26 - That Kid

4.1K 349 52
                                    

26 - That Kid



Inis na ibinato ni Aiah ang maliit na bahagi ng hawakan ng tinidor na ginamit niya kaninang tanghalian. Rinig na rinig sa apat na sulok ng silid ang kalansing ng pagtama niyon sa sementadong sahig. Gabi na at sa lahat ng oras na lumipas ay ang pagpipiraso sa maliit at manipis na bakal ang kanyang pinagkaabalahan. Pilit niyang ginawang busy ang sarili at dahil hindi na kayang baliin ang maliliit ng piraso ng bakal ay nawalan na siya ng gagawin. Muli niya nanaman tuloy naramdaman ang presensya ng taong maghapon niyang kasama sa silid.



Sa dalawang araw na lumipas ay nasanay na ang dalaga sa pagkukunwaring hindi niya napapansin si Gian. Nagagawa niya ng palipasin ang buong araw ng hindi ito kinakausap at binabalewala ang mga tingin nito. Tila nga lang mayroong iba sa araw na ito. Ramdam niyang may mali at hindi siya mapakali.



"Ano bang problema?" Pinilit ni Aiah na magtunog kaswal ang kanyang tanong. Alam niyang hindi rin naman paniniwalaan ng binata na kahit papano ay nag-aalala siya.



Nagsalubong lamang ang mga kilay ni Gian at tinignan ng masama ang nasa loob ng kulungan. Maya-maya ay marahas siyang bumuntong hininga at pabagsak na sumandal sa lumang sofa. Pumikit siya.



Hindi nawala ang pagka-curious ni Aiah. Lalo niya lamang nakumpirmang may mali dahil tila pinapakalma ni Gian ang sarili nito. Halatang may problema.



"Yuan..."



Natigilan ang dalaga noong narinig ang boses ni Gian. Mahina lamang iyon pero sigurado siyang nagsalita ang binatang hindi pa rin nagmumulat o gumagalaw.



"I don't know how to save her."



Hindi nakapagsalita si Aiah noong muling humarap sa kanya ang binata. Hindi niya alam kung matutuwa ba o hindi dahil kinakausap na siya ni Gian. Kahit kailan ay hindi niya inaasahang makikipag-usap pa ito sa kanya, maliban sa paglalabas nito ng galit, kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin.



Lalong na-pipe ang dalaga noong makitang kumislap ang mga mata ni Gian sa kabila ng kakaunting liwanag sa loob ng silid. "I've always known that she's struggling. I've always seen how Rina and their friends tried to protect her from her own demons. May alam na ko, dapat simula pa lang tinulungan ko na din siya. Umabot pa tuloy sa ganitong klaseng panahon. Putangina, kaya imbes na lumaban para sa sarili niya, sarili niya ang kalaban niya. I should've noticed sooner. She's already drowning."



"W-What happened?" mahina at kinakabahang tanong ni Aiah.



Muling sumandal si Gian at tumitig sa kisame. "She found out."



"About what?"



"She found out that the kid she's been seeing is only a product of her mind."



Bahagyang napataas ang mga kilay ni Aiah. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig. "W-What do you mean?"



"She's hallucinating." Muling humugot si Gian ng malalim na hininga habang nananatiling nakatingin sa taas. "Mula noong unang araw niya dito sa Itbayat."



"I don't understand," gulong-gulo na sabi ng dalaga.



"She's been seeing her younger self," ani Gian saka muling tumingin sa kulungan. Ipinatong niya ang mga siko sa kanyang tuhod at seryosong tumingin sa kausap. "All this time Yuan thought that we have a new kid here. Today, she found out that she's the only one who can see her."



Naitakip ni Aiah ang kanyang mga kamay sa sariling bibig. Hindi niya inakalang may ganoong nangyayari sa kanyang paligid, lalo pa sa taong itinuring siyang kaibigan.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now