Chapter 10

105 35 31
                                    

Pumasok kami sa isang cell, at kung hindi ako nagkakamali ay elevator ang tawag dito. Habang naghihintay kami sa loob ay napapansin ko talagang laging napapatingin sa akin ang mga tao. Tumingin ako sa likod ko para masiguradong walang pakpak na lumabas at baka iyon ang tinitignan nila.

"Finally," puna ni Timo nang makalabas kami ng elevator. "I don't think masasama pa kita next time."

"Ha? Ayaw mo na ba ako kasama?"

Hindi niya ako sinagot, bagkus pumasok kami sa isang tindahan na may nakaukit sa itaas na Department Store. Sumunod ako sa kanya hanggang sa huminto siya sa lugar na maraming... gamit panloob ng mga babae...

Taka ko siyang tinignan. Ngunit kibit-balikat lang ang nakuha ko sa kanya.

"Ilan ba ang kukunin ko?" nag-aalangang tanong ko.

"At least good for a week." sagot niya.

Sumunod naman kami sa mga gamit para sa paa. Agad na naagaw ang atensyon ko ng isang kulay ginto na tsinelas. "Ito, Timo?" tanong ko.

Nanlaki ang mata ni Timo nang makita niya ito. Mabilis siyang lumapit sa akin at inagaw sa akin ang tsinelas. "For godsake, that's too expensive."

"Expensive?" takang tanong ko. Paano ba nila nalalaman na mahal ang isang bagay?

May tinuro siya sa akin na numero. "Look, it's 5,000 pesos. Hindi ka rin naman marunong niyan."

Ibig sabihin, limang libong piso? Ang mahal nga naman! Atsaka ngayon lang ako nakakita ng ganoong klaseng tsinelas, may parang nakatayo sa bandang talampakan. "Ano bang tawag sa tsinelas na 'yan?"

"I don't know either, but I used to call it high heels." High heels? Aba, hindi ko maintindihan. Maganda lang talaga siguro 'yung kulay.

Napakamot ako sa ulo ko. "Pasensya na..." natawa ako ng mahina. Nakakahiya talaga!

Si Timothy na ang bumili ng tsinelas ko. Natatakot kasi ako na baka kung ano namang mamahaling bagay ang madadampot ko. Ang dami na kayang pinamili sa akin ni Timo! Sobrang nahihiya na ako.

"Uuwi na ba tayo?"

"Hindi pa tayo nakakabili ng damit mo."

"Timothy!" pareho kaming napatingin sa gawing iyon. Nakita ko ang isang magandang babaeng masayang palapit sa direksyon namin.

"Jenny." ani Timothy.

"What are you doing here?" tanong nung Jenny saka napatingin sa akin. Ngumiti naman agad ako. "And who is she?"

"Ah... she's my PA." sagot ni Timothy. PA? Ano bang ibig sabihin ng PA? Proverbs Angel?

"Oh?" tinaasan ako ni Jenny ng isang kilay. Ang taray niya tignan. "Nice to meet you... Timothy's PA." nakangiting saad niya kaya nginitian ko din siya at nagpasalamat.

"Wait me here for a seconds." sabi ni Timothy kay Jenny saka humarap sa akin. Hinila niya ako palayo doon. Pinangbigay niya sa akin ang ilang paper bags na dala-dala niya kanina. "Dalhin mo 'to. Umuwi ka na."

"A...Ano?"

"Sige na. Humiling ka na lang diyan sa kwintas mo. I'll go ahead, bye." magsasalita na sana ako ngunit masyado na siyang malayo. Nahihirapan din akong gumalaw dahil kaliwa't kanan ang hawak ko. Sinubukan kong tawagin siya sa pangalan niya ngunit hindi siya lumingon. Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit ba siya ganyan?

Naghanap ako ng malapit na upuan ngunit nang ibinalik ko ang tingin ko kung nasaan sina Timothy ay wala na sila. Imbis na kakaupo ko pa lang ay napatayo agad ako. Saan ba sila nagpunta?

The Wings Called Prequel (COMPLETED)Where stories live. Discover now