17 - Which is worse?

4.3K 381 142
                                    

17 - Which is worse?



"Gian," tawag din ni Lucas sa binatang kasama niyang naghanap kina Yuan at Rina. Alam niya kung gaano kabigat na desisyon ang pinagisipan nito bago gawin 'yon sa sarili nitong girlfriend. Kung siya nga ay hindi naisip kahit na itulak man lang si Yuan noong naging zombie ang dalaga noon.



Pero tila nagkaisa ang buong mundo na ibahin ang sitwasyon ngayon. Kinailangang pumili ni Gian.



Mahigpit pa rin ang kapit ng nanginginig na kamay ng nakayukong binata sa espada ni Yuan. Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan mula kanina, sa kung saan siya mismo nakatapak habang pinupugutan ng ulo si Rina.



"Gian, I'm sorry." Umiiyak na tumayo si Yuan at niyakap ng mahigpit ang kanyang kaibigan. Hindi pa rin ito umimik o gumalaw man lang. "I'm really sorry. I'm sorry."



Sa puntong iyon ay nagsimulang pumatak ang mga butil ng tubig mula sa kalangitan. Hanggang sa tuluyan ng umulan. Tila nakikiramay ang nasa itaas.



Pagod man, nanghihina, at puno din ng pagdadalamhati dahil sa nangyayari, hindi binitawan ni Yuan si Gian. Wala na siyang pakialam kahit pa nilalamig lalo na at madaling araw pa lamang. Hindi niya iiwan ang kanyang kaibigan. Maging si Lucas ay nanatiling tahimik sa isang tabi at nanonood lamang, nakikidalamhati.



Matagal-tagal pa bago narinig ang pagbagsak ng espada sa sementadong kalsada at naramdaman ng dalaga ang pagsubsob ni Gian sa kanyang balikat. Mas hinigpitan niya ang yakap dito. Hindi siya sigurado kung umiiyak ba ang binata pero malinaw sa kanya ang nararamdaman nito.



"S-She would definitely say you did the right thing," subok ni Yuan sa pagpapagaan ng loob ng binata. Kahit siya ay hindi gusto ang kanyang sinabi. Alam niyang iyon nga ang sasabihin ni Rina. Sigurado siya doon. Pero mauuwi nanaman ang lahat sa dahilang nangyari ang lahat para iligtas siya - at iyon ang bagay na kahit kailan ay hindi magiging tama para sa kanya.



"Nothing feels right," mahina at basag ang boses na sagot ni Gian.



Hindi na nakapagsalita pa si Yuan. Ganoon din naman ang nararamdaman niya.



"Let's go back. Baka magkasakit ka." Kumalas si Gian sa yakap at tinignan ang dalaga gamit ang walang buhay niyang mga mata.



Napatingin na lamang si Yuan kay Lucas. Umaasang alam ng binata kung ano ang dapat gawin. Nabawi lamang ang tingin niya noong umalis si Gian sa kanyang harapan. Nagulat siya noong bigla nitong binuhat ang katawan ni Rina.



"Gian the shards--"



Tumalikod agad ang binata. Dire-diretso itong naglakad patungo sa pugot na ulo ng kasintahan. Hindi alintana ang mga bubog at kutsilyo na humihiwa sa kanyang balat, yumuko siya para pulutin ang ulo. Ipinatong niya iyon sa buhat niyang katawan at kaswal na tumayo.



"Let's go."



Muli nanamang tumulo ang mga luha ni Yuan habang pinapanood ang kaibigan na nauna ng maglakad. Pakiramdam niya ay hindi lamang si Rina ang nawala.



Lumuhod si Lucas sa harap ni Yuan at sinuri ito. "Are you alright?"



Hindi inaalis ang tingin kay Gian, sumagot ang dalaga. "He's not."



Napahugot ng malalim na hininga si Lucas.



"Hindi pa nagsi-sink in sakin that we've lost Rina..." Bahagyang tumawa ang dalaga at walang kahit anong bakas ng kasiyahan doon. "...but I think we're losing Gian too. Damn, Lucas. Ako nanaman ang dahilan. Putangina."



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now