"Ali, hindi ka ba nagtataka kung bakit ganoon 'yung reaksiyon namin noon ni Thea?" biglang tanong ni Steve dahilan para matigilan ako. Hindi ko napaghandaan 'yung tanong niya. Akala ko dati kapag dumating na sa point na mao-open ang pangyayaring iyong 4 years ago ay balewala na lang sa akin gawa nga na napatawad ko na sila, pero bakit ganito? Kinakabahan ako.

"B-bakit mo natanong?" mababakas ang panginginig ng boses ko, bahagya lamang akong kumalma kasi naramdaman kong dahan-dahang hinihilot ni Steve ang palad kong hawak niya.

"Wala naman, naisip ko lang kasi na ang tagal na nating naging maayos pero never pa natin 'tong napag-usapan."

Tama nga naman siya, actually medyo nawala na nga sa isip ko 'yun eh. Mula kasi nang maging maayos kami, nakuntento na ako sa mga bagong alaala na binubuo namin. Hindi ko na talaga naisip pang balikan at alamin 'yung totoong nangyari noon. Pero alam ko rin naman na may parte sa akin na gusto pa ring malaman iyon.

"Althea and I used to be engaged when we were highschool," panimula niya sa pagkukwento. Pakiramdam ko ay nag-expand lahat sa ulo ko nang marinig 'yun - mga tenga ko, mata, bibig, ulo, at ilong. Hindi ko mawari kong paniniwalaan ko ba 'yung mga naririnig ko ngayon.

"Alam kong medyo hindi kapani-paniwala pero ayun ang totoo," patuloy nito at sinalubong ang tingin ko. Hindi ko na naman maiwasang malunod habang sinasalubong ang mga mata niyang tila ba nagsasayawan ngayon sa isang ritmong kami lamang dalawa ang nakakaalam. Tahimik ko na lang ngang pinakinggan ang pagkukwento niya at unti-unti akong nalinawan. Aaminin ko, mas nadagdagan 'yung guilt sa puso ko at mas naging pursigido akong bumawi sa kanila ngayon. Ngayon ko mas na-realize na hindi sa lahat ng pagkakataon, ako lang ang nasasaktan. Pwede kasing kasabay ng sakit na nararamdaman ko ay 'yung sakit na maaaring nararanasan din ng mga taong dahilan kung bakit ako nasasaktan.

"A-ano pa bang gusto n'yong ipagawa? Sabihin n'yo na para isang bugsuan na lang itong pagod ko," sabi ko sa pagitan ng paghingal. Kanina pa ako napapagod sa bawat pinapagawa nila sa akin. Ito raw kasi 'yung naisip nilang paraan para makabawi ako sa kanila.

Nandoon na nag-general cleaning na ako sa buong apartment. Kung bakit ba naman kasi ang laki nung nabili nila. Daig ko pa tuloy 'yung pakiramdam ni Sarah na pinapahirapan ni Miss Minchin. Kulang na lang ay maglinis ako ng tsimineya. Hindi pa nga sila nakuntento at sa halos kalahating araw kong paglilinis ay inutusan pa nila akong pumunta ng palengke para bumili ng pagkain namin. Ang dami-dami nilang inilista tapos maya't-maya ay magti-text sila ng mga pahabol na kung anu-ano. Mabuti na nga lang at kumasya ang pera na dala ko. Iyon nga lang, hindi na sumapat 'yung pera ko para makasakay ng tricycle pauwi ng bahay. Mabuti na nga lang at umabot pa ang pera ko pampamasahe hanggang sa kanto ng village. Gustuhin ko mang mag-antay ng shuttle ay hindi ko na rin tinangka. Kung sa tricycle nga ay wala na akong pambayad, sa shuttle pa kaya? Kaya ang ending, naglakad ako habang bitbit 'yung mga pinamili ko.

"Anong nangyari sa'yo, girl?" puna sa akin ni Keighla.

"Hello? Kung tulungan mo na lang kaya ako dito sa mga bitbit ko," sabi ko at itinuro 'yung mga pinamili ko. Agad naman niyang na-gets 'yung gusto kong ipahiwatig. Pumunta siya sa bandang likod ko at kinuha 'yung ibang plastic bag na nakalapag doon.

"Nako naman, Ali. Bibili ka lang naman pero hindi ko talaga ma-gets kung bakit ganyan 'yang itsura mo."

"Duh! Ikaw kaya maglakad mula kanto habang bitbit mo 'yang mga iyan. Ewan ko na lang kung hindi ka mapagod."

Sa wakas ay nakaupo rin ako. Hinilot-hilot ko 'yung hita ko. Ang sakit kasi talaga. Mabuti na lang talaga at nasapian ng kabaitan si Keighla kaya nag-volunteer na siyang dalhin 'yung mga pinamili ko sa kitchen.

Napalingon naman ako nang marinig kong may nagtatawanan. Nilinga ko ang tingin ko sa paligid at nang mapagawi ang tingin ko sa hallway papunta sa mga kwarto ay nakita ko 'yung dalawang tao na pinanggagalingan ng mga tawa na iyon. Hindi nakaligtas sa tingin ko 'yung paghampas ni Althea sa braso ni Steve. Halatang may pinagkakatuwaan 'yung dalawa kaya ganoon na lang kawagas kung tumawa sila. Napaismid na lang ako.

"Ali, nandiyan ka na pala!" baling sa akin ni Althea. Napansin na marahil 'yung presensiya ko. Napagawi naman 'yung tingin sa akin ni Steve at malapad ang ngiting ibinigay niya sa akin. Ngunit sa halip na ngitian ko siya pabalik ay inismiran ko siya. Ewan ba, bigla akong naiirita. Lalo pa nang maalala ko na namang tuwang-tuwa sila ni Althea kani-kanila lang.

"Ali, may pupuntahan nga pala kami ni Steve. Pakisabi na lang sa kanila kapag hinanap kami, babalik din naman kami kaagad," patuloy na pagkausap sa akin ni Althea.

"Okay, sige. Ingat kayo," walang ganang sagot ko sa kaniya. Kaagad din ngang umalis ang dalawa at mas lalo lang tuloy sumama 'yung timpla ko nang maisip kong silang dalawa lang ang magkasama.

Hay nako! Magsama kayong dalawa ng semi-wifey mo, Steve.

Jusko, hindi kaya't nagseselos ako? Kaagad kong iwinaksi ang inis na unti-unting kumakain sa sistema ko. Nakwento naman na sa akin ni Steve ang lahat at malinaw naman niyang sinabi na wala talagang espesyal na namagitan sa kanilang dalawa. Parang magkapatid lamang daw sila. Kaya nga pilit ko na lang iwinawaksi ang nabubuhay na selos sa puso ko. Mali yatang maramdaman ko ito lalo pa at alam ko namang walang malinaw sa pagitan naming dalawa ni Steve.

Lumipas ang halos sampong minuto ay tumayo na rin ako. Gumawi ako sa kusina at sinamahan ko si Keighla na kasalukuyang nag-a-arrange ng mga pinamili ko.

Maybe This Time (✔)Where stories live. Discover now