13 - Round 2

5K 457 214
                                    

13 - Round 2



"Jet!" sigaw ni Mariz noong lumubog ang paa niya sa putik. Natatarantang itinaas niya ang dalawang kamay upang magpahila sa kaibigan na nauuna sa kanya.



Agad binitawan ni Jet ang dalang sako, na puno rin ng mga nakatuping sako, at hinila ang dalaga. "Ayan! Sinabi na kasing 'wag ng sumama!"



"Wag mo kong sigawan!"



"Ang ingay niyo," saway ni Gian sa dalawa. "Pag tayo na-engkanto."



"Si Jet lang naman mukhang engkanto dito," ani Mariz at nilagpasan na ang kaibigan na tumulong sa kanya.



"You're welcome, Mariz," sarkastikong sabi na lamang ng binata at sumabay na kay Gian. Wala pang limang segundo ay nainip na siya sa katahimikan kaya pasimple niyang siniko ang katabi at isinenyas sina Rina at Lucas na nauuna sa paglalakad at tila may seryosong pinapagusapan. "Ingat, pre."



"Tanga ka. Patay na patay 'yang si Lucas kay Yuan," natatawang sabi ni Gian.



Natawa din si Jet. "Joke lang, alam kong gusto niyan si Yuan. Pero sa bato niyan, parang hindi naman tamang gawing definition ni Lucas yung patay na patay."



Ngumisi si Gian. Tumikhim pa ito at inihanda ang sarili para magtunog convincing ang kanyang sasabihin.



"Yuan!" sigaw ng binata. Aakalain ng kung sinong makarinig na nagulat ito dahil nakita si Yuan sa gitna ng kakahuyan. Pigil ang tawa na pinanood nila ni Jet si Lucas na mabilis na nagpalingon-lingon. "Ay, puno lang pala."



Napailing na lamang sina Rina at Mariz na alam na alam ang kalokohang ginagawa ng dalawang nasa hulihan. Matagal tagal pang naglakad-lakad ang grupo hanggang sa makakita ng magkakasunod na puno ng saging. Tumigil doon ang apat na magkakaklase habang si Lucas ay nagpatuloy sa paglalakad upang maghanap ng iba pang namumungang puno.



"Sinong aakyat?" tanong ni Rina habang nakatingin sa mga bunga na sa tingin niya ay maaari ng kainin.



"Hindi ko kaya 'pag walang mga sanga," ani Mariz.



"Ha! Weak!" pang-aasar ni Jet at nauna ng umakyat sa isa sa mga puno.



"Sanay na sanay ang unggoy," pasaring ni Mariz. Agad siyang napasigaw noong ibinagsak ni Jet ang isang bungkos sa mismong harapan niya. "Tangina mo, Jethro Montez."



Lumapit si Gian at sinuri ang bungkos na nasa harapan ng dalaga. Muli siyang tumingala at sinamaan ng tingin si Jet. "Gago, andaming nasira! 'Wag mong ihagis!"



Tumawa lamang si Jet at nagpatuloy sa ginagawa. Maya-maya ay umakyat na din si Gian sa ibang puno upang mas mabilis silang matapos.



"There are mango trees nearby," anunsyo ng kababalik lamang na si Lucas.



"Tara," pagyaya ni Mariz sa binata. "Kaya ko ng akyatin yon."



"Are you sure?" tanong ng binata, nag-aalangan na isang babae ang aakyat sa puno.



"Oo naman," kampanteng sagot ng dalaga.



Bitbit ang dalawa sa mga sako na dala nila, nagpaalam muna sina Lucas at Mariz sa mga kasama. Matapos ang may sampung minutong paglalakad ay narating nila ang magkakatabing puno ng mangga na hitik na hitik sa mga bunga.



"I'll climb. Just stay here," ani Lucas at ibinaba ang baseball bat ni Warren na dinala niya lamang upang makasiguro. Inilabas niya ang pocket knife na ipinahiram ng mga sundalo para magamit nila.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now