5 - Fuck this

6K 504 236
                                    

Another update for today dedicated to those who said na sila na ang bahalang mag-promote ng stories ko HAHAHAHAHA. Dalawin sana kayo ni Wawie 💚



-----



5 - Fuck this



Hindi pinansin ni Yuan ang pagtawag nina Kevin at Dr. Vergara sa kanyang pangalan. Tila wala sa sariling inihahakbang niya ang mga paa. Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay tumatakas siya. Noong mamalayang sinusundan siya ni Kevin ay mas lalo niya pang binilisan ang pagtakbo.



Nang makalagpas sa kakahuyan ay muling sumalubong sa dalaga ang kabilaang palahaw ng mga tao. May iilang mahihinang pagsabog din siyang narinig. Isang helicopter ang dumaan sa mismong taas ng kinaroroonan niya at akmang magbabagsak ng zombies. Bago pa man tuluyang malaglag sa lupa ang mga iyon, muli na siyang kumaripas ng takbo.



Tuluyan ng sumikat ang araw at bagamat makapal pa din ang usok sa kalangitan, malinaw ng nakikita ni Yuan ang paligid. Napakaraming bangkay ang nakahandusay at halos mapinturahan ng pulang likido ang kalsada. Pilit niyang pinakalma ang sarili at sinundan ang pinanggagalingan ng usok.



"AAAAAAAAAAAHHHH!"



Natatarantang napatigil ang dalaga sa pagtakbo noong may marinig na sumigaw. Mabilis siyang pumihit patungo sa pinanggalingan niyon at natagpuan sa isang eskinita ang isang may edad na babae na yakap-yakap ang isang batang lalaki habang nilalapitan sila ng isang naglalakad na bangkay.



Naghanap si Yuan ng maaaring gamitin panglaban ngunit isang basurahan lamang ang naroon. Dahil wala ng pagpipilian, pinuwersa niya ang sarili na buhatin ang malaking timba na punong-puno ng basura at inihagis iyon sa zombie.



Natigilan ang babae noong humandusay ang zombie sa mismong harapan nila. Mabibilis ang paghinga niya habang nanlalaki pa rin ang mga mata at mahigpit ang yakap sa batang umiiyak.



"That won't kill it," ani Yuan at doon lamang tumingin sa kanya ang babae. "There's a doctor with a briefcase waiting at the shore. Can you go there?"



Wala sa sariling tumango ng mabilis ang babae.



"Alright. Stay alive. I'll see you later." Tipid na nginitian ni Yuan ang batang tumingin din sa kanya bago siya muling nagtatakbo.



Habang papalapit ng papalapit sa palengke ay mas lalong nahihirapang huminga ang dalaga. Masyado ng makapal ang usok at halos wala na ding makita ang mga mata niyang naluluha sa hapdi. Balak sana niyang maghanap ng ibang daan noong muli siyang nakarinig ng isang sigaw.



Muling sinalakay ng matinding kaba ang sistema ni Yuan ng mapagtanto kung gaano kapamilyar ang sigaw na iyon. "Mariz..."



Tuluyang pinasok ni Yuan ang palengke. Naaaninag niya ang mga stall ng prutas sa magkabilang gilid ng kalsadang tinatahak. Kahit open area ay bahagyang naiipon ang usok dahil sa mga makakapal na banderitas na nagdudugtong sa mga tindahan.



Wala ng nakasalubong na iba pang buhay na tao ang dalaga. Marahil ay tumakbo na ang mga ito, marahil ang iba ay hindi na rin nakaligtas. Patunay doon ay ang mga parte ng katawan at lamang loob na maya't maya niyang natatapakan.



Habang patuloy na naglalakad si Yuan ay bigla na lamang may tatlong zombies na bumagsak sa mismong harapan niya. Napaatras siya kasabay ng pagkaputol ng mga banderitas na nahila ng katawan ng mga bangkay. Napalunok siya ng isa-isang bumangon ang mga iyon.



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now