35 - The Subject

4K 350 235
                                    

35 - The Subject



"Sleep," malamig na sabi ni Lucas, diretso lamang ang tingin sa tinatahak na daang naliliwanagan ng headlights ng van.



"Nakikita mo na ulit ako ngayon?"



"Come on, Yuan. You started the cold war."



"I didn't," depensa ng dalaga sa sarili. Bumalik siya sa pagkakasandal at lumingon sa katabing bintana. "Ikaw dyan ang bigla-biglang nagagalit."



Huminga ng malalim ang binata upang panatilihing mahina ang kanyang boses dahil tulog na ang lahat maliban lamang sa kanilang dalawa. "I'm not mad, I was jealous. I thought you have feelings for...someone."



Napataas ang isang kilay ni Yuan.



"You might be just considering my feelings that's why you're still being nice to me. I mean, I understand that everything came too fast and I surprised you with my confession. You never told me to have feelings for you so it's all on me and I truly understand. So please, just tell me. I don't want you feeling guilty for being happy with somebody that's not me."



Napaawang ang ibabang labi ng dalaga. Napakurap-kurap din siya. "Ang dami mong sinabi."



"Am I wrong?" Sandaling nilingon ni Lucas ang dalaga.



"Yang tingin mo parang nagmamakaawa kang sabihin ko na mali ka," nakangiwing sabi ni Yuan.



"Am I?"



Bumuntong hininga din ang dalaga. "Didn't I tell you that I like you too?"



"You did," sagot ni Lucas. "But you may like other people and you may like them more."



"Isa lang ang gusto ko," ani Yuan. Pansin niya ang pagsilay ng ngiti ni Lucas pero ngumiwi lamang siya. Naiiling na lumingon muli siya sa labas ng bintana. "Yan lang pala ang inaarte mo. Diba sabi ko partners tayo? Kung may iba akong gusto edi sana group ang sinabi ko."



"Am I supposed to laugh?"



"Tulog si Tricia kaya tangina mo."



Natawa si Lucas. Muli niyang nilingon ang dalaga at umirap lamang ito sa kanya. "Sleep now."



Hindi na kumibo si Yuan. Hindi rin siya gumalaw at nanatiling nakahilig ang ulo sa bintana, nakatanaw sa labas kahit puro kadiliman lamang ang kanyang nakikita. Bumalik ang katahimikan ng paligid at ang bigat na kanyang nararamdaman.



Humigpit ang kapit ng binata sa manibela. Kahit pa nakausap niya ang dalaga ay halata pa din dito ang epekto ng pagkawala ni Manong Jules. "Then cry at least."



Hindi man lumilingon ay bahagyang napangisi si Yuan. "Bakit ba gustong gusto mo na umiiyak ako? 'Yong ibang lalaki natataranta na sa pagpapatahan kapag may umiiyak na babae. Ikaw, nananahimik ako, utos ka ng utos na umiyak ako."



"I'm not those guys, and you're not like those girls."



"Kaya nga hindi ako umiiyak."



"Yuan."



"I'm perfectly fine--Oh, fuck!"



Nataranta man dahil sa pagsigaw ni Yuan, dahan-dahan ang naging pag-apak ni Lucas sa preno. Naihinto niya ang sasakyan ng walang nagigising na kahit na sino sa kaniyang likuran.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now