Special Chapter #3 - The Date

5.5K 389 263
                                    

Special Chapter #3 - The Date



"Yuan, go on a date with me."



"When all of this is over, go on a date with me."



December 2025.



"Hi."



Mula sa pagkakaupo sa hagdanan ng front porch ng bahay na kanyang tinutuluyan, mabilis na tumayo si Yuan noong marinig ang pamilyar na boses ni Lucas. Nagliwanag ang mukha niya noong makita ang binata na papalapit sa kanya.



"Hi! Good evening," bati niya.



Hindi mapigilan ang ngiting napatitig si Lucas sa dalagang nakita niyang nakasuot ng dress sa unang pagkakataon. "It really is a good evening."



Naiiling na napatawa si Yuan saka dinampot ang espadang nakasandal sa gilid ng hagdan. "So, where are you taking me tonight, Mr. Gomez?"



Bahagyang napakunot ang noo ni Lucas habang nakatingin sa kamay ng dalaga na mahigpit ang hawak sa armas. "Yuan... do you really have to bring that on our date?"



"Ah..." Saglit na ibinaba ng dalaga ang tingin sa espada at sa kumikislap nitong talim. "Just in case."



"Yuan, it's all over. We won't need that anymore," pangungumbinsi ni Lucas.



"Just in case," buo ang loob na sabi ni Yuan.



Napahugot na lamang si Lucas ng malalim na hininga. Higit tatlong buwan matapos ang araw na naging tuldok sa apocalypse na kanilang pinagdaanan, apektado pa din ng takot ang sistema ni Yuan. Kahit pa naninirahan na sila sa panibagong komunidad sa Palawan na binuo ng mga taong tumulong sa kanila, hindi pa rin bumabalik sa normal ang buhay ng dalaga.



"I'm sorry," wala sa sariling nasabi ni Yuan noong makita ang ekspresyon sa mukha ng binata. "I just—"



"Don't say sorry. It's okay." Nilapitan ni Lucas ang dalaga at niyakap ng mahigpit. Umaasang sa pamamagitan niyon, kahit papaano, ay mapapanatag ang loob ni Yuan na ligtas na siya at wala ng mangyayaring masama sa kanya.



"I still dream about it," pag-amin ni Yuan. Hindi man inaangat ang mga braso para yumakap pabalik sa binata, isinubsob niya ang sariling mukha sa balikat nito. "About them."



Hindi nagsalita si Lucas at nanatili lamang na nakayakap sa dalaga.



"Every time I close my eyes, I see blood," kwento pa ni Yuan. "Am I getting crazy again?"



"No." Kumalas si Lucas sa yakap at hinawakan ang dalaga sa magkabilang pisngi para iharap sa kanya. "You're not crazy. If you are, then I'm crazier."



"Jet's the craziest?" nangingilid man ang mga luha ay bahagyang natawa si Yuan sa sariling biro.



"Definitely," natatawa ding sabi ni Lucas. Gamit ang kanyang mga daliri ay pinahiran niya ang mga takas na luha ng dalaga. "You shouldn't cry tonight. It's our first date."



"Right. I should not ruin this," pag-sang ayon ni Yuan. "I fought the grim reaper for this date."



"That's my girl," nakangising sabi ni Lucas. Hahawakan niya na sana ang kamay ni Yuan noong bigla itong humakbang paatras. "W-Why?"



"Your girl?" naniningkit ang mga matang tanong ni Yuan.



"Y-Yeah?" naguguluhang sagot ni Lucas. "You're my partner. You're my girl. Mine."



2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now