32 - Questions and Answers (Part 1)

4K 330 86
                                    

Did you guys see the story I posted last night?

Scarper House is complete with 12 parts. Check it out in my works!

-scitusnim 💚



-----



32 - Questions and Answers (Part 1)



"A penny for your thoughts?"



"A penny won't be enough," natatawang sabi ni Yuan.



Inalis ni Kevin ang tingin mula sa kanyang binabasa at nilingon ang dalagang kasama niya sa terrace ng bahay. Gabi na pero lumabas silang dalawa ng van dahil kailangang i-charge ang laptop. "Okay ka lang ba dito? Gusto mo na bang bumalik sa van? I mean, it's dark."



"Nakikita pa naman kita," ani Yuan. Napansin niya kung paanong natigilan ang binata kaya muli siyang nagsalita. "I mean, as long as I can see the things around me and I know I'm not alone, I'm okay."



"Okay..." Napakagat si Kevin sa kanyang ibabang labi saka muling humarap sa laptop.



"I was actually wondering if I'll still see Luna."



Muling napaangat ang tingin ng binata noong nagsalita si Yuan.



"I don't really think that everything about her is, you know... done?" nag-aalangan pang sabi ng dalaga. "Feeling ko talaga dapat masabi ko mismo sa kanya na pinapatawad ko na siya."



"That was your answer?" tanong ni Kevin.



Ngumiti si Yuan at tumango. "I got it all figured out. I unconsciously created her so I could forgive my younger self."



"Wow," namamanghang bulong ni Kevin.



"Kung kailan alam ko na, saka naman hindi ko na siya nakikita." Bumuntong hininga ang dalaga saka tumingin ng diretso sa kanyang harapan. "Masyado ng natagalan. Dati pa 'to sinasabi sa akin ni Kuya Wawie eh, na patawarin ko na ang sarili ko."



"He knows you did nothing wrong."



Muling ngumiti si Yuan at marahang umiling. "He knows na hindi kasi ako marunong mag-sorry. That's why he kept on telling me to just forgive myself."



"Yuan..."



"He knows I'll never be sorry to myself." Tumawa ang dalaga saka pasimpleng pinahiran ang isang takas na luha. "But, I'm already okay. I swear. Of course, I'm still grieving for all the loss, but I'm no longer blaming myself for everything."



Napahugot si Kevin ng isang malalim na hininga. Inalis niya ang laptop na nakapatong sa kanyang mga hita at ipinatong iyon sa sahig. Iniangat niya ang kanyang mga tuhod saka iyon niyakap. Tulad ni Yuan ay diretso din siyang tumingin sa kanyang harapan.



"A penny for your thoughts?" biro ni Yuan noong lumipas ang ilang segundo at nanatiling tahimik si Kevin.



Bahagyang natawa ang binata. "I'm just thinking that, somehow, we're the same."



"Why?"



"I don't know how to say sorry, either." Muling bumuntong hininga si Kevin. "No one taught me how."



Napalingon si Yuan noong maalalang kahit matagal niya na itong nakasama, wala pa rin siyang kaalam-alam sa buhay ng binata. Natigilan siya ng makitang nakatingala ito at tila pinipigilan ang sariling maiyak.



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon