naman inutos ng mga nakatataas saamin. 







Before The Lightning Strucks (KOV #1)Where stories live. Discover now